17

171 15 5
                                    

"Emosyon."

Lyka.

"Ihahatid nalang kita."

Akmang tatayo na kami nang biglang tumunog ang cellphone ko. Iniwan ako ni Derrick sa sala saglit.

Narinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya.

"Lyka, alam mo ba kung anong oras na?"

"Ma, kasi yung-"

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa buhay mo? Sinasadya mo ba talagang pahirapan kami ng papa mo?"

"Ma, hindi naman po sa ganun-"

"Alam mong nagpapakahirap kaming magtrabaho para lang sa ikabubuti mo!"

"Alam ko po 'yun ma. Pakinggan niyo lang po kasi ako saglit. Naabutan po kasi ako nang pagsasara ng bookstore-"

"Mga walang kwentang libro nanaman? I have already told you to stop that madness on such useless fiction novels. 'Yang mga librong 'yan ang umuubos sa oras mo. Wala namang katuturan!"

"Ma, uwi na po ako maya-maya. Wag na po kayong magalala. Nasa bahay po ako nang kaibigan ko."

"Kanila Beau? Lyka, you're no longer a high-schooler. Nakakahiya naman, ano nalang sasabihin nila sa amin? Pinapabayaan ka namin na lumabas ng ganitong oras ng gabi?

"Hindi po. Hindi po kanila Beau."

"What? Kaninong bahay 'yan?"

"Umm..."

Natunugan ko ang paghihinala ni mama.

"If you're at a boy's house...then don't think about coming into this house ever again!"

Namatay na ang linya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang sakit. Hindi ko mawari kung pisikal o emosyonal na sakit.

At ngayon ko lang naramdaman ang dagundong ng mga patak ng ulan. Malakas ang basag sa aking tenga pero mas malakas ang tunog na nililikha ng puso ko.

Karaniwan ko nang naririnig o nababasa ang diskursong iyon. Pero, hindi ko pa ito naranasan dati.

Nanghina ako't umupo. At isiningit ko, sabay sa pagbuhos ng ulan, ang pagtulo ng luha ko.

Bumalik na si Derrick sa sala, naramdaman ko 'yun.

"Lyka?" mahinang tawag niya sa pangalan ko.

Lumingon ako at nagtagpo ang mga mata namin. Kasabay ng pagbagsak ng mga patak ng ulan ay ang pagbasak ng mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Derrick pero sa puntong ito, isa lang ang tanong na humalik sa isip ko...

"Derrick...pwede bang...pwede bang dumito muna ako ngayong gabi?"

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon