Part 13

3.3K 87 0
                                    

Accident

Araw-araw kaming nasa base nila Papa. Minsan ay nagpapanggap nalang akong may sakit para hindi makasama sa kanila. Ate Voanne would always cover up for me.

Tulad ngayon.

"Pa, di ako makakasama... ang sakit ng katawan ko... tsaka, parang lalagnatin ako." I sniffed to add up the drama.

"Bakit parang madalas ka namang atang magkasakit, hija?" Singit ni Manang Letichia.

"Uso ho ata ang sakit ngayon, manang." Ate Voanne said and winked at me.

Palihim akong ngumiti at saka nagpatuloy sa pagpapanggap.

"Okay. Tell Manang if you need anything and inuman mo ng gamot iyan." Ibinaba niya ang dyaryo at bumaling kila Ate Voanne. "Let's go."

Nang makaalis sila ay dumiretsyo na ako sa kwarto at nagkulong. Hinubad ko ang jacket na suot at itinodo ang aircon.

Tumapat ako sa study table at sinumalang magguhit ng mga damit, everytime I draw something I didn't think is fit on the dress, I will crumpled it and threw on my back.

Ganoon parati ang ginagawa ko hanggang sa magdapit hapon. Kakatok si manang kada dalawang oras para icheck ang kondisyon ko.

It was quarter to five when I slept while drawing dresses. Nagising na lamang ako sa ingay na nanggagaling sa baba.

Tunog iyon ng nag-aalalang boses ni manang. Agad kong sinilip iyon at nakita silang nasa sala. Si ate ay hawak-hawak ang nakatelang kamay.

"Diyos ko! Ito na nga ang sinasabi ko sayo, Valiento!" Naghihysteryang sabi ni manang.

Tinahak ko ang hagdan pababa at dinaluhan sila. Si Papa ay may kausap sa telepono habang si Bladimir nama'y nakayakap kay ate.

"What happened?" Nag-aalala kong tanong.

"It's noth-"

"Ang ate mo! Na... Naputulan ng dalawang daliri..." umiiyak na sabi ni manang.

Binaling ko ang tingin kay ate. Agad siyang ngumiti at itinago ang nakabalot na kamay sa likod.

"Magaling kana ba, Val?" Nakangiti niyang sabi.

"Anong nangyare a-ate?" Tanong ko.

"Wala to! Konting sugat lang..." her smile is visible ngunit hindi umaabot sa mga mata niya.

My eyes started to water.

"O-oh, bat ka umiiyak? Manang, pakidala na nga po sila Val at Blad sa dining room. Kakausapin lang namin ung doktor..." she said at marahang itinulak sa akin si Blad.

"Halika na mga bata..." si Manang.

Habang kumakain ay tutok ang atensyon ko sa paguusap nila Papa sa sala.

"I'll just sanitize your fingers. Pagkatapos, kailangan ay madala siya sa hospital at matahi ito. Baka mainfection pa." Tinig ng aming doktor.

"It'll be alright, right, Pa?" Si Ate.

"Doc, is there another way for her to... not lose it?" Papa said.

"Ikinalulungkot ko, ngunit hindi ganoon kadali ang mawalan ng daliri, at wala pa akong nababalitaan na nagpakabit nito." Mababa ang boses ng doktor.

Pagkatapos noon ay yapak na patungo rito ang aking narinig. Bumalik ako sa pagkain at tahimik na pinaglaruan ang pagkain.

Wala akong ganang kumain.

"Gracia, you eat and then after that, we'll go to the hospital..."

"Yes, Pa." si ate.

Buong dinner ay tahimik kaming lahat. Ang tanging gamit na kamay ni ate ay ang right at ipinapahinga ang kabila sa lamesa.

Spying The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon