Part 2

6.9K 170 0
                                    

SECOND

''How is he?'' Salubong ko sa doctor na pumasok sa kwarto.

''No signs of recovery, Miss Z.'' Umiiling niyang sabi at saka chineck ang aking kapatid na ilang taon nang nakaratay sa kama.

I held my brother's arms. Idinikit ko ito sa aking pisngi at inalala ang mga panahong magkasabay kaming lumaki at iniensayo para maging kung ano kami ngayon.

And then the memory of him getting hit by the truck made my heart ache so bad. It was a miracle that he survived that incident. At ngayon, he's still in coma. Doon ako nagpalipas ng oras hanggang sa tumawag sa akin si Alejandro at sinabing kailangan ko na daw maghanda para sa darating na misyon. Yes, I accepted the mission for my brother's sake. Alam na alam talaga nang lalaking iyon ang kahinaan ko.

''Your mission is to be Givanne's secretary. Pagkatapos noon ay maghintay ka nalang ng susunod na iuutos ko. Ang priority ngayon ay ang makapasok ka sa loob ng kanilang kumpanya.'' Tinanguan ko lamang siya at pumasok sa loob ng isang matayog na building na may malaking sign na, BInc.

''This way, Ma'am.'' Iginiya ako sa 19th floor nang babaeng sumalubong sa akin at hinatid ako sa opisina ng kanilang acting CEO.

''Come in...'' sagot ng nasa loob pagkatapos kong kumatok.

''Sit.'' Itinuro nito ang upuan habang may nakabalandrang ngisi sa kaniyang mga labi.

''I'm Issabella Lieberg.'' Of course it's just a fake identity.

Tumango ito at binasa ang papel sa harapan. Nang magtama ang mga mata namin ay halos manginig ako sa kinauupuan. Bumaba ang kaniyang mata sa aking dibdib at paakyat uli sa aking mga mata.

''Nice...'' makahulugan niyang sabi at saka inilapag ang papel sa lamesa niya.

Nakipagtitigan siya sa akin at walang ginawa kundi ang ngumisi. Kung minsan ay sumisipol pa kapag napapatingin sa aking hita. Pervert, bastard!

''A-aren't you going to ask me some questions, S-sir?'' I asked.

Ngumisi lamang siya at dinampot ang telepono. ''Sent everyone else who's going for an interview today. I think I have found the most perfect secretary.'' Sabi nito at inilipat sa akin ang kaniyang tingin.

What? Ganun-ganun nalang iyon!? Ni wala man lang mga tanong?

''You are hired. Starting tommorow, you'll go with me wherever I go. Even in the bathroom...''

Nanlalaki ang mga mata ko siyang tinignan.

''Kidding...'' He chuckled and licked is lower lip. ''Anyway, I am Givanne Black. But you can call me Sir Second.'' He said and winked at me.

Pagkatapos ng interview kong iyon ay umalis na ako para magtungo sa CR bago tuluyang umalis. Inihilamos ko ang aking kamay sa mukha at tinitigan ang sarili sa salamin. Tumunog ang aking phone, kita ko doon ang pangalan ni Alejandro.

Tinignan ko muna lahat ng cubicle kung may tao bago ito sagutin.

''How was it?'' Agad na tanong niya.

''I'm hired. What's next?''

''I left a gift in your house. Go check it.'' He said and ended the call.

Pagkatapos ng tawag ay lumabas ako, only to meet a pair of black furious eyes. Ang kaniyang mga mata'y walang kasing talim na tila ba'y mamamatay ang sino mang tumitig dito ng matagal.

Bago pa man ako manigas sa kinatatayuan ko ay nilagpasan kona siya at saka mabilis na naglakad palabas ng building. Pagkasakay ko ng taxi ay agad na nanlambot ang aking tuhod. Images of that man's piercing eyes flooded my whole system.

Spying The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon