"Yugto."
Lyka
"Guys balik niyo na nga yan!" utos ko kay Daphne na hinablot bigla ang bag ko.
"Not unless you tell us kung bakit ka nawala nang almost 2 months." wika ni Daphne.
Wala ako sa kumprontasyon ngayon. Si Daphne ang spoiled brat sa department. Hindi ko lubos maisip kung bakit siya nagengineering gayong mas bagay siya sa HRM.
Si Daphne, ako at ang dalawang kaibigan niya ay nasa banyo. Ngunit hindi para magsindi ng gulo.
"Daphne, sinabi ko naman na sa inyo, may sakit..." bigla akong napatigil sa kalabog ng cubicle.
Lumabas ang isang estudyante. At nang tuluyan na niyang lisanin ang banyo...
"Lola mo? Kaya ka nagbakasyon sa probinsya?" bwelta ni Daphne. "Okay okay. Hindi ka na namin kukulitin pa. Basta mamay ah. Tulungan mo kami sa assignment namin sa Physics. Catch ya later!"
Naunang lumabas si Daphne. At sinundan naman ito ng dalawang kasama.
Natawa na lamang ako sa sarili.
Si Daphne, bagamat mataray at bratinella, napangaabutan naman ako ng kabaitan niya. Mula nung pinagalitan siya ng mga magulang niya, naghanap siya ng magtuturo sa kanya at tutulungan siyang iangat ang grado niya. Nakilala niya ako at lumapit siya sa akin. Ngunit, hindi niya isinaad nang diretso ang kanyang pakay. Ibinigay niya lamang sa akin ang kanyang kwaderno at sinabing sagutan ko daw ang mga ito. Hinabol ko siya, hinarap at sinabing: "Kung gusto mong tulungan kita, hindi sa ganitong paraan." At hinila ko siya papunta sa lamesa. Tinuruan ko siya. Nung una hindi ko inakalang makikinig siya. gaya ng sabi ko, bagama't bratinella, may tinatago namang kabaitan si Daphne.
Sa gitna ng pagiisip ko, hindi ko inakalang nasa tapat na pala ako ng gate palabas ng school. Sobrang dami ng taong nandito. Mahirap lumanghap ng hangin.
"Lyka!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at tumambad ang isang maaliwalas na pigura.
"Mike!" ang sabi ko sabay ngiti.
Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong niyakap.
"Um... Kamusta ang first day mo?" binasag ko na lamang ang hiyang namuo.
"Okay lang. Masaya ako na nabigyan ng pagkakataong makapagaral ulit. Tara na?"
Sa mahigit dalawang buwang pamamalagi ni Mike sa bahay namin, hindi na maiiwasang mapalapit ang loob ko sa kanya. Kaya nga sobra ang pasisisi ko noon sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Nalaman ko rin naman, habang lumilipas ang panahon, na hindi siya masamang tao at ang protektahan ako, ang kanyang natatanging intensyon.
Sa panibagong yugto namin, haharap kami sa matinding realidad na ipapamalas ng tadhana. Ngunit ang kaibahan lang, si Mike magtatagal pa. Ako, hindi na.
"Sige. Tara na."
Sumuong na kami sa rumaragasang ilog ng tao at tinungo ang gate palabas. Ngunit bago pa man kami tuluyang makalabas, nahulog mula sa aking mahigpit na pagkakahawak ang libro.
Bago ko pa mahawakan, nakuha na ito ni Mike.
Ngunit nang ibibigay na niya ito sa akin.
Nadiskubre kong...
Hindi sa kanya ang mga kamay na iyon.