Valentine's Day

21.4K 539 32
                                    

Happy Single Day!
Happy Independence Day--Para sa mga pusong malaya na. Malaya na sa jowa nilang sinaktan lang sila ng paulit ulit.

Happy National Hero's Day--Para sa mga pusong martir at masokista. Mga pusong pwede nang barilin sa luneta.

Happy New Year--Para sa mga pusong gusto na ng pagbabago.

Happy Labor's Day--Para sa mga pusong todo effort kahit sila lang ang nagmamahal.

Happy Rizal's Day--para sa mga pusong patuloy na sinasaksak patalikod. Este binabaril pala. Hahaha

Happy Bonifacio Day--Para sa mga pusong lalaban hanggang dulo.

Happy Halloween--Para sa mga pusong takot magmahal.

Happy Holy week--Para sa mga pusong umaasa nalang sa bagong tirik na kandila.

Happy Ninoy Aquino's Day--para sa mga pusong mahal ang pag ibig.

Happy EDSA people's revolution Day--Para sa mga pusong may ipinaglalaban.

Happy Chinese New Year--para sa mga pusong umaasa nalang sa Fung shui at pampapaswerte. Hahaha

Happy Valentine's Day ---Para naman sa mga magkukulay pula ngayon!

Happy Reading!

------

Valentine's Day

Sheila wore the blue shirt at lumabas ng suite. Sa lobby palang ay kapansin-pansin na ang mga nakakulay pula. Ang usual attire ng mga crew and staff na kulay maroon at puti ay napalitan ng pulang long sleeve at itim na necktie.

Saka lang niya napansin ang mga dekorasyon sa paligid. Heart shaped balloons and paper-cut heart ay nakasabit din. February 14 nga pala ngayon. Pagkausap niya sa sarili. Bakit nga ba hindi niya napuna ang mga iyon kanina? O dahil preoccupied lang ang isip niua kaya marahil hindi niya namamalayan ang nagaganap sa paligid niya. Kalat din ang mga magkakapareha sa paligid. Sa reception area palang ay dama na ang tinatawag nilang, Season of Love. May mga booth doon na makakabili ka ng mga fresh red roses.

Bago pa siya kainin ng inggit dahil sa mga nakikita. Minabuting hanapin na niya ang mag ama. Bumalik siya sa Secret Garden. Pero wala na ang mga ito doon. Umikot ikot pa siya para hanapin ang mga ito pero hindi niya makita.

Pagbalik niya sa front desk para sana ipagtanong ang mag ama niya. Saktong lumapit si Mang Oscar sa kanya. Siya ang driver ng service van nila. Kasunod nito si Carpio na ngayon lang niya tila napuna.

"Ma'am Sheila, pinapasundo po kayo ni Ma'am Miranda." Ani ng Driver. Kumunot ang noo niya. Nagsabi naman siya kay Mrs. Ongpin na hindi siya sigirado kung dadalo siya sa feeding program.

Ngumiti lang siya. "Naku manong. Hindi ho ba sinabi sa inyo ni Mrs. Ongpin na baka hindi ako sumama. At isa pa hinahanap ko si Sienna." Bumaling siya kay Carpio. Kataka takang di niya ito nakikita nitong mga nakakaraang araw. "Hanapin mo si Sienna. Kasama niya kanina si Ru---Si Mr Rosales." Alam naman niyang hindi pababayaan ni Ruth si Sienna. Kaya lang nag aalala na siya sa dalawa. Pwede naman kasi niyang tawagan kaya lang naiwan niya sa suite nila ang cellphone niya.

Deretsong tumingin si Carpio sa kanya. "Kasama po ni Mr Rosales si Ma'am Sienna."

Nakataas ang kilay na sinalubong niya ang tingin nito. Pinipilosopo ba siya nito? Hindi ba niyo narinig ang sinabi niya? "Alam ko. Kaya nga sinasabi ko sayo hindi ba?"

Nagyuko ng ulo si Carpio. "Ang ibig ko pong sabihin. Magkasama sila ngayon sa Feeding program ni Mrs. Ongpin. At ipinapasundo niya po kayo." Saka lang niya nakuha ang sinasabi nito.

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon