Baltimore
"Good morning, Secretary Issa!" Agad umikot ang mata ko sa narinig.
Pumasok siya sa loob ng opisina habang may dalang isang box na mukhang cake at tatlong kape.
"Wala si Sir Givanne?" Tanong niya ng dumapo ang mata sa upuan ni Givanne.
"Baka daw mamayang 5 PM pa siya makakarating..." sagot ko.
Ayaw ko mang pansinin siya'y bilin ito sa akin ni Givanne.
"Issa, I'm really sorry about this but, entertain Baltimore for me." Malalim ang kaniyang boses sa telepono.
Alas singko ng madaling araw ng tumawag ito sa akin para sabihin iyon.
"Oh, okay. Have some cake and coffee." Alok niya at ipinakita ang kape.
Ngumiwi ako. "I only drink strawberry milkshake." I said.
"A-ah... e-eh... " nagkamot siya ng ulo. "I-I'll order my secretary to order your drink, hahaha!" Dagdag niya at saka inilabas ang kaniyang cellphone.
Hinayaan ko siya habang binabasa ang mga e-mail mula sa mga kumpanyang gustong magpa-appointment kay Givanne. Kailangan ko pa itong ipa-approve kay Givanne para sa mga gusto niyang i-entertain.
"Hurry up, will you? And make sure na hindi tunaw 'yang milkshake, Lee!" Dinig kong sigaw ni Baltimore sa kaniyang telepono.
Ilang minuto pagkatapos ng tawag ay dumating ang isang lalaking nakalong sleeve na nakatupi hanggang siko. May dala itong milkshake sa kanang kamay at hinahabol ang hininga.
"S-sir, e-eto napo!" Sabi nito at ibinigay kay Baltimore ang milkshake.
Kinuha ito ni Baltimore at saka inilagay sa aking lamesa. Ngumisi siya sa akin at saka tumayo sa aking harapan. Tinaasan ko siya ng kilay at saka humigop sa milkshake.
It was refreshing. Probably the best thing I ever had if only it wasn't from this annoying guy. But I'll be considirate and accept it, kawawa naman iyong inutusan niya kung sasayangin kolang. Buti sana kung siya ung bumili.
"Salamat dito." I smiled sweetly at the guy.
It was another guy, hindi tulad ng dala niya noong nagalit sa kaniya si Givanne.
Oh, I almost forgot, isa nga palang CEO ang isang ito.
Ang kaninang pagod na mukha niya ay napalitan ng ngiti. Nagpaalam na ito na babalik na sa parking lot at umalis.
"Bakit sa kaniya ka nagpasalamat? Ako ang nagpabili at nagbayad niyan!" Sabi niya pagkaalis na pagkaalis ng lalaki. Ngumuso ito.
I sipped on my milkshake before answering him.
"Well... I recognize hard work."
Tumikim ako sa chocolate cake na nasa lamesa ko. It was so delicious! Naubos ko agad ang isang slice and now, my mouth is watering! Gusto kong kumain ng marami like: Graham cake, pizza and then donuts!
Tiniis ko iyon at nagpatuloy sa pagbabasa ng sandamak-mak na request ng appointment. Tahimik na naglalaro ng games sa cellphone so Baltimore nang makaramdam ako ng pangangati ng katawan.
Nang una ay sa braso, pagkatapos ay sa binti hanggang sa umabot sa leeg. Bakit ba ako nangangati!? Wala namang lamok dito at naligo naman ako kanina!
After the itchy sensations, I felt my lungs getting tight. Hindi ako makahinga ng maayos!
I tried inhaling thru my mouth ngunit mahirap. Parang may sumasakal sa akin at wala akong magawa.
"B-Baltimore... " I called.
Tumayo ako para makalabas ngunit parang hangin na bumagsak ang katawan ko sa sahig. Nalaglag ang laptop sa aking katawan at ang ilang mga gamit mula sa lamesa.
"I-Issa!!" Dinig kong sigaw ni Baltimore.
Help! Help me, please!
I tried calling out ngunit wala halos lumaba saa bunganga ko. And then, in a fast motion, I felt like my body was flying in the air and the total darkness enveloped me.
"Ate, wait lang hintayin niyo ko!" Bladimir cried, my younger brother.
Siya ang pinakabunso sa aming tatlong magkakapatid, samantalang pangalawa ako at si Ate Voanne naman ang panganay. Bladimir's only five years old at ngayon ay ang ikalimang kaarawan niya.
Hindi ko pinansin ang iyak niya at nagpatuloy sa paghabol sa aking ate Voanne na ngayon ay nawala na sa aking paningin.
Sa aming bukid kami naghahabulan. Ang kulay dilaw na dahon ng palay ay sumasayaw kasabay ng buhok kong mahaba na isinasayaw ng hangin.
"Pssst!" A voice said.
Lumingon ako sa kaliwa't kanan ngunit wala akong nakita kundi mga palay.
"Valentina, dito!" Sumungaw ang ulo ni ate Voanne sa isang malaking puno sa di-kalayuan.
Agad ko siyang dinaluhan at nagtago kami sa likod ng malaking punong iyon. Ilang sandali'y narinig namin ang sigaw ni Bladimir, hinahanap kami.
Humarap ako kay ate Voanne. Ang singkit at mahaba niyang pilik-mata ang una kong nakita. Inilagay niya ang hintuturo sa gitna ng mapupulang bibig.
"May sorpresa tayo kay Blad." Humagikhik ito at itinuro ang isang box na nasa ibaba ng puno.
"Ate Val... Ate Vo!!" Sigaw ni Blad.
Hinanda namin ang cake at sinindihan gamit ang posporong nakasama roon ang kandilang nakaukit ng numerong 5.
Nang matapos na ay saka pumaswit si ate Voanne. Ang maikling itim na buhok ay umalon ng dumungaw siyang muli.
"Ate!! Iniwan ako ni Ate Val!" Dinig kong mangiyak-ngiyak na sabi ni Blad.
Dinala ko ang cake at hinintay na dumating si Blad. Ang tunog ng mga dahong natatapakan ay sumasabay sa iyak ni Blad habang tumatakbo.
"Ate, iniwan niya ko don!" Sumbong nito at narinig ko ang huling pagtunog ng mga tuyong dahon.
"Happy birthday to you... " panimulang kanta ko at dahang-dahang lumabas ng pinagtataguan.
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... " kanta din ni ate Voanne habang pumapalakpak.
"Happy birthday our love, Bladdy... Happy birthday to you!" We sang and then showed him the cake.
"Surprise!" Sigaw ni ate Voanne.
"Ateeeeee!!" Mas lalong umiyak si Blad at saka pareho kaming niyakap.
"Nakuu! Ang iyakin naman ng Bladimir namin!" Panunuya ko sa kaniya.
"Oh, bladdy, blow the candle na! Make a wish..." si Ate Voanne.
Pareho naming hawak ang cake at pinahipan kay Bladimir ang kandila. Pagkatapos non ay kinain namin ang cake, wala nga lang plato at kutsara man lang!
Nagpahidan kami ng icing at inubos ang cake bago nagpasyang umuwi na. Papauwi palang ay nararamdaman kong nangangati ang katawan ko dahil sa mga talahib at lamok sa bukid.
Binati kami ng mga katulong at agad na dinaluhan si Bladimir na sobrang dungis dahil sa cake.
"Anong nangyari sa mukha ninyo!? Josko!" Sigaw ni Manang Letichia at saka kami pinapasok sa loob.
Naghahagikhikan kami ng bigla kong maramdaman ang panghihina. My eyes were shutting and I can't seem to control it.
With a bang, I felt my side kissed the floor.
"Valentina!" Father's voice rowled in the hall.