13

234 18 2
                                    

"Muli."

Derrick

Maingay ang tapat ng gate ng paaralan. Hindi ko na mawari kung tuluyan nang nabasag ang pandinig ko.

Lumipas na ang napakasakit na unos sa buhay ko. Halos magdadalawang buwan na rin akong nakakulong sa bahay, nagluluksa. Inisip ko na lang na walang mangyayari sa buhay ko kung patuloy lang akong mamalagi sa bahay. Sa ngayon, dalawa na ang lakad ko sa isang araw. Umaga't hapon, sa paaralan at gabi, sa kainan malapit sa tinitirahan ko.

Nagmadali akong sumuong sa napakasikip na daanan na binabarahan ng mga taong sabik na ring makauwi.

Patuloy akong naglalakad nang bigla akong makarinig ng nahulog na bagay. Likas na sa akin ang pagkakaroon ng mabilis na reaksyon. Ito ang natatanging sandata ko sa trabaho at maging sa pangaraw-araw na pamumuhay.

Dumapo na ang kamay ko sa mga libro. At kinuha ko ito. Nang makita ko ito yun mga kamay ng mayari, agad ko itong ibinigay. Hindi ko na tinignan kung sino pa man siya dahil nagmamadali na din ako. Ang tanging naiwan lamang niyang salita ay: "Salamat."

Parang narinig ko na ang boses na 'yun?

At rumagasa na ng tuluyan ang mga tao. Ang huli kong matandaan, nakalabas na ako ng gate at papunta na sa lugar kung saan ako nagtratrabaho.

*****

"Ambilis pala ng oras. 8:30 na. Isa't kalahating oras na lang, magsasara na tayo." ang huni ni Ana, ang madaldal kong katrabaho.

Pinupunasan ko ang isang lamesa habang siya nama'y nasa kalapit na mesa. Isa isang pinupulot ang kalat gayong pwede naman itong punasan.

"Ui Derrick, magsalita ka naman. Ganyan ka ba magtrabaho?" dagdag pa nito.

"Ana!" sigaw ng manager namin.

Dali-daling pinunasan ni Ana ang mesa at naglaho sa likod ng counter.

Natapos ko rin ang pagpupunasan at humakbang papunta sa basurahan at lalagyan ng tray. Sumalubong naman sa akin ang naglalampaso ng sahig na si kuya Ryan. Gaya ng nakasanayan, sila ang unang lumalapit at nakikipagusap.

"Mukhang ang lakas ng tama nitong si Ana sa'yo ah. Ganyan naman yan, sa mga baguhan lalaki parang linta kung kumapit at parang aso naman kung bumuntot-buntot."

Natawa na lamang ako sa sinabi niya.

"Marunong ka naman palang tumawa, bata. Madali kang masisibak niyan pag lagi kang nakasimangot."

Kaunti na lamang ang mga kumakain sa mga oras na iyon kaya't may panahon kami para makapagpahinga.

Aminado ako na mahirap nga magtrabaho. Ngunit dahil hindi naman ito isang fast food restaurant, nakakayanan ko naman ang takbo ng mga bagay dito. Siguro isa pang dahilan kung bakit ako nagtratrabaho ay para makatakas ako sa realidad. Mahirap mang isipin na hindi ito posible, ngunit sa mga nagdaang paghihirap sa buhay ko, hindi naging madali ang lisanin ang buhay na nakasanayan ko.

Matapang kong hinarap ang hamon ng kinabukasan.

Dahil kung patuloy lang ang pagdungaw ko sa nakaraan, hindi na ako makakawala sa kasalukuyan.

"Derrick!" tawag ng aming manager.

"Ah saglit lang kuya." sabi ko kay kuya Ryan.

Maayos kong nilapag ang kagamitang panlinis sa lalagyan at pumunta papasok ng counter.

Nadaanan ko si Ana. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun ang naging itsura niya matapos kausapin ng manager.

"Good evening po sir." bati ko sa aming manager.

"Good evening din. How was your first week?" tanong niya habang inabot ang puting sobre.

"Okay lang naman po sir. Nakayanan ko naman pong sabayan ang takbo dito sa loob."

"How about your co-crews?"

"Mababit po sila sir. Tsaka madali pong pakisamahan."

"Good. Pinaobserbahan din kita. So far, all of the crew likes you. Especially..." napatigil siya saglit. "Ana."

Ikinagulat ko naman ang sinabi ng manager.

"Sinabi niya po 'yun sir?"

"Hindi. Pero nung tinanong ko kanina kung kamusta ang pakikitungo mo sakanila, bigla nalang siyang nagsalita nang nagsalita. Pinagsabihan ko nga eh."

Likas nga namang madaldal pala si Ana.

"Okay, magsasara na rin tayo in half an hour. You can go home now. I know you're already tired. Get some rest for tomorrow's shift. You deserve it."

"Thank you po sir."

*****

Malamig ang simoy ng hangin. Sa mga oras na ito, tanging mga ilaw na lamang ang kasama ko sa paglalakad.

Sobra ang init kanina, ngayon nama'y sobrang lamig. Hindi mapridikta ang panahon. Kung kailan bumubugso ang init, tsaka naman ngingiti ang ulan. Kapag namamalagi naman ang hangin, tsaka naman hahalakhak ang kulog at kidlat.

Napansin kong malayo na ako mula sa lugar na pinagtratrabahuan ko. Lumalim pa ang gabi, umuuga ang ilang mga puno. Ang temperatura ay patuloy na bumabagsak. Alam ko na mayroong nakamasid at nakasunod sa akin bukod sa buwan. Napakalakas ng presensya nito.

At nang maramdaman kong papalapit na ito, hinarap ko ito nang buong tapang...

"Ikaw?"

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon