Inis kong pinatay ang makina ng kotse at lumabas. Ramdam na ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko sa inis. Kung anu-anong trip nito sa buhay!
Mabilis na mga hakbang ang ginawa ko at nakarating ako sa kotse niya. Kinatok ko ang salamin niya ng malakas. Ibinaba niya naman ang salamin at sinalubong ako ng nakakalokong ngisi sa mukha niya!
"Ano bang trip mo sa buhay?!" Galit na sigaw ko sa mukha niya. "Kung wala kang magawa, wag ako ung pestehin mo, okay? Nakakainis! Buwisit!" Dagdag ko pa at sinipa ang pintuan ng kotse niya. Nagasgasan iyon ng takong ko, pero wala akong pakialam!
"Get in.." tanging sagot niya at narinig ko ang pagbubukas ng lock ng pinto.
"Fuck you." Sagot ko sa kaniya at magsisimula na sanang maglakad nang hawakan niya ang kamay ko.
"I said get in and maybe we'll do what you want while talking." Sagot niya sa malalim na boses na nagpalaglag ng panga ko at nagpatayo ng balahibo ko sa batok!
Tumayo lang ako don habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Siya naman ay nakikipagtitigan lang sa akin. Tumagal kami ng ilang minuto sa ganoong pusisyon ng bumuntong-hininga siya at binitawan ang kamay ko. May kung ano sa loob ko na hindi ko maintindihan dahil bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot nang bitawan niya ang kamay ko!
Akala ko aalis na siya pero binuksan niya ang pinto at lumabas doon. Pagkatapos ay hinila ako ng marahan papasok sa loob ng backseat. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Mabigat ang loob ko sa di malamang dahilan. Nakatingala lang ako sa kaniya at pinapanood siyang seryosong nakatingin sa akin.
"You're one hard headed woman." Kumento niya at saka pumasok sa loob.
Inayos niya ang cuffs ng polo niya bago humarap sa akin. Napalunok naman ako sa intensidad ng mga titig niya, feeling ko matutunaw ako!
"Why did you leave?" Tanong niya habang nakatingin sa akin na parang ako lang ang nakikita niya.
Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para makasagot sa tanong niya. Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko at nakakainis na hindi ko alam kung anong dahilan!
He tilted his body and now he's fully facing me. Isinandal niya ang kaniyang braso sa sandalan at isinandal sa kamay niya ang mukha niya. Habang tinititigan ko ang mukha niya doon kolang napansin ang mga maliliit na buhok na tumutubo sa baba niya. Hindi ko alam kung ako lang o talagang may nagbago sa kaniya.
"I'm waiting." Pagbabasag niya sa katahimikan.
"H-ha?" Tanging naisagot ko sa kaniya!
"Why did you leave? Hmmm?" Tanong niya ulit at pinaglaruan ang dulo ng buhok ko gamit ang kabilang kamay niya.
"Y-your brother fired me, hindi mo alam?" Sagot ko sa mababang boses.
"What? No! He told me you left on your own." Sagot niya at bahagyang natigil ang paglalaro sa buhok ko. "That jackass really gets on my nerve.." mahinang bulong niya pa bago itinuloy ang paglalaro sa buhok ko.
Para naman akong hinihele dahil sa paglalaro niya sa buhok ko. Namumungay ang mga mata ko at anytime pakiramdam ko makakatulog ako.
He stopped playing with my hair and cupped my face. He stroked my cheeks with his thumb and never leaving my gaze. Inch by inch, his face closed mine. And in one swift, his lips touched mine.
Parang may fireworks na pumutok sa dibdib ko at hindi ko napigilan ang pangingilid ng luha na naglalandas pababa sa aking pisngi. His lips moved and danced with mine. Pero agad niya iyong itinigil at tinignan ang mukha ko.
"Baby, why are you crying? Did I hurt you? Did I kiss you too hard?" Buong pag-aalalang tanong niya sa akin habang pinupunasan ang luha sa aking mata.
Iniiwas ko ang mukha ko sa kaniya at dali-daling lumabas sa kotse niya habang pinupunasan ang pisngi. Patakbo kong nilakad ang distansya ng kotse ko saka ito pinaharurot palagpas sa kotse niya.
Pinakalma ko ang sarili ko habang nagmamaneho at nang magawa ko iyon ay saka ako tumingin sa side mirror. Wala na ang kotse niya. Buti naman..
Mariin kong ibinaon ang kuko sa manibela habang nakatingin sa kalsada. Ano bang nangyayari sa akin at bigla nalang akong naiyak doon?! Baka akala niya abnormal ako't umiiyak kapag nahahalikan!!
Nahahalikan..
Hinalikan niya..
Ipinilig ko ang ulo ko sa mga naiisip at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho. Ililiko ko na ang kotse ko pero bago yon ay chineck ko muna kung may nakasunod na kotse sa akin at halos lumundag ang puso ko ng makita ko ang pamilyar na kotse! Dali-dali kong tinapakan ang gas at pinaharurot ang sasakyan ko. Habang ginagawa ko iyon ay pasulyap-sulyap ako sa side mirror.
I was so eager to run away from him when realization hit me. Mabilis kong tinapakan ang brake ng wala sa sarili.
"Bakit ko ba siya tinatakbuhan!?" Tanong ko sa sarili ko at tumingin sa likuran. Mabilis na naihito niya ang sasakyan niya bago pa man ito tumama sa compartment ng kotse.
"Why is my heart racing.. why am I acting like this? What's wrong with me?" Bulong ko sa sarili ko at hinawakan ang magkabilang gilid ng ulo.
Para akong mababaliw kakaisip ng dahilan sa mga wirdo'ng bagay na ina-akto ko!
"This shit is creeping me—SHIT!" Napalundag ako sa upuan ko nang makarinig ng katok sa bintana. Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang mga matang nakatingin sa akin at salubong ang kilay.
Dahan-dahan kong ibinaba ang salamin ng kotse. "Y-yes?" Tanong ko sa kaniya.
Nakakainis. Bakit ba sa gitna ng kalsada ang eksena namin?
"W-wait lang.. tatabi kolang to'ng sasakyan ko.. ikaw din.. hehehehe." Mabilis kong minaneho ang sasakyan at ipinarada sa gilid. Tinignan ko siya at ganon din ang ginawa niya sa kotse niya, pagkatapos ay lumabas ulit at saka pumameywang sa gilid ng kotse ko.
"Why are you like this?" Marahan niyang sabi at saka inihilamos ang palad sa mukha niya. Inis niyang ginulo ang buhok niya at saka umikot papunta sa kabilang seat. He pulled the door but couldn't get it because it was still lock! Pinanood ko lang siyang mafrustrate habang pinipilit buksan ang pintuan nito.
"Open the damn door!" Inis niyang singhal.
Agad ko naman iyong binuksan at tuluyan na siyang nakapasok. Pasalampak siyang umupo sa upuan at grabe ang alog ng kotse dahil don!
"Close the window." He said and unbuttoned three on his polo and then bore his gaze on me.
Bahagyang nabukas ang labi niya at pababa-taas ang dibdib na parang pagod na pagod. "Enough of the running, okay." Saad niya at isinandal ang ulo sa headrest. "Damn, this shit is so tiring!" Angal niya.
"Tiring pala ba't kasi sunod ka ng sunod!? Tanga ka din, no! Tapos magrereklamo ka! Sino ba nagsabing sumunod ka? At talagang nag-effort kapang pumasok dito sa kotse ko para lang iparinig sa akin na napagod ka! Get out." Galit na sagot ko at pinindot ang pinto para mabukan ang lock.
He didn't flinched and just stared at me. Parang nang-aasar pa siya't sinasabi sa aking hindi ko kayang hilain ang malaking katawan niya palabas ng kotse ko!
"Ahh.. ayaw mong lumabas? Fine! I'll go out then. You damn as*hole!" Inis kong sabi at saka binuksan ang pintuan.
Padabog kong sinara ang pintuan at saka tumalikod doon. "Kainis, akala mo kung sino! At talagang ako pa ang kailangang mag-adjust para lang hindi kami magkasama sa iisang sasakyan!? Bwisit!" Naglakad ako papalayo at naghanap ng dadaang taxi.
Pero malupit ata ang pagkakataon, ni walang taxi na dumadaan!