6

432 24 8
                                    

Ibinabahagi ko ang kabanatang ito sa Christian writer na si @miguelito__ dahil sa natatangi niyang husay sa pagsulat. Nang dahil sa Apokalipsis, nanumbalik ang panata ko sa Panginoon.

"Gulong."

Derrick

Ang oras ay tumatagas...

Sinalo ng aking mga paa ang putik at munting baha sa kalsada. Sa bawat paghakbang ko, isang segundo ang lumilipad.

Bilis pa, sabi ko sa sarili.

Kanina lamang ay tumawag si Aling Sylvia, ang aming kapit-bahay, naghihingalo sa takot.

"Derrick! Derrick! Si Sylvia 'to!"

"Aling Sylvia?"

"Makinig ka sa sasabihin ko. Ang lola mo..."

Sa mga sandaling iyon tila nawalan ng malay ang utak ko ngunit hindi ako bumagsak. Patuloy ang pagagos ng mga salita sa bibig ni Aling Sylvia habang ako'y nawala na sa mga pinagsasasabi niya. Kinailangan ko nalang na putulin 'yon.

"Saang pong ospital?"

Malapit na ako sa ospital na kung saan sinugod ang aking lola.

Sa mga sandaling iyon, nagmayabang na ang haring araw. Nagpakita ito ng tuwa sa gitna ng aking rumaragasang emosyon.

Isang liko na lamang. Ramdam ko ang pagdami ng tao. Nabunggo ko ang isang ale. Tumilapon ang hawak nitong nakatuping payong. Ang iba namang naguusap na nakabalandra sa daanan ay mabilis kong pinagitnaan. Nakakarinig ako ng mga hindi kaaya-ayang salita habang ako'y papalayo. Wala ako sa kalagayan para pansinin pa ang mga iyon.

Akmang papasok na ako sa entrance ng ospital nang humarang ang ambulansya. Batid kong may biktima sa loob ngunit hindi ito ang tamang oras para makiosiyoso.

Sa ramp ako nagtungo dahil nasa ikaapat na palapag pa ang elevator. Nang makarating sa ikalawang palapag, agad kong pinuntahan ang kwartong may titik "I. C. U." sa may pintuan. Ngunit bago pa man makapasok nang tuluyan, kailangan mo munang magsuot ng face mask, gloves, surgical suit at magaan na sapatos.

Hindi ko na sinunod ang patakarang ito at dali-dali kong binuksan ang salamin na pinto.

Naroon siya. Nakahiga sa mga ulap na nakapatong sa bakal na higaan. Inaahas ng kung ano-anong wire na minamanipula ng makinaryang nagbibilang ng kanyang pagtibok at paghinga. Masalimuot ang loob ng kwartong iyon. Bukod sa amoy ng pinaghalong alkohol at medisina, tatlo pang pasiyente ang nakahimlay sa kabi-kabilang higaan na tanging ang berdeng kurtina lang ang pagitan.

Sa puntong ihahakbang ko na ang aking mga paa para lapitan ang aking lola, tumabi sa akin ang isang nars.

"Sir, kailangan na po muna nating magsuot ng damit pang-ICU bago po natin malapitan ang pasiyente." aniya.

Ngunit hindi ko ito pinansin. Gusto kong imaneho ang katigasan ng ulo ko. Gusto kong gumising si lola at suwayin ako. Gusto ko siya ang magsuway sa akin at hindi ang ibang tao.

Niyakap ko nang mahigpit si nanay. Dama ko ang init ng kanyang katawan. Pakiramadam ko'y tulog lamang siya at ilang minuto lang ay magigising na ito, ibabalik ang yakap saka ngingiti ng walang bahid ng kung anong emosyon kundi tuwa lamang. Siya na lamang kasi ang nagpapadama sa akin ng tuwa sa kabila ng lahat. Siya na lamang ang nagbibigay sa akin ng pagasang mabuhay sa panahong ako ay susuko na. Siya na lamang ang natitira kong pamilya.

Hinding hindi niya ako kayang iwan, mananatili siyang buhay para sa akin. Iyan ang pagasang kinakapitan ko ngayon kahit pa batid dito ang mga makasariling kataga.

Narinig kong naguusap ang nars at ang doktor sa aking likuran. Pumunta sa may kabilang dulo ang nars para kuhanan ng bp si nanay.

Ikinagulat ko ang paghawak sa balikat ko ng isang mabigat na kamay. Ngunit hindi ko inalis ang tingin sa aking lola.

"Cerebral haemorrhage ang naging sanhi ng pagka-comatose ng lola mo." mga salitang nakakabasag ng iyong damdamin at nakakapagpabagabag sa iyong isipan. "Isa sa mga ugat sa utak niya ang pumutok. Nagdulot ito ng internal bleeding sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo."

Sa puntong iyon, inabot sa akin ng doktor ang isang malaking manila envelope na naglalaman ng kuha ng x-ray ng ulo ng aking lola. Kahit hindi na ito ipaliwanag pa, malinaw na ang lahat.

"Ditong bahagi ng kanyang utak ang pumutok na ugat. Kung mapapansin mo dito sa kaliwa, 'yan ang bleeding. At kung titignan mong maigi, sa left part ng skull niya ay may fracture. Maaaring nung pumutok ang ugat, nahilo at bumagsak na nauna ang ulo. Isa din itong dahilang kung bakit lumala pa ang kondisyon ng lola mo. Mapapansin mo rin ang mistulang pagkurba ng gitnang bahagi ng kanyang utak. Dahil na rin yan sa blood sa left part pushing its way in papunta sa right. Kaya't kung pagtatagpi-tagpiin mo iho, kumplikado ang lagay ng lola mo ngayon."

Pumapantig ang tenga ko sa ingay ng sitwasyon. Malaki rin ang patong nito sa aking dibdib. Sa mga sandaling iyon, nakayuko ako at nakangiti.

Nakangiti.

Akmang tatawa ngunit pinigilan ko ang sarili. Sa likod ng aking mga salamin, mga matang hindi na maikukubli ang kalungkutan.

Kasinungalingan, ang sabi ng diwa ko.

"Makukuha naman ito ng operasyon, hindi po ba dok?"

Huminga nang malalim ang doktor.

"30% lang ang kasiguraduhang magtatagumpay ang operasyon. Kung sakali mang magtagumpay, maaaring maapektuhan ang mga bahagi ng katawan niya pati na ang memorya niya." aniya.

Napailing na lamang ako sa sakit na dulot ng gulong ng tadhana na sa akin pa huminto.

"I'm sorry. Magdasal nalang tayo ng milagro."

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon