Si Muning at ang Ban-Tatay
Another two weeks had passed. Tuluyan nang gumaling si Sienna. Bumalik na ito sa dating sigla at nakikipagkulitan na. Kung iisipin, hindi siya mukhang dumaan sa kritikal na kondisyon. Para siyang batang nasabik lang sa paglalaro at nakulong sa loob ng bahay ng may higit isang buwan.
May flower crown ito na labis na kinagigiliwan ng mga bumabati sa kanila. Guest speaker sa isang inauguration si Trey. Kaya kasama silang mag ina. Nakahawak ang maliit na kamay ni Sienna kay Trey habang siya naman ang nakakapit sa braso ng asawa. Imbitado din ang ilan sa mga pulitikong nakadaupang palad na niya.
"Mrs. Zaragosa!" Bahagya siyang lumingon ng marinig ang pagtawag sa kanya. Nasa gilid na niya si Mrs. Ongpin. Asawa ni Senator Renato Ongpin na siya rin madalas ay ibida ng mister niya. "I'm glad you came!"
"Mrs. Ongpin!" Naihanda na niya ang ngiting kabisado na niya sa harapan ng salamin. Bilang asawa ng isang pulitiko. Mabibilang lang niya sa daliri ang mga nakakasalamuhang tao na may totoong pakikisama at totoong pagbati. Well, Mrs Ongpin is one of the sincerest person she'd known. Kaya lamang, naiilang at nahihiya siya dito lalo na kapag niyayakap siya ng ginang. "Kamusta po k-kayo?"
"Happy to see you, hija." Napabitiw siya kay Trey ng yumakap ito sa kanya at halikan siya sa pisngi. "Mr. Congressman, hihiramin ko muna ang misis mo." The old woman smiled to her husband. Nakangiting tumango si Trey at kinarga si Sienna papalapit sa mga kakilala. He's always a proud father.
Hinila siya ng ginang sa gilid ng stage. The stage was decorated with fresh lilies and orchids. Hindi pa nag uumpisa ang ceremony. "May out-reach kami this coming week. I would like to invite you, again. " She said while emphasizing the last word of her sentences.
Pilit hinagilap ng mga mata niya si Sienna. "P-Pero Mrs---."
"Oh c'mon darling. Don't disappoint this old lady." Sabi nito na may halong tila tampo. Matagal na kasi siya nitong iniimbita sa mga out-reach program nito. Miyembro kasi ito ng Gabay-kalinga youth foundation. Gusto niya ang mission ng grupo kaya lang hindi niya kasi maiwan si Sienna. Parang segundo lang yata siyang mawala sa tabi ng anak niya ay mababaliw na siya.
Tila nahuhulaan na naman nito ang sasabihin niya kaya humarap ito sa kanya pagkatapos bumaling sa mag-ama niya. "I'll talk to your husband. Papayag siya na sumama ka. And you can bring your daughter with you." Nakangiti nitong sabi.
"K-Kausapin ko muna po ang asawa ko." She doubt it. Gaya niya, hindi rin sanay si Trey na malayo kay Sienna. Even in their sleep ay katabi nila ang bata. "Ilang araw po ba 'yon?" Marahan niyang tanong.
"One week oang hija. Apat na barangay kasi ang pupuntahan natin. Those barangays are badly need a medical help and education assistance. Hindi naman natin kailangan mahirapan sa tutulugan. My Nephew offered his Hotel na tulong na raw niya para sa lahat ng aide and volunteers." Mahaba nitong paliwanag.
Tumango tango nalang siya. Kung papayag si Trey na isama niya si Sienna ay dadalo silang mag ina. Isa pa, mabuti din para sa bata na mamasyal masyal siya para hindi ito tuluyang matrauma sa nangyari sa kanya.
Sienna was laughing so hard when she sat beside her father. "Mommy!" Irit nito nang kilitiin na naman ito ni Trey. "Daddyyy---No!" Natawa nalang siya ng mabilis na kumapit si Sienna sa leeg niya.
"Pinapagod mo naman ang bata." Nakangiting sita niya dito.
Tumawa si Trey. "I'm just teasing her." Bumaling ulit ito kay Sienna. He squat his arms and---. "Here's the roaring tiger---Roarrr!"
Sienna giggled again. "Daadddyy!"
Pati siya ay nahawa na din. Panay din ang hagikhik niya sa tuwing isisiksik ni Sienna ang mukha sa leeg niya para itago kay Trey. Huminto lang ng kulitan ang dalawa ng magumpisa na ang ceremony at maya maya'y tinawag na si Trey para sa kanyang inspirational speech.
After the ceremony, She and Trey had been stocked with some of the allied Pharmaceutical industry directors. Tuwang tuwa ang mister niya ng personal na sabihin ng mga ito na balak nilang magbigay ng pondo para sa Municipal Out-reach ng San Simon.
She let Sienna played at the ground while her bodyguards are around. Sa tuwing tititig siya kay Trey. Hindi niya maiwasang hanapin ang mga pintas ng ibang tao dito. Hindi niya makita ang kriminal sa katauhan nito. The way how he served his community is far from what she heard with other people. Sa katunayan, malayong malayo ito sa deskripsyon ng iba. He was tough and dominant but soft inside. He cried when he's tired. He cried when he's abuse. And he cried when he's been attacked using his weakness.
"You and Sienna are my only weakness. Kapag kayo ang nasaktan. Ako ang mas labis na masasaktan. Because your pain is my pain."
She stop there from rewinding their past conversation. "E-Excuse me. Pupuntahan ko lang si Sienna." Aniya.
Bumitaw ito sa baywang niya. "Alright. Susunod na ako. Hintayin niyo nalang ako sa sasakyan." Sabi nito saka hinalikan siya sa noo.
Yumuko siya at saka naglakad palayo. Hinanap ng mga mata niya si Sienna. Sandaling tinambol ang dibdib niya ng hindi niya ito mahagilap sa lugar kung saan niya ito huling nakita. "S-Sienna?"
Even the bodyguards are nowhere in her sight. Panic built inside her chest when she heard a noise coming from her behind. "Grrrrh.. Rarrrrw!"
Then Sienna's laugh echoed in her ears. Saka lang niya nakitang tumatakbo ito papalapit sa kanya habang may humahabol ditong---Aso?
"Oh My God! Baby!" Mabilis niya itong sinalubong.
"Up! Up! Up! Mommy!" Nagpakarga ito sa kanya habang tumatawa. The dog growls in her shock. Naka tunghay ang aso sa kanya at nakalabas ang dila.
Muning...
Kilala niya ang aso sa harapan niya. Kilalang kilala niya. Sunod sunod na tumulo ang luha niya. She's still remember how he barked when she passed by him pagkatapos niyang lumabas ng rest house noon. Tandang tanda pa niya ang pagtahol nito. As if he's a human who crying like a baby just to stop her from leaving. Lumuhod siya sa harapan nito. Binaba naman niya si Sienna. "I like the dog, mommy." Sienna said.
Hinaplos niya ang ulo nito. He's still big and shiny. The dog growls as if he's still remembering her. "Hi, Muning." Kiniskis nito ang ulo sa tuhod niya. Ang buntot naman nito ay humahaplos sa binti ni Sienna kaya napapahagikhik ang anak niya.
"Mommy, Can we adopt him?" Sienna asked.
She was holding a piece of cardboard. And she read it. "Hi I'm muning. Please adopt me."
Akbay sa balikat ang nagpatingala sa kanya. Paano niya sasabihin sa anak niya na kilala niya ang may ari sa aso? That she owned him once. Pero agad niyang naalala si Ruth. He might be---around!
Kung nasa harapan nila si Muning. Posible na nasa paligid lang si Ruth!
To be continued...
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 14: Ruth Rosales
Genel KurguGENTLEMAN series 14: Ruth Rosales Ruth was lost after a blast of tragedy happened in his family. Scandals poured in and wrong speculations flashed on the television. Nasira ang mga kabuhayan ng pamilya nila. And it took so many years before they r...