21

275 11 3
                                    

"Balakid."

Lyka

Napakagandang lugar. Winawala ako sa mundo na lulong sa negatibong enerhiya. Paborito kong mga bulaklak na Lilac, masayang nagkalat sa paligid. Ang lambot ng damo, kinikiliti ang mga paa ko sa bawat pagtapak. Malawak at patag ang hardin na ito. Wala nang iba pang mga bagay kundi damo at Lilac lamang. Wala akong makitang senyales ng sibilisasyon. Wala rin akong marinig kundi ang kalmadong hangin na humahagkan sa akin.

Palubog na ang araw.

Pero bakit hindi ako nagaalala? Bakit hindi ko maramdamang nagiisa ako?

Bakit nga ba ako nandito?

Sa direksyon kung saan palubog na ang araw, tanaw ko ang anino na tumatakip sa gitnang bahagi ng araw.

Sa direksyong iyon, unti-unting humahakbang ang mga paa ko.

Isa... Dalawa... Tatlo...

Habang papalapit ako, napansin kong isang pigura ng tao ang humuhugis sa anino. Ngunit nakaupo ang posisyon niya.

Kumukumpas pa ang mga paa kong walang saplot.

Parang kilala ko siya?

Hindi naglaon, tumabi ako sakanya.

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

Ang pagtataka ay napalitan ng saya. Ang kanina pa gumagambala sa isip ko ay biglang naglaho.

Dahil sa ngiting iyon, naglaho ang mga pangamba ko...

"Lyka."

"Huh?"

"Buti nagising ka na. Kamusta na ang kalagayan mo?"

Panaginip. Panaginip lang pala...

"Lyka? May masakit ba sayo?"

Meron. Ang mga kamay ng diwa ko na matagal nang hinahawakan ang basag na puso ko. "Wala naman. Nasaan nga pala si-"

"Derrick? Umalis na kanina pa. Ipinagbilin ka na niya sa akin. Sinundo nga siya ng nurse kanina."

"Nurse?"

"Oo. Parang tita niya ata."

Umupo si Mike sa tabi at tumingin ng napakalalim sa mga mata ko. Hinahanap ko ang rason sa kanyang mukha. Mga rason na sasagot sa mga tanong ko. Mga rason kung bakit kailangan kong maranasan ang mga ito.

Wala. Tanging pagunawa at simpatya lang ang nakita ko.

"Bakit?" basag ko sa katahimikang namuo.

"Gusto ko lang sanang magsorry sa'yo sa lahat. Nabigyan ako ng mga magulang mo ng maraming pagkakataon dahil sa'yo. Dapat hindi kita pinabayaan."

Ibinalik ko ang malalim niyang tingin sa akin.

"Hindi ka naging pabaya, Mike. Lahat ng ito ay may dahilan. Kung bakit ka nandito, kung bakit ako nandito, kung bakit ako pinagkalooban ng ganitong sakit, kung bakit lahat tayo ay may masaklap na kulungan na nilikha ng mapaglarong tadhana. Idalangin nalang natin ang mga sagot sa taas. Nandiyan ang Diyos at hinding hindi siya mawawala. Basta't maipapangako natin na hindi rin tayo mawawala sa Kanya."

Puno pa rin ng katanungan ang tingin ni Mike. Pero may isang emosyong ipinapakita ang kanyang mukha na di ko mawari...

"Papano kung hindi talaga masagot ang mga tanong natin?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon