Part 18

3.3K 83 2
                                    

Pattern

"Bellaaaaa! Uwi na ko ha? Kita nalang tayo bukas hehehehe!" Paalam ni Baltimore at kumaway pa.

"Mmmm.. ingat ka." Sagot ko at tumango pa sa kaniya. Hinintay ko munang makalabas siya bago iniligpit ang mga gamit ko kasi maya-maya lang ay uuwi nadin ako.

"Issa, kahit bukas wag ka ng pumasok 'ha? I have an important matter that needs to be finished." Seryoso at walang halong humor na sabi ni Givanne at isinuot na ang coat.

Pinanood ko siya na kinukuha ang susi sa table niya nang balingan niya ako. "I'll go ahead." Seryoso niyang sabi at umalis na.

Ano kayang nangyari don? Weird..

Naghintay akong lumipas ang 15 minutes bago nagpasiyang umalis ng opisina. I closed all the lights and the door.

Papasakay na ako ng sasakyan ko nang mapaisip ako. Naalala ko ung eksena na nangyaring barilan na muntik pa siguro akong makidnap.

"Bakit hindi man lang siya nagtanong tungkol sa nangyari?" Bulong ko sa sarili.

Bumilis ang tibok ng puso ko at ilang minuto pang nagisip ng dahilan kung bakit wala man lang nababanggit si Givanne tungkol doon. Paniguradong nakarating iyon sa kaniya dahil boss siya dito.

Peste kasi ang mga iyon sinira ang plano. Wala sa plano ang magpabuko!

*KRINGGGG! KRINGGGG!*

Napatalon ako ng magring ang telepono ko habang nagiisip. Inis kong tinignan ang screen at nakita ang pangalan ni Diego.

"Hello!?" Galit kong sagot sa tawag.

"Where are you?"

"Nasa parking lot ng kumpanya ng mga Black." Sagot ko.

Saglit na natahimik ang kabilang linya at tinignan kopa muna ito dahil baka ibinaba na ito ni Diego. Hindi pa naman.

"Okay, sige. Go home and don't come to work tommorow." Sa wakas ay sabi nito at ibinaba ang telepono.

Ano bang meron bukas at ayaw akong papasukin ng mga tao!? Ang wiwirdo nang mga 'to! Basta talaga mga opisyal mga abnoy at wirdo!

Hindi na ako nagsayang pa ng panahon at nagmaneho na pauwi.

BAHAY.

Binuksan ko ang TV at saka humiga sa sofa. Alas sais na pero wala akong ganang kumain at hindi naman talaga ko mahilig kumain ng ganitong oras. Nakatitig ako sa kisame ng marinig ang balita ngayon.

"A woman in her 20's was found dead at a bridge. Her body was violated and there are signs of torturing in it.."

Napatingin ako doon at nakita ang blurred na larawan na nasa tulay. Maraming dugo at halos hubo't hubad na ito.

Ano nanaman kaya 'to?

I got up and switched my clothes to my trainers attire and started doing some push-ups. 30 minutes akong nagpapawis at pagkatapos ay naligo na at natulog.

Kinabukasan..

11 na ako nagising dahil wala naman akong dahilan para gumising ng maaga. Naghanda ako ng kape at kumuha ng tinapay. Makulimlim sa labas at mukhang uulan pa.

*KNOCK! KNOCK! KNOCK!*

Tamad akong nagpunta sa pinto at sinilip ang peep hole. Nakita ko si Diego na naghihintay sa labas. Nakatuxedo ito at brush-up ang buhok.

Spying The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon