BROTHERS
I was alone in the office when Dyma entered. He was wearing a polo wrapped up to his elbow his hair were incredibly messed up and his lips were red as a cher- wait, why am I praising this assuming guy?
Naaalala ko pa kung paano niya ako iwan mag-isa sa elevator at bumaba sa parking lot ng building. Walang imik niya akong iniwan pagkatapos akong pagbintangan na nagchecheat daw sa kaniya!
''What are you doing here?'' Taas ko nang kilay pero agad ding nawala iyon ng mapagtanto ang sinabi ko.
Fuck, opisina nga pala ito ng kapatid niya! Nakakahiya!
Umupo nalang ako sa upuan ko at nagpanggap na may tinitignan sa aking phone ng makita kong dumungaw rin siya doon.
''Sinong katext mo?'' Kunot-noo niyang tanong habang dinudungaw ang phone ko.
''Wala kang pake.'' Sagot ko at iniiwas ang phone ko sa kaniya.
''Anong wala? Patingin ako!'' He said and then tried to snatch my phone away pero agad ko itong naitago sa aking bulsa.
''Ano ba para kang bata.'' Saway ko sa kaniya at inabala ang sarili sa ibang bagay.
''Let me see it then! Kung wala kang tinatago!'' Pangungulit niya.
Tinignan ko lamang siya saglit at inabala na uli ang sarili sa pagtingin sa aking laptop. May mga pinapaayos na powerpoints sa akin si Sir dahil baka daw may errors, so here I am browsing and looking for errors of this perfectly made powerpoints.
''Ang galing naman ng kuya mo...'' wala sa sarili kong sabi habang nakatutok sa laptop.
''Don't praise him in front of me, I'm getting jealous.'' Nakanguso niyang sabi at umupo sa harap ko.
I was about to say something when the door opens and it reveals a dashing man wearing a tux. Ang kaniyang mukha ay sinisigaw ang bawat features ng magkapatid. Halos tumulo ang laway ko kakatingin sa bagong dating.
''What are you doing here, Damian?'' Buo ang kaniyang boses at walang bahid ng tuwa ang tono nito.
''Visiting Givanne.'' Seryoso nitong sabi at tumayo.
Nagyakapan silang dalawa bago sabay umupo sa sofa. Inilibot nito ang tingin sa buong kwarto at para bang tumatagos ang kaniyang tingin sa akin.
''Where's your brother?'' Tanong nito at nagsalin ng alak sa kaniyang baso.
''In a meeting, I guess?'' He answered and turned his gaze at me.
Yumuko ako at nanatiling tahimik sa aking kinauupuan. I'm guessing this is the first son of the Mafia's.
Muling bumukas ang pinto at agad na umalingawngaw ang tinig ni Second.
''Oh, brothers!'' Maligaya ang tono nito kaya agad na nag-angat ang aking tingin.
''Logan's here with me.'' Seryosong tinig ni Dyma.
''Kita ko nga.'' Humalakhak ito at umupo sa kaniyang upuan. ''Did you already introduce yourselves to my secretary?''
''No.'' Agad na tugon ng Logan.
''Well, then...'' He cleared his throat and then called my name. I stood up and face them.
''This is Issabella Lieberg. Issabella, this is my brother Remus Logan Black...'' pagpapakilala nito.
''Nice meeting you, Sir Remus. I'm Sir Givanne's Secretary.'' Pagpapakilala ko at yumuko.
''I see...'' tangi nitong tugon at tumango.
''And this is Damian Ymmanual Black, Issa...'' Humalakhak ito at tinuro ang lalaking nakatitig sa akin.