8

346 23 12
                                    


"Mensahe."


Derrick

Paulit-ulit akong pinaglalaruan ng aking isipan. Minsan, sa mga walang kwentang pangyayari na isinasadula nito.

Kasalukuyang akong nagpapalamig sa labas ng ospital, sa mga upuan sa gilid ng entrada. Katamtaman lamang ang temperatura. Ang lamig na sakop ang buong paligid ay unti-unting yumayakap sa akin habang ipinapagulong ko ang isipan sa mga patak ng ulan.

Nangyari nanaman ito.

Sa pangalawang pagkakataon, bumawi nanaman ang tadhana sa akin. Nung una'y sa aksidente ito kumatawan at kinuha ang buhay ng aking pamilya. Ngayon, ang lola ko naman ang pinuntirya.

Sa bawat patak ng oras, ang pag-asa ay tumatagas. Tuluyan na ngang nasakop ng lamig ang aking katawan at maging ang aking isipan. Pinapatay nito ang nalalabing magagandang alaala na pinaghuhugutan ko ng lakas.

Hindi totoo ang tadhana, nakakagulat na maktol ng aking kalahating sarili.

Napapikit na lamang ako habang nanginig ang buong katawan sa biglang lakas ng hangin at ulan. Hindi ko inasahan ang pagtulo ng aking luha mula sa kaliwang mata. Taliwas sa inaasahan, hindi ako humagulgol. Pinunasan ko lamang ito at inisip na isang patak lang ng ulan na dumapo sa aking mukha.

Patuloy pa rin ang kawalan ng liwanag dahil sa aking pagpikit. Ngunit, bakit tila bumubulong ang hangin sa akin? Malabo ngunit nakayanan ko namang intindihin ang isang salitang ibinato nito.

Pag-asa.

Iminulat ko aking mga mata. Ang liwanag na binabalot ng kadiliman ang sumambulat. Ang kakaramput na liwanag na nagbibigay ng pag-asa sa gitna ng bagyo. Napalingon ako sa may entrada ng ospital, at nasaksihan ang isang eksenang saglit na naganap.

Nagmamadaling tumatakbo papasok ang lalaki. Hindi ito nakatingin sa kanyang dinaraanan. May palabas namang babae na tila balisa at malalim ang iniisip. Hindi agad nakalkula ng isa't isa ang pagilag kaya't sila'y aksidenteng nagkabungguan. Agad na humingi ng paumanhin ang lalaki at pumasok na sa ospital. Samantala, ininda ng babae ang pagkakabunggo. Pahaplos nitong hinawakan ang kanyang braso at gumuhit ang senyales ng sakit sa kanyang noo at gitna ng kanyang mga mata.

Parang kilala ko 'yung babae.

Biglang umihip nang pagkalakas-lakas ang hangin. Ngunit sa pagkakataong ito, madali ko nang narehistro ang mensahe nito.

Hindi ako maaaring magkamali. Siya 'yun. Siya 'yung babaeng-


Umuga ang tabing upuan. Lingid sa aking kaalaman at pakiramdam na katabi ko na pala ang babae.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon