Bear and Sunflowers
"How's my inaanak? Is she safe?"
Iyon ang bungad ni Pearl na tumawag siya dito. Nakauwi na sila sa bahay. Two weeks after the operation ay pinayagan na sila ng doktor na umuwi na at sa bahay na magpahinga ng tuluyan si Sienna. "Ligtas na siya. Nagpapasalamat kami sa Diyos na hindi ganoong kalala ang nangyari sa kanya."
Narinig niya ang pagpapakawala nito ng malalim na paghinga. "I'm glad she's okay. Kaya pala sobra sobra ang kaba ko. May nangyayari na pala dyan pero ngayon mo lang sinabi." May himig pagtatampo sa tinig nito.
Pagkatapos niyang manganak kay Sienna ay pinahintulutan sila ni Trey na tumungo sa California para bisitahin ito. Saka nito nakilala ang anak niya. "I'm sorry Pearl. Sobrang nababaliw din ako sa mga nangyari. Hindi ko na naisip na tawagan ka. Palagi kasi akong nasa tabi ni Sienna."
"Naiintindihan ko. Mommy ka kaya ganoon. Ang mahalaga ngayon, ligtas na si Sienna." Ani nito. Nakahinga na din siya ng maluwag. "Siya nga pala. Nahuli na ba ang gumawa niyan?"
Iyon ang isa pa sa kinapanlulumo niya. Negative pa rin ang imbestigasyon. Walang makuhang lead. "Pero naniniwala si Trey na kalaban niya sa pulitika ang posibleng may kagagawan nito. Naghahanap lang siya ng pruweba."
"Whoever behind this, ipagdasal natin na mahuli na siya. God! Hindi na kayo safe d'yan!" May halong pag aalala sa tinig nito. "Bakit hindi nalang kayo bumalik dito?"
Hindi pwede. Hindi siya pwedeng umalis. Hindi pa niya nalalaman ang lahat ng tungkol kay Julie. Gusto pa niyang tulungan si Ruth. Iyon lang ang magagawa niya para dito. At isa pa, alam niyang hindi papayag si Trey na lumabas sila ng bansa. "Lalaban ngayong eleksyon si Trey. We should be here." Pag amin niya. Siguro tama lang na ibalik na niya sa dati ang lahat. Kailangan niyang subukang papasukin muli sa puso niya si Trey.
"What about the annulment? Itutuloy mo pa ba?" Dinig niyang tanong nito.
Hindi siya nakasagot. Hindi pa niya alam ang sagot sa tanong nito. "H-Hindi ko alam." Bumugtong hininga siya. "Pearl, I'll call you back. Okay? Baka kasi gising na si Sienna." She said. Daan para iiwas muna niya ito sa kahit na anong tanong na may kinalaman sa relasyon nila ni Trey. Dahil hindi pa niya muna gustong pag usapan sa ngayon.
Pagkatapos niyang patayin ang tawag ay muli siyang bumalik sa kusina. Naihanda na niya ang almusal ni Sienna. Pagdating niya doon ay sabay lapit naman ni Carpio sa kanya. Erwin Carpio ang head security nila. "Ma'am may nagpapaabot ho sa inyo."
Tumunghaw siya dito at napatingin sa bitbit nito. Hawak nito ang isang life-size teddy bear na kulay pink. May ribbon iyon sa leeg at may pendant na star. It's fluffy and soft. Puno ng pagtataka ang mga mata niya. "Para daw po kay Ma'am Sienna ito."
"A-At iyan?" Sabay turo niya sa isang dosenang Sunflower na hawak nito.
Blanko ang mukha nito na sumagot. "Para sa inyo daw po."
Kumunot lalo ang noo niya. Sumingit sa isip niya ang isang parte ng nakaraan dalawang taon na ang nakakaraan.
"Kaninong garden ka namitas nito?" Tudyo niya sa asawa pagkatapos nilang mananghalian sa bahay nina ka nonong. Isang bungkos ng sunflower ang iniaabot nito sa kanya.
"Mukha ba akong magnanakaw ng sunflower sa may hardin ng may hardin? Sa gwapo kong 'to?" Halos mapabulaslas siya ng tawa. "Nagustuhan mo ba?" Maya maya'y tanong nito.
Ngumiti siya pagkatapos ay tumango. "Paborito ko ang sunflower. Salamat."
Ipinilig niya ang ulo. "K-Kanino galing ito?" Mahigpit ang patakaran sa loob ng bahay na bawal ang basta pagtanggap ng kahit na anong regalo lalo na kung hindi kilala ang nagbigay.
"Ipinaaabot ho ni Doctor Santos."
Dr. Santos? Bakit siya nito bibigyan ng sunflower? A Sixty four years old Pediatric surgeon? Impossible. Umiling siya. "B-Bakit siya magbibigay nito?"
Hindi umimik si Erwin. "Sigurado ka bang para sa amin ni Sienna ito?"
Tumango ang kausap. "Sigurado po ma'am. Mismong messenger ni Dr. Santos ang naghatid niyan. Dumaan na rin po iyan sa security check kaya safe po."
Umalis sa harapan niya si Erwin matapos magpaalam. Kasalukuyang nasa maynila si Trey dahil may inaasikaso ito. Nagdagdag pa ito ng securities sa loob at labas ng bahay. Pati ang bodyguard ay ganoon din.
Wala sa sariling binitbit niya ang nga bulaklak. Ilalagay na lamang niya sa vase para hindi malanta. Siguro mas magandang personal niyang pasalamatan si Dr Santos.
To be continued...
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 14: Ruth Rosales
Художественная прозаGENTLEMAN series 14: Ruth Rosales Ruth was lost after a blast of tragedy happened in his family. Scandals poured in and wrong speculations flashed on the television. Nasira ang mga kabuhayan ng pamilya nila. And it took so many years before they r...