Part 19

2.9K 83 4
                                    

"Good morning, Sir." Bati ko kay Givanne. Himala ata at ang aga niyang nasa opisina ngayon. Kadalasan kasi ay nauuna ako parati.

"Mmmm.. good morning din." Tipid na sagot nito at seryosong nakatutok sa laptop niya.

Nagbeep ang telepono ko at agad ko itong nilabas pagkaupo sa upuan ko.

Diego:

Do this one right, okay. We wasted the perfect time on that party and it's all on you.

Napairap naman ako sa text niya. Nakakainis iyon at ako talaga ang sinisi. Hindi man lang kami naghati, maybe 50-50 or 60-40.

—FLASHBACK

"Let's go home." Salubong ko at saka uminom ng champagne.

Saglit akong tinitigan ni Diego bago tumango at nagyayang umuwi. Wala pa kaming isang oras na nagtatagal doon ni hindi panga nagsisimula ang party!

"Anong nangyari?" Tanong ni Diego pagkalabas namin ng mansyon.

"Hindi ako nakapagikot-ikot." Pag-amin ko. "Gagamitin ko sana ang pinakabatang Black pero mukhang mautak din ito." Sagot ko at nakaramdam ng konting inis sa bata.

"Ano!?" Sigaw ni Diego.

"Wala akong nakuha." Kalmante kong sagot.

"What!? Nagsayang ka ng oras doon? Hindi ba't kilala mo naman ang dalawang Black bakit hindi sila ang ginamit mo!? So stupid!" Galit nitong sigaw.

Agad naman nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. "Ano kamo!? E bakit hindi ikaw ang gumawa diba? For your information, hindi ko close ang dalawang Black na tinutukoy mo! Wag mokong sigawan dahil baka samain ka saakin.." banta ko sa kaniya at pinakalma ang sarili.

"Hindi ka naman ganyan sa mga misyon mo dati.. ang tumal mong gumawa ng misyon! Dati ibigay lang sayo ang gagawin linalatag mo kaagad ang mga impormasyon! Ngayon, daig mo pa ang pagong sa bagal!" Dagdag pa nito.

"Magkaiba ngayon! Dahil wala ang kapatid ko! Naiintindihan mo!? Kaya manahimik kana!" Galit kong sabi at inis na ibinato ang cellphone ko sa harapan ng sasakyan.

"H-hey!" Sigaw pa nito.

—END OF FLASHBACK

At ngayon, may latay na ang cellphone ko. Wala pa man ding isang taon sa akin 'to. Kung hindi lang ako ininis ng Diego'ng iyon eh. Tarantado.. tss!

*kring!! Kring!! Kringg!*

Napatingin ako kay Givanne ng marinig ang telepono niyang magring. Hindi niya muna ito sinagot at tumingin muna sa akin bago lumabas.

Kunot-noo akong napatitig sa pintuang pinaglabasan niya. Ilang beses ng umaarte ng weird. Hindi naman siya ganyan noon..


"Yes, I'll keep that in mind." Seryosong sabi nito nang bumukas ang pinto.

Hindi pa man ito nakakabalik sa upuan niya ay bumaling na ito sa akin.

"Ah.. Ms. Lieberg, you can go home now. I have some business to attend to and you don't have to be here.. anymore." Seryosong batid nito.

"O-oh.. okay, S-Sir." Napapahiyang sagot ko.

What does he mean 'anymore'!? Is he firing me? Anong ibig sabihin niya doon sa sentence niya? Why is he acting like this suddenly? Ano kayang problema non.


Wala akong nakagawa kundi ang umalis nalang at umuwi sa bahay. Agad kong ipinaalam kina Diego ang napapansin ko sa ikalawang Black. Agad namang tumawag si Diego.

Spying The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon