Kulit
The following day, wala si Sir Givanne dahil sa 'di malamang dahilan. Told me it's personal at mamaya pang alas singko y media siya makakarating.
Pumasok parin ako dahil syempre, bayad ang oras ko dito at hindi naman ako pupwedeng basta-basta nalang hindi papasok dahil trip lang.
A knock on the door made me startled.
Bahagya itong bumukas at sumungaw ang mukha ng lalaking supposedly kameeting dapat ni Sir kahapon. Bumilog ang bibig niya at tuluyang binuksan ang pinto.
"Hi, there!" Masaya niyang bati at dumako ang tingin sa table ni Sir Givanne.
"Wala pa si Sir, eh." Malamig kong sabi.
I honestly don't like him kahit na isa pa siyang CEO ng isa ding malaking kumpanya. Well, first impressions last.
Tumango siya at saka inimbitahan ang sariling maupo sa sofa. Hindi pa nakuntento at itinaas pa ang paa sa lamesa.
"I'll just wait for him. You know... bussiness." He said and then eyed me meaningly.
Intindi ko ang tingin niya ngunit wala akong balak na bigyan siya ng maiinom dahil baka malagyan kolang iyon ng laxatives.
Nagkunwari akong iniiscroll ang mouse at may ginagawa sa laptop para hindi niya na ako kausapin pa.
"Did he tell you what time he will return?" Wala pang isang oras ay tingin na siya ng tingin sa orasan niya.
Bahala ka maghintay jan!
Nagkunwari akong walang narinig at ngayon naman ay nagpanggap na may hinahanap sa drawer ko. Lahat ng pagpapanggap gagawin ko wag kolang mapagtuunan kahit isang segundo ng buhay ko sa kaniya.
"Ughh... ang init naman! I feel like I need refreshment, juice maybe!" Pagpaparinig niya.
Patay malisya padin...
"Woah, your dress is so nice!"
Ilang ulit niya pang pinansin lahat ng gamit sa opisina hanggang sa naubos niya na lahat at wala ng mabanggit pa.
"Where did you get that watch? I want something like that for men... Hey! Answer me! Yohooo!"
Buong akala ko'y magtitigil na ang isang ito ngunit ngayon ay kumakaway-kaway pa ito sa likod ng laptop ko. Grabe ang isang ito! Parang kambing, 'di kaya sumasakit panga neto? Bigyan kong isang suntok to eh, 'di magtigil.
"Aha!" He said and pointed at me, "You're ignoring me, aren't you?"
Napairap ako at sinubukang pigilan ang sariling gamitan ng lethal moves ang kumag na'to.
"Alam mo, ang ganda mo..." alam ko. "Kaso hindi moko pinapansin." Tangina.
"Do you know that other girls are dying to get my attention, while you... you're ignoring me like you can't see me!" Patuloy siya sa pagdada.
Lord, wala nabang katapusan ang ingay ng lalaking to? Paki-usap po, kunin niyo na to.
"Are you deaf? Or pipe? Or maybe both? Do I need to use sign language?"
Hinayaan ko siya sa mga dada niya ngunit nakuha niya ang atensyon ko ng makita ang ginagawa niya. He was making some weird hand motions ang pisngi niya ay pinapalobo niya habang ginagawa ito. Mas lalo tuloy tumaba ang mukha niya at medyo bumilog ang singkit na mata.
"Will you stop?" I finally said.
Nagpakawala siya ng hangin na akala mo'y pinigil ang paghinga.
"Thank goodness, you're not deaf or pipe! Or both." He smiled, revealing his the dimple on his right cheek and then his eyes were formed into a line.
Tinuon kona ulit ang atensyon sa laptop, playing Tetris.
"Speak to me!!" He growled.
Tantya ko'y aabot hanggang sa malapit na department ang boses niya kung hindi ito soundproof.
I closed my laptop and looked at him with an annoyed face.
"Can't you shut up and wait for him? God!" Sagot ko at sinapo ang noo.
I can't believe he is a CEO with his attitude! Mabuti't may tumatagal na empleyado at sekretarya sa kaniya.
"Is that how you treat other clients here?" Natatawa niyang sabi na para bang nakikipagbiruan ako.
Inirapan ko siya at nagtipa ng mensahe para kay Sir Givanne.
Ako:
Someone's here to see you. Please, pumunta kana dito dahil hindi ko alam ang gagawin sa kaniya, Givanne.
Hindi ko alam ang pangalan niya at wala akong balak alamin kaya iyon nalang ang tinipa ko.
"How much does he pays you? I want someone like you for a secretary! I'll double it- no, maybe triple!" He said and waited for my answer.
Nagpakawala ako ng marahas na hininga bago tinignan ang cellphone kong nagvibrate.
Sir Givanne:
It's Dyma. You're really going too well, huh? I guess I have to visit more often. I'll forward the message to 'Givanne', my brother.
Kunot-noo kong tinignan ang reply. Does this siblings didn't know how privacy works o talagang nagbabasahan sila ng mensahe. But anyway, I don't care.
Pumatak ang alas kwatro at gustong-gusto kong takbuhin ang distansya sa pintuan ng bumukas ito at iluwa si Givanne!
"G-Givanne, thank goodness you're here!" Maligaya kong sabi at saka sinalubong siya at sinamahan paupo sa upuan niya.
"Did he mock you big time, Issy?" Nakangising tanong niya.
Sasagot na sana ako ng may boses na nauna.
"What the-? Issy?" It was Dyma.
And oh, how I rolled my eyes when I heard his voice pagkatapos ng ilang araw niyang hindi nagpakita. Wait, why do I care kung bumalik man siya o hindi? Ha, as if!
"Yes, brother, for I have found the name very cute." He winked at me and turned to the noisy guy who was shifting his gaze from me to Givanne and to Dyma.
"Now, what do I owe the... displeasure of your visit?" Nakangiti niyang sabi.
Tumawa ito sa sinabi ni Givanne.
"You sure know how to joke around!" He laughed.
"No, I am uniquely unpleased of your visit. Now shall we get to the point, what do you want?" Si Givanne sa matigas na ingles.
I saw the guy's adams apple moved at saka niya pinagdikit ang dalawang palad.
"C-can you please offer the project you were going to give yesterday? Please.. my father will kill me if he find out I didn't convince you today." Halos lumuhod ito sa harapan niya habang sinasabi ito.