20

212 16 1
                                    

"Gapos."

Derrick

Alam kong hindi tama. Hindi tama ang ilihim sa kanya na alam ko na ang totoong kalagayan niya.

Pero mas hindi tama ang lihim sakanya ang isa pang bagay.

Pinagmamasdan ko lang siyang matulog hanggang sa pagputok ng araw. Mukha siyang anghel sa lupa. Simple lang ang kanyang ganda.

Bakit siya pa ang pinagkalooban ng ganito kasaklap na kapalaran?

Hindi ko lubos maisip kung bakit nga ba kami pinagtagpo sa maling panahon. Magkaiba ang mundong aming ginagalawan. Salungat ang aming pamumuhay. Pero pareho kaming iginapos sa putik ng paghihirap. Kung saan, ang tanging kawala lang ay ang pagtanggap sa isa't isa.

Naalala ko pa noon nung umuwi si nanay sa probinsiya kasama ako.

Nung nagpagabi akong nakahiga sa isang maliit na burol, sinundo ako ni nanay. Pero nanatili lang siya sa tabi ko nang hindi ako inaalok na umuwi na.

Nang maramdaman ko ang presensiya niya, agad lumabas ang mga tanong sa bibig ko. "Bakit ganito kalupit ang tadhana, nay?"

Hanggang sa kasalukuyan, itinago ko pa rin sa aking puso ang kanyang mga sinabi...

"Napakalupit ng tadhana. Napakalupit ng itinakdang kapalaran. Hindi ito simpleng kwaderno na kaya mong manipulahin at baguhin ang itinakda. Hindi ito simpleng babasahin na mahuhulaan mo kung ano ang puno't dulo ng lahat. Hindi ito isang karaniwang punit na kaya mong tahiin at ibalik ang dating ayos."

"Ang tadhana ay isang alitaptap sa garapon na pinagmamasdan at hinahayaang magliwaliw hanggang sa mapagod ang iyong mga mata at unti-unting mong bubuksan ang garapon. Paliliparin mo ito hanggang sa ito'y tuluyang maglaho sa dilim. Tinanggap mo ang mapaglarong alitaptap at ikinulong mo ang iyong sarili sa epektong idinulot nito sa'yo. At hinayaan mo nalang itong lumipad papalayo."

"Paano kung napakasakit ng idinulot nitong delubyo sa buhay ng isang tao?" tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakatingin sa kawalan.

"Tanggapin mo na ito'y nangyari at magpasalamat ka sa Diyos dahil nangyari iyon."

Marahan siyang tumayo at iniwan akong magisa sa burol. Ngunit bago pa man siya makalayo, nagiwan siya ng isang napakagandang metapora na panghabangbuhay kong dadalhin.

"Tumitila rin ang ulan."

Bakit din ba ako pinipigilan sa pagbuhos ng katotohanan? Paano at kailan ko masasabi sa kanya na siya yung babaeng-

Nasa himpapawid ako ng pagiisip nang bigla akong harangin ng isang tunog. Ang tunog na may pumasok na mensahe.

Tinungo ko ang lamesa sa tabi ng kanyang higaan kung saan nakalagay ang mga gamot. Umilaw ang cellphone ni Lyka.

Ngunit hindi ko maiwasang silipin ang mensahe. Maaaring mga magulang niya iyon na nagaalala na sa kanya.

Agad pumalo ang mga mata ko sa mensahe,

Papunta na ako diyan.

At sa taas ng mensaheng nakapaloob sa isang parihaba ay ang pangalan ng nagpadala...

Sinisigaw nito ang pangalang,

Mike.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon