7

370 25 11
                                    


"Bugso."

Lyka

"I'm sorry. Magdasal nalang tayo ng milagro." maumanhing sabi ng doktor.

Hindi kinaya ni papa ang ibinatong balita sa kanya kaya't napaupo ito. Si mama naman ay namutla't nabalisa.

Paulit-ulit ko namang naririnig ang mga sinabi ng doktor.

Sa mura niyang edad, nakitaan na siya ng abnormality sa growth ng Leukocytes o White Blood Cells. Ang kondisyong ito ay tinatawag nating Acute Lymphocytic Leukemia. Pinadouble check ko pa at pareho ang naging resulta.

Dumarami ang bilang ng kanyang Leukocytes. Which is hindi normal dahil pinipigilan nito ang pagdaloy ng Red Blood Cells sa bloodstream at maging ang mga platelets niya. Kaya't nakararanas siya ng matinding bleeding at anemia.

Sa ngayon, mayroon nang nakalaan na bone marrow transplant at chemotherapy dito sa ospital.

Ngunit inaabisuhan ko na po kayo.

Expect the worst.

Bagama't nagulat sa masamang balita tungkol sa aking kalagayan, hindi ako nagpatinag. Heto't nakangiti pa nga ako sa kabila ng lahat.

"Ma, Pa, matagal pa iyong taning ng doktor sa akin."

Wala na ang dextrose sa kamay ko. Wala na ring sakit na kumukurot sa mga bahagi ng katawan ko. Maayos naman na ako sabi ng doktor. Ngunit kailangan ko pa ring magingat dahil maselan ang aking kondisyon.

"Wag mong gawing biro ito, Lyka!" wika ni mama.

Napayuko nalang ako at bahagyang napalitan ang ngiti ng lungkot.

Ang totoo niyan, hindi pisikal na sakit ang nararamdaman ko ngayon. Kundi sakit ng saloobin. Maging ako ay naguguluhan sa mga nangyayari. Bakit ako? Napakabata ko pa? Hindi naman ako nagkulang sa nutrisyon? Nahiling ko ba sa Diyos ang bawiin na ang buhay na ipinahiram Niya?

Ginagawa Niya ba 'to bilang parusa o para maibsan na ang aking pagdurusa?

"Narinig ko nga po pala kagabi na may kausap si Beau na lalaki. Sino po 'yun?" tugon ko para mabasag ang nakabibinging katahimikan.

"Ah baka si Mike." sagot ni papa.

"Mike? Sino daw siya?"

"Siya yung nagdala sa'yo dito sa ospital. Mabait siya, anak."

Nagpakita nang biglaan ang napaniginipan ko kaninang umaga. Sandaling bumalik ang takot na naramdaman ko. Ngunit, umatras naman ito agad nang bulungan ako ng aking utak na panaginip lang ang lahat ng iyon.

Papano kung hindi panaginip ang lahat ng iyon?

"Ah. Sayang di ko naabutan. Nagpasalamat sana ako. Anong oras na po nakauwi si Beau kagabi?"

"Alas diyes. Pinahatid ko na siya pauwi."

"Ah sige. Labas po muna ako, magmumuni-muni lang po. Di natin alam, baka eto na 'yung huli." mabilis akong humakbang papunta sa pintuan upang hindi na nila ako mapigilan.

Bakas ang kalungkutan sa mga mukha ng aking magulang. Nariyan rin ang bahid ng pagtataka kung bakit ako pa ang masaklap na nahandugan ng sakit na hindi naman ako ang nararapat umangkin. Sana dumating yung panahon na magkakaroon ng kasagutan sa mga tanong na ito.

"Balik ka kaagad, anak. Papaulan na. Maya-maya ididischarge ka na rin." ang tanging tugon lang ni papa bago ko isara ang pinto.

Hindi na ako nakabihis pasiyente kundi nakapulang t-shirt na sinakluban ng floral jacket at medyo maluwang at saggy na pajama. Hindi ganito ang tipo kong pananamit. Ngunit sabi ng doktor, dapat maluluwang lang isuot ko kung ayaw ko talagang magkapasa. Bakit hindi ko nga subukang ibahin ang sarili ko? Mamamatay naman na ako, hindi ba?

At biglang sumagi sa isip ko na bilang na nga pala ang mga araw ko. Ngunit bakit parang magaan ang pakiramdam ko? Bakit tila walang kumakatok na takot sa puso ko?

Dinala ako ng aking mga paa papunta sa elevator. Marami na akong nadaanan na nakaputing damit. Ang iba'y nagmamadali. Ang iba nama'y parang kakatapos lang magtingin ng pasiyente. May nagdaan sa akin na isang babaeng umiiyak habang hinahaplos ang bangkay ng kung sino man nasa ilalim ng puting kumot.

Ganyan din ba ang hahantungan ng aking katawan sa araw na itinakda?

Nakababa na nga pala ako at bumukas na ang pintuan ng elevator. Kumpara sa itaas na palapag, ang ingay at dami ng tao sa ibaba ay hindi gaanong gumagawa ng polusyon.

Papalapit na ako sa entrada ng ospital nang biglang...

Bumuhos ang napakalakas na ulan. Agad naman itong ikinaalarma ng mga tao. Ito na ba ang bagyo? Parang may narinig ako kanina sa telebisyon na may papasok na bagyo.

Nakasusulasok man ngunit napapakalma ang aking isipan ng singaw ng lupa. Mas kaaya-aya itong amuyin kaysa sa amoy ng kwartong iyon.

Palinga-linga ang tingin ko sa labas. Kasalukuyan na akong nasa tapat ng ospital, mismong tapat ng pintuan. Nasa labas ngunit napapaloob parin ng ospital itong aking kinatatayuan. Nababasag nanaman ang mga diyamante sa tuwing tumatama ang
mga iyon sa konkreto.

Nangyari nanaman ito.

Napasilip ako sa aking orasan. Hindi ko na namalayan ang galaw nito. Naisip kong umupo na lamang at baka sakali...baka sakaling mapahinto ko ang takbo ng oras.

At sa pagkakataong ihahakbang ko na ang aking mga paa...

"Sorry, miss." nagkabungguan kami ng isang binatang lalaki. Masakit ang pagkakabunggo sa akin kaya't ininda ko ito. Umalis na agad ang lalaki pagkatapos ng kanyang paumanhin. Agad ko namang tinungo ang pinakamalapit na upuan.

Sa ihip at galaw ng hangin, parang may ibinubulong ito sa akin na hindi ko lubos mawari. Nakalutang lang sa ere ang kanyang mensahe na tila may darating na pagasa sa kabila ng bagyo ng tadhana...

Nang maibaling kong muli ang aking tingin sa mga patak, may nagsalita...

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon