I went to my sister's grave. Bagsak ang balikat akong umupo sa ilalim ng puno at pumikit. Nakaramdam ako ng gaan ng kalooban at parang nawala lahat ng probleman ko. Ung tungkol sa kapatid ko, ung tungkol sa trabaho ko at sa kanila..
I wish you were here ate.. para may masasabihan ako ng mga problema't sakit. Ang hirap palang mag-isa.
Ramdam kong biglang umihip ang malakas na hangin pero wala akong naramdamang lamig. It felt like my sister was hugging me tight and saying everything was going to be alright.
Miss na miss na kita ate.
Pumatak ang butil ng luhang galing sa mata ko na dumaloy pababa sa aking pisngi. The wind blew more and that dried my tears. Nakakatawa na iniisip kong si ate ang dahilan ng hangin na to. Na kaya umiihip ng malakas ang hangin dahil ayaw niyang nababasa ng luha ang mata ko.
Nababaliw na ata ako.
Natawa ako sa sariling iniisip at iminulat ang mata. Madilim na ang ulap at nakalitaw na ang buwan. Mabilis akong tumayo at naglakad pabalik sa kotse ko. Shit, ngayon kolang naramdaman ang lamig.
Inistart ko ang kotse at nagdrive. Naisipan kong bisitahin ulit si Blad dahil alam kong magseselos yon kapag nalaman niyang binisita ko si ate tapos siya hindi. Iyakin pa naman yon.
PARKING LOT NG OSPITAL.
Pagkapark ng kotse ko ay naglakad ako sa parehong daang dinadaanan ko papunta sa kwarto ng kapatid ko.
Hindi ito tulad noon na tahimik lang dahil may mga nagtatakbuhang mga doktor at nurse sa hall. Mukhang may emergency..
Habang papalapit ng papalapit ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at biglang babagal. Hindi ko maintindihan, bakit ako kinakabahan ng ganito?
"Doc, the patient in room 309 is in cardiac arrest!!!"
Nang marinig ko ang sigaw na iyon ay halos sumabog ang puso ko sa kaba. Mabilis kong pinuntahan ang room nang kapatid ko at nakita ang mga nurse at doktor na ginagamitan ng pang kuryente ang kapatid ko.
"Blad!! N-nurse.. a-anong nangyayari? Bakit niyo ginaganyan ang kapatid ko!?" Sigaw ko sa isang babaeng nahablot ko at inalog-alog siya.
"Nagcardiac arrest p-po.. miss." Natatakot na sagot nito.
Hindi ko siya pinansin at tumakbo sa side ng kapatid ko. Ang maingay na tunog ng makina na nagpapakita ng tibok ng puso niya. Humihina ito at nagiging diretsyong linya na..
"B-blad.. anong g-ginagawa mo? Tumayo ka na diyan! Diba nasasaktan ka sa ginagawa nila? Tumayo ka diyan para itigil na nila! Please.. Blad.."
Napaluhod ako sa gilid ng kama ng kapatid ko habang mahigpit na hawak ang kamay niya. Unti-unting nawawala ang lakas ko pero hindi ko kayang bitawan ang kamay niya.. ng kapatid ko.
"Nurse, what are you all doing!? Get her away from here! Calm her." Dinig kong sigaw.
Gusto ko mang tumutol ay nagawa na nilang itayo ang katawan ko't ilayo sa kapatid ko. Naiinis ako sa sarili ko.
Bakit di mo magamit ang lakas mo ngayon kung kelan nilalayo kana nila sa taong nagbibigay ng lakas mo!? Bakit..
Tahimik kong pinapanood ang pagrerevive sa kapatid ko. Umaasa na kakayanin niya.. umasa ako.
"Time of death: 7:45 PM." Anunsyo ng doktor.
"Ano!? What did you j-just said!? B-bawiin mo.. bakit mo hinahatulan ng kamatayan ung k-kapatid ko?? D-diyos kaba? Ha??" Nagwawala kong sabi at pilit na pumipiglas sa hawak nila.