4

476 28 12
                                    

"Pantig."

"Maraming salamat sa pagdala sa kaibigan ko."

Tahimik ngunit maingay ang nakapalibot sa maaliwalas na kwarto. Tahimik dahil walang nagsasalita at nagkikibuan bukod sa pahapyaw-hapyaw na paguusap. Maingay dahil sa hindi normal at malakas na pagtibok ng kanilang mga puso. Parehong nagaalala sa kalagayan ni Lyka.

"Walang anuman." tipid na salita ng lalaking nakaputi.

Sa puntong iyon, dumating ang nars para suriin ang kondisyon ng dalaga. Wala paring malay si Lyka hanggang ngayon. Tanging ang tunog ng monitor at pagtaas at pagbaba ng kanyang dibdib ang nagpapahiwatag na siya ay buhay pa.

Pagaalala ang puminta sa mukha ni Beau. Pagdating niya kanina sa ospital, luha agad ang tumulo sa kanyang mga mata. Bumagsak ang langit na kinatatayuan niya at ang tanging iniisip niya na lamang sa mga oras na iyon ay ang kalagayan ng kanyang matalik na kaibigan.

Pilit na inaalala ni Beau ang masasayang araw kasama si Lyka. Sa paraang iyon, maitataboy niya ang negatibong presenya ng kalagayan ng kaibigan. Ngunit hindi pa naman patay si Lyka para gawin niya iyon. Ang tanging paraan na lamang ay ang basagin ang katahimikang namumuo sa kwartong iyon.

Magsasalita na sana siya nang biglang nagsalita yung lalaki...

"Hindi ko na alam kung saan ko siya dadalhin kanina. Mabuti nalang, tumawag ka sa cellphone niya." sabi ng lalaki habang nakatingin sa kawalan.

"Naalala ko lang kasi yung project namin bigla. Hindi naman 'yun ganun kaimportante pero parang may nagsabi sakin na kailangan na naming pagusapan at kailangan ko siyang tawagan sa mga oras na iyon."

"Alam na ba 'to ng mga magulang niya?

Malalim na paghinga ang sinagot ni Beau sabay sabing, "Hindi pa."

"Baka hinahanap na siya ng magulang niya ngayon."

"Ang ibig kong sabihin, nasabi ko na sa kanila na nandito si Lyka. Papunta na sila ngayon. Pero hindi ko pa nasabi ang kalagayan niya."

"Hayaan mong ang doktor na lang ang magsabi sa kanila." sabi ng lalaki habang nakatingin sa nakahigang katawan ni Lyka.

"Hindi ko rin alam kung paano nila sasabihin kay Lyka."

Sa puntong iyon, tumulo ang luha ni Beau. Ngunit hindi niya ito pinakita sa lalaki.

"Maging matapang nalang siya sa ibinabato ng tadhana sa kanya."

Nanalo nanaman ang katahimikan. Palalim na ang gabi, tanaw ito mula sa bintanang tinatakpan ng manipis na kurtina. Mahigit tatlong oras nang nandito si Lyka mula nung bumagsak siya sa park.

Napalitan na ang damit niyang puro bahid ng dugo na ngayo'y malinis na berdeng de-botones na damit na nagpapahiwatig na siya ay bihag na ng ospital. Kanina'y inabisuhan si Beau ng doktor na baka kailanganin ng isang Oxygen tank, sa kabutihang palad, nagnormal ang kanyang paghinga.

Sa ngayon ang tanging nakakabit lamang sa kanyang kaliwang kamay ay ang dextrose na minamanipula ng isang kamay.

Naroon pa pala ang nars. Sa sobrang pagaalala nila'y hindi nila napansin na mayroon pa pala silang kasama sa kwartong iyon.

Humarap sa kanila ang nars. Ang kanyang maamong mukha ay hindi rin maipagkakaila ang lungkot at pagaalala.

"Nasaan po mga magulang ng pasiyente?" tanong nito matapos magsulat sa papel na nakapatong sa manipis na patungang bakal.

"Um, papunta na po sila." banggit ni Beau.

"Ah. Balik nalang ako after 30 minutes."

"Kamusta na po ang best friend ko?"

"Sa ngayon, stable naman na mga vital signs niya. Ngunit kailangan na niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon."

Nanginig ang buong katawan ni Beau, sa lamig ng paligid at sa init ng balita.

"Pakirelay nalang sa mga magulang ng pasiyente na kailangan niyang masalinan. Mauna na po ako." pamamaalam ng nars habang tuloy parin ang pag-pantig ng tunog mula sa monitor.

Diyos ko. Wag pa po. Gabayan niyo po si Lyka.

Hindi inakala ni Beau na nakamamatay ang paghihintay ng oras. Tumatagas na ang pagasa. Bagama't alam niyang hindi pa naman iyon ang huling araw at matagal pa maubos ang buhangin sa loob ng garapon, mahigpit parin ang kapit niya sa Diyos. Sa mga oras na iyon, pag-asa ang kanyang pagkain at pananampalataya ang kanyang inumin.

Doon lamang sumagi sa isip ni Beau ang nabasang kataga na tinatawanan pa niya noon...

Pahalagahan kung ano ang meron sa atin ngayon. Bago pa ito tuluyang maglaho.

****

Lumipas ang ilang minuto, dumating nang pabagyo ang pamilya ni Lyka. Ang nanay niya ang nagbukas ng pinto at dali-daling pumwesto sa tabi ng monitor. Sumunod naman ang tatay niya na bitbit pa ang briefcase niya sa trabaho. Agad namang tinungo ni Dennis at Kaye, ang ate ni Lyka, ang upuan sa tabi. Si ate Martha naman ang nagsara ng pinto na pansin ang nanuyong luha sa kanyang mga pilik-mata.

Walang kumibo pagkatapos maisara ang pinto. At sa dami na ng tao sa loob, bahagyang humupa na ang lamig.

Hinaplos ng tatay niya ang ulo ni Lyka at tsaka ito hinalikan. Sa karamihan, kurot ito sa kanilang puso. Tanging si Kaye lamang ang hindi tinablan ng karayom.

Gaya ng sinabi, bumalik ang nars makalipas ang 30 minutos. Sinuri niyang muli si Lyka, tsaka humarap sa magasawa.

"Sir, kailangan na po nating salinan ng dugo ang pasiyente."

"Nais po sana naming kausapin ang doktor." sambit ng tatay ni Lyka.

"Sige po. Tawagin ko lang po si dok."

Nang maisara ng nars ang pinto, agad namang niyakap ni Beau ang mga magulang ni Lyka.

Sandaling sumagi sa isip ni Beau na may kailangan pala siyang ipakilala.

"Ah, tita, tito, siya nga po pala ang nagdala kay Lyka dito sa ospital." turo ni Beau sa lalaking nakaputi.

Lumapit ang tatay ni Lyka para makipagkamayan. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot.

"Maraming salamat, iho. Kami ang mga magulang ng batang iniligtas mo. Hayaan mo, gagantihan namin ang kabayanihan mo. Ano nga bang pangalan mo?"

Nabalot ng katahimikan ang lahat, dagdag pa dito ang nakasusulasok na amoy ng kwarto.

"Good evening po sir, mam," napatingin ang lalaki sa mga mata ng magulang ni Lyka...

"Ako po si Mike."

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon