Epilouge - 25

5K 83 8
                                    

"Baltimore Sandiego. Does that ring a bell?" Tanong ng lalaking may matalim at nakakatakot na tingin sa isang matandang babae.


"Wala akong kilalang ganiyan ang pangalan sa baryong ito.." paos na turan ng matanda sa lalaki.

Aalis na sana ito at magtatanong sa iba pang mga bahay ng makita ang isang larawan sa loob ng bahay. Luma na ito at kupas dala ng katandaan ngunit nakikita padin ang mukha ng isang batang lalaki na may maliit at malapusang mata at ang pisngi nitong bilugan.

"Maaari ko ho bang malaman kung sino ang batang ito?" Tanong ng lalaki kahit at hindi pinahalata na nakikilala niya ang batang lalaki sa litrato.

Isang tingin pa lamang ay malalaman mo nang ito ang batang si Baltimore. Ang lalaking si Damian Ymmanuel ay nagprisintang imbestigahan ang pagkakakilanlan kay Baltimore.

"Iyan ba? Apo ko iyan. Napakagwapong bata hindi ba?" Malungkot na tumawa ang matanda at kinuha ang litrato sa ibabaw ng cabinet at hinaplos ito.

"Ano ang pangalan niya?"

Tumingin ang matanda sa mata ni Damian at gumihit ang ngiti sa nangungulubot na nitong labi dala ng katandaan. "Siya si Balentino Morein Perez. Ang anak ng kaisa-isang anak kong babae.." nangilid ang luha sa mata ng matanda.

Nanghina ang katawan ng matanda kaya inalalayan ito ni Damian papaupo sa isang silya.

"Si Balentino.. siya ay ang tanging anak nito. Hindi na pa ulit nasundan dahil namatay ang ama nito sa isang hindi maipaliwanag na dahilan. Ang mag-asawang iyon.. hindi sila magkasundo at nagsasama lang para sa kanilang anak. Aksidente lamang ang dahilan ng pagkakabuo kay Balentino kung kaya't napilitan ang dalawa na magsama. Ngunit wala talagang pagsasama ang nagtatagal kung walang pagmamahal sa dalawa.. laging nag-aaway ang mag-asawa't hindi magkasundo. Hanggang sa.. dumating na nga ang biglang pagkamatay ng asawa ng aking anak. Simula noon nagbalik sa pagiging dalaga ang anak ko. Limang taong gulang pa lamang si Balentino noon. Ilang lalaki ang nagdaan sa aking anak at lahat ito nakilala ni Balentino. Kung hindi minamaltrato ang aking apo ay hindi naman ito pinapansin. Grabe ang pinagdaanan ng batang iyan sa anak ko.."

Sa puntong ito, wala nang makapagsasalaysay ng tunay na nangyari kundi si Baltimore. Iyon ang nasa isip ni Damian. Kailangan na niyang kumilos dahil habang tumatagal mas lalong nagiging delikado ang sitwasyon ni Valentina. Natatakot ang binata para sa dalaga..

Tulala si Baltimore habang inaalala ang mga sandali mula nang siyang nagkaisip at lumaki.

Noong siya'y lima palang, naaalala niya kung pano magsigawan ang kaniyang mga magulang twing gabi. Nagbabasag ng plato, gamit at nagkakasakitan ang mga ito. Isang araw, gabing umuwi ang kaniyang ina at galit na galit ang tatay nito. Kitang-kita niya kung paano hampasin ng ina niya nang bato ang ulo nito dahil sa galit.

"Pagod na pagod na'ko sayo! Gago ka! Walang hiya ka, patahimikin mo ako!" Galit na turan ng kaniyang ina at paulanan ng mga tadyak ang katawan ng walang malay at duguan niyang asawa.

Pinalabas nitong nadulas ang asawa at nabagok ang ulo. Simula nang mawala ang tatay nito ay halos hindi na siya pansinin ng ina. Namayat ang batang si Baltimore at malalim na ang mata. Naglalaro itong mag-isa sa silid ng ina nang mapunta ang laruan sa ilalim ng kama. Lumusot siya sa ilalim ng kama at kinuha ito, sa pagkuha ng laruan ay may nakita siyang isang lumang notebook. Kinuha niya ito. Gusto niya kasing pumasok na sa paaralan at matuto kasabay ang mga batang sing edad niya. Sa tulong ng kwadernong iyon ay matututo na siyang sumulat. May mga sulat na iyon ngunit may natitirang pang bakante kaya doon siya nagensayo hanggang sa matuto siya. Dumating ang pasukan at ang kwadernong iyon ay itinabi niya sa damitan niya. Balak niyang basahin ang mga nakasulat dito kapag marunong na siyang magbasa.

Spying The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon