Part 12

3.5K 88 0
                                    

Train

"Ano ba kasing ginagawa mo, Gracia Voanna!! Hindi mo ba alam na allergic sa mani ang kapatid mo!?" Dinig kong ang sigawan na nagpagising sa akin.

Kulay ulap na kisame ang sumalubong sa mata ko. Iginala ko ang paningin at napagtantong nasa kwarto ako.

"Val, are you okay?" Malambing na tanong ni ate Voanne.

Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Iginala ko ang paningin sa mga taong nasa paligid ko. May doktor at si Papa at Bladimir ang nandoon.

"It is a good that you all are home by the time her allergies were worse! Ano na lang ang gagawin mo kung hindi pa kayo kakauwi sa mga oras na iyon, Gracia!?" Galit ang tinig ni Papa.

"I-I'm sorry... I didn't know..." halos maiyak si ate Voanne.

"From now on, you three cannot leave this house ever!" Papa said, "Learn from your mistakes. Lalo kana, Gracia, panganay ka pa man din."

Nakayuko si ate Voanne habang hawak-hawak ang kamay ko. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at napatingin siya sa akin.

Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

"Come, Bladimir. We'll escort Dr. Alfonso out." Papa said and then I heared the door closed.

"Val, I'm sorry... hindi ko alam na... na allergic ka pala sa peanuts." Umiiyak na sabi ni ate.

I smiled at her. "It's not your fault, ate."

Pagkatapos kong magpahinga ay sabay kaming bumaba ni ate papuntang dining room. Manang Letichia and the others were now fixing the table. Nakaupo na si Papa sa gitna kasama si Bladimir.

Nang makaupo kami ay saktong pagtapos ng mga maids.

We ate our dinner silenty at ng desert na ang nilalantakan namin ay binasag ni Papa ang katahimikan.

"Next week, sasama kayo sa akin. I decided that to avoid another incident like this, lahat kayo ay magtetraining na lamang sa aming base." Si Papa.

Papa is a soldier. Kaya kami'y takot sa kaniya dahil kapag may ginawang mali ang isa, damay lahat. And his rules were absolute.

"What about school, Pa?" Tanong ni ate Voanne.

"Malayo pa naman ang pasukan." Tanging sagot ni Papa.

"Pa, are we going to hold guns and all like you?" Excited na tanong ni Bladimir.

Papa chuckled at Bladimir.

Sa aming magkakapatid, ako lang ata ang nais maging isang fashion designer. Si ate naman ay sinusunod ang gusto ni Papa, which is, ang pagiging sundalo. Bladimir admired our father dearly, so I'm sure he'll be one too.

Buong gabi ay tahimik ako. Natatakot akong ipaalam kay Papa na iba ang gusto ko. Na meron akong pangarap para sa sarili ko.

Lumipas ang sabado't linggo. At ngayon ang pinakakinatatakutang araw ko. Bumaba kami sa isang pangmilitar na sasakyan at agad na sumaludo ang mga nakaunipormeng lalaki kay Papa.

Iilang tent ang nakatayo at ang ibang mga nakauniporme ay nagmamartsa. Hinahabol sila ng alikabok bawat daang puntahan nila.

"Ah, Maniego! Good to see you... " bati ni Papa sa isang lalaking nakapangmilitar din.

Ngumiti ito kay Papa at nakipagkamay.

"Good to see you too, Sir Fuente!" Bati din nito at saka napatingin sa aming magkakapatid.

"Oh, these are my daughters and my son." Papa gave a proud laugh.

"I see... they're still young but their Papa is training them! You must be so proud, yes, very." Tumatango nitong sabi.

Nagpaalam ito at bumaling sa amin si Papa. Dinala niya kami sa isang lugar kung saan may mga laro daw.

May mga gulong na magkakadikit at pagkatapos ay may net na nakalagay hindi kalayuan sa isang basang lupa at pagkatapos ay may lubid na parang hagdan na aakyatan. The other end wasn't clear of view.

Nauna si Ate sa ginawa at sumunod si Blad. Ngayon ay ako na ang susunod, I am wearing a jeanskirt at crop top at sneakers na puti.

"Dad, madudumihan sapatos ko..." dahilan ko at pinakita ang sobrang puting sneakers ko.

"Don't be ridiculous! I didn't buy you shoes to take care of more than your life. Now, go!" Sabi niya at pumito pa.

Wala akong nagawa kundi ang tumakbo papunta sa gulong. Pagkatapos ay sinira ang damit sa putikan sa ilalim ng net. Ang lagkit ng katawan ko habang inaakyat ang lubid na medyo mataas. Ang kamay ko'y halos masugatan sa pagmamadaling makaakyat.

"Faster!" Papa yelled.

Nang marating ko ang tuktok ay nagpadausdos ako pababa at gumulong sa pinakababa nito. Nasa isang kahoy ako at ang susunod na daan ay tubig na. Kailangan kong lumipad para marating ang kabilang bahagi ngunit may nakita akong baging sa gilid. I'm being resourceful here dahil pagbalik nila ate at Blad ay mga basa sila.

Dinala ng baging ang katawan ko sa kabilang banda at ngayon naman ay halos mapatili ako ng makita ang naghihintay sa akin doon. Isang maitim na baboy. It charged at me at natataranta akong bumalik sa pinanggalingan, taking the route to the water at pabalik sa pinagdulasan ko kanina. Ilang beses pa akong nahirapan bago tuluyang makaakyat dito.

Ang natitirang distansya patungo kay Papa ay tinahak ko. Hinihingal akong lumapit sa kaniya.

"What are you doing!? Hindi pa tapos iyon!" Galit na sabi ni Papa.

"Ma-May baboy doon... Papa... kulay... kulay itim..." hinahabol ko ang aking hininga habang tinuturo ang lokasyon.

"You're so weak."

Spying The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon