Part 7

4.2K 137 4
                                    

JEALOUS

Second was busy since the time he got to the office. Lagi siyang may katawagan at kapag natatapos ay magtitipa naman sa kaniyang laptop.

''Issa, can you give this to...'' puro ganiyan lamang ang aming nagiging usapan kumpara sa nakaraang araw na nakikipagbiruan siya saakin.

But who cares!? He's a fucking CEO for pete's sake! Pumatak ang alas kwatro at hindi padin siya umaalis sa kaniyang inuupuan. Nagpasya akong bumaba nalang muna sana at bilhan siya ng kaniyang miryenda ng may iutos nanaman siyang ihatid na papeles.

''Okay, Sir.'' Sagot ko at kinuha ang may kakapalan na papeles.

''Thank you, Issa... Yes, hello, Mr. Lee. About the files you sent me...''

Nang matapos kong gawin ang pinapagawa sa akin ay nagtungo na ako para bumili ng miryenda ni Sir nang may humarang sa aking lalaki.

''Hey...'' sabi nito.

Tinignan ko siya sandali at nagpatuloy sa paglalakad. I shouldn't be roaming around in here making friends lalo na't nasa iisa akong misyon at ang tanging hinihintay na lamang ay ang ipagagawa ni Alejandro.

''Woah, woah. Wait up!'' Agad siyang nakahabol at ngayon ay sinasabayan na ang aking paglalakad.

Mas lalo kopang binilisan ang paglalakad ng bigla niyang hinigit ang aking braso. Hinigit ko ito pabalik at agad iyong nabawi. God, I wouldn't be a fuckin' agent kung higit lamang ay nagpapatangay na ako.

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Malakas ang tunog ng pitik ng aking takong habang naglalakad ako palayo sa lalaking kanina pa ako sinusundan.

''Hard to get mo naman, miss.'' Humahalakhak ito hanggang sa makita ko ang elevator na nakasara parin.

Pinindot ko agad ito at hinintay ang pagbukas. Kainis naman! Kung kelan ka nagmamadali saka talaga bumabagal ang takbo! Kaazar! Ilang ulit kopa itong pinindot dahil sa inis.

''Pakipot talaga... pero hindi bale, iyan pa naman ang gusto ko sa babae.'' Inakbay niya ang kaniyang braso sa aking balikat habang hinahabol ang hininga.

''Ano ba? Lumayas ka nga sa tabi ko.'' Mahinahon kong sabi at inilayo ang sarili sa kaniya.

''Makikipagkaibigan lang naman ako. I'm Peter, by the way...'' Ngumiti ito at inilahad ang kamay sa akin.

Tinignan ko lamang siya at wala na sana akong balak sumagot pa ng bigla niyang kuhain ang aking kamay at hinalikan ito. Saktong paghalik niya ay ang pagbukas ng pintuan ng elevator.

Laglag ang panga ko siyang tinignan sa kaniyang ginawa nang marinig ko ang tinig ng isang pamilyar na boses.

''The fuck are you doing?'' Si Dyma iyon at ang susunod na nangyari ay ang pagkabulagta ng lalaki sa sahig habang dumudugo ang labi.

''S-sir Dyma...'' nanginginig nitong sabi habang hawak-hawak ang dumudugong labi.

''You dare fucking touch with your filthy lips the hands of my fucking girlfriend?!''

Laglag nanaman ang panga ko habang sini-sync in sa utak ko ang katagang binitawan ng lalaking ngayon ay hinahatak ako papasok ng elevator. Pagkasarado ng elevator ay hinarap niya ako at laking gulat ko nang suntukin niya ang pader ng elevator sa aking gilid.

''Anong ibig sabihin non?'' His voice was cold as fuck habang tinitignan ako diretsyo sa mata.

''A-anong-'' hindi ko natapos ang salita ko nang magsalita nanaman siya.

''Are you fucking cheating with me?!''

Spying The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon