Part 21

3.3K 95 2
                                    

I walked gracefully at the entrance of a coffee shop. Ibinaba ko ang sun glasses ko't inilibot ang paningin sa kabuuan ng shop. May mga taong nagkakape't nakatambay sa mga table. Soft ang kanta't nakakarelax pero hindi iyon ang ipinunta ko.

Napangisi ako nang makita ang lalaking nakasumbrero't salaming parectangle na nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako don at umupo sa upuang nasa likod ng inuupuan niya. Bale magkatalikod kami sa isa't isa.

"Long time no see, Alejandro." Bati ko't inabot ang menu at nagtingin kunyari ng mga siniserve nila.

"Miss me, Valentina?" Sagot nito.


Bahagya akong tumawa at napailing. "Not quite, dear. I turned a little impatient lately while staying home.. so if you don't want me to give you the nicest greeting from a friend, get to the point."

"Woohhhhh.." sumipol pa ito at bahagyang tumawa. "Ganyan ba ang nadudulot ng pagkukulong mo sa bahay niyo? There's a tablet under the table. You know what to do." Dagdag niya.

Ini-ikot ko ang paningin sa buong lugar at nang makitang busying-busy ang mga tao ay pakunwari kong binagsak ang wallet ko saka yumuko't kinuha ang tablet at inilagay sa bag.


Tumayo ako at pagkaharap sa inuupuan ni Alejandro kanina'y wala na siya. Ang bilis naman ng lalaking 'yon. Parang ang bata pa kahit 45 na, HAHAHAHA!

Pagkauwi sa bahay ay in-open ko iyon at saka binasa..

Naroon ang picture ni Baltimore at mga details tungkol sa kaniya; birthday, buong pangalan, trabaho, magulang at kung anu-ano pa. May record na din siya ng pagkakaulong for 5 years sa salang.. assault and frustrated murder?? Andoon din ang larawan ng isang lalaking halos hindi na makilala ang mukha dahil sa sobrang pagkawasak nito. Magang-maga at halatang binugbog ng matindi. Kawawa naman 'to. Binasa ko ang pangalan..

Kelvin Sulweta.

Ano kayang ginawa ng lalaking 'to para ganituhin siya ni Baltimore at pagtangkaan pang patayin? Habang binabasa ko lahat ng nakasulat doon ay parang hindi nage-exists ang inosente at palaging nakangiting si Baltimore. Parang ibang tao ung nakasama ko..

Nabasa ko na lahat at ang bottom line ay kailangan kong dikitan at alamin lahat ng mga plano't gagawin niya. Napangiti naman ako at dali-daling bumalik sa sasakyan ko't minaneho ito papuntang..

JOY COMPANY.

"Good afternoon, ma'am! How can I help you?" Bati sa akin ng isang babae.

"I wan't to speak to your boss." Agarang sagot ko at inilibot ang paningin sa loob. Ang laki ng building na ito ngunit mas malaki padin ang Black Inc.

"Do you have an appointment, ma'am?" Tanong nito.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Sabihin mo may naghihintay sa kaniyang Va— I mean, Issa Leiberg." Mataray kong sagot at saka pumameywang.

Taka naman akong tinignan ng babae pero nagdial padin sa telepono. Inilibot ko pa ulit ang paningin ko habang naghihintay.. hindi ko akalaing isa palang ex-convict ang may ari nito. Hindi pako sigurado kung totoo ngang killer siya kaya ayaw ko siyang husgahan kaagad. Mamaya isa nanaman 'to sa mga pakulo ng mga 'yon.

"Excuse me, ma'am? Hinihintay na daw niya po kayo sa office niya, ihahatid ko na po kayo." Naagaw ng babaeng iyon ang atensyon ko. Tinanguan ko siya.

"Lead the way.." sagot ko pa't saka sumunod sa kaniya nang mauna siyang maglakad.

Bawat cubicle na nadadaanan namin ay mga busy ang mga tao at wala ako ni isang nakikitang mga tatamad-tamad na trabahante. Mukhang magaling ang nagpapatakbo ng kumpanyang to..

Spying The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon