14

223 17 1
                                    

"Tunog."

Lyka

Malakas ang ingay na inaawit ng mga tao.

Mahirap ipaliwanag pero nung nalaman kong hindi pala si Mike ang nagabot ng libro ko, may naramdaman akong koneksyon. Di ko alam kung ano, paano at bakit. Hindi ko talaga maipaliwanag ang lahat.

Nang natanggap ko na ang libro, inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nagabot. Ngunit hindi ko malaman kung sino nga ba dahil walang nakatingin sa akin. Lahat sila ay nakatalikod, nagsisiksikan palabas.

Hindi ko na siya napasalamatan kung sino man siya.

*****

Nakakapagod nga palang bilangin ang mga bituin habang naglalakad.

Nagpaalam muna ako saglit kina mama na magtitingin lang ako ng libro sa National Bookstore. Hindi ko naman inakalang matatagalan ako at maabutan ng pagsasara doon.

Bago pa man marating ang subdibisyon, naalala kong madadaanan pala ang isang restaurant. Parang gusto kong magtingin ng makakain. Pero nung makalapit na ko, inaasahan kong masiglang kulay ng mga ilaw ang sasalubong sa mga mata ko. Ngunit, kadiliman na lamang ang bumabalot sa loob bukod sa ilaw ng mga poste at ang bumibilog na buwan ang tumatama sa salamin ng restaurant. Napansin kong may gumalaw sa loob. Repleksyon ko lang pala.

Hindi ko na inisip ang panganib na nakaabang sa harapan ko, kung meron man. Sa lalim ng gabing ito, hindi na ito imposible.

Nakapagtatakang hindi tumutunog ang cellphone ko. Dapat may isa man lang sa angkan ko ang nagaalala. Kahit isa man lang.

Huminga na lamang ako nang malalim.

Nakapagtataka din ang malamig na simoy ng hangin. Kani-kanina lamang ay maalinsangan ang pakiramdam ko. Ngayo'y parang nagyeyelo na ang kamay ko. Ang mga puno, parang bumubulong. Hindi. Instrumento lamang pala sila. Hangin talaga ang bumubulong.

Inilabas ko ang libro na binili ko kanina. Kapag sabik na akong basahin ang bagong biling libro, madalas paulit-ulit kong binabasa ang buod nito sa likod at pinagmamasdan ang pabalat na umakit sa mga mata ko.

Nung pagkapasok ko palang sa bookstore, tinungo ko kaagad ang seksyon ng mga pamoso at madalas bilhin na mga libro. Ang unang buod na nabasa ko ay tungkol sa modelong nagpakamatay at ang lalaking susubukang pagtagpi-tagpiin ang misteryo kung bakit nagpakamatay ang modelo. Ibinaliktad kong muli ang libro. The Cuckoo's Calling. May nabasa naman akong isang nakakatuwang buod na sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, naaayon ito sa aking sitwasyon. Tungkol ito sa babaeng may cancer at hinanda na ang kanyang sarili sa kamatayan ngunit hindi naman niya inakalang may magpapaligaya sa kanya sa pinasukan niyang cancer group. Hindi niya ginustong magmahal dahil kapag namatay na siya, masasaktan niya ang lahat ng taong mauulila niya. Ibinaliktad ko ang libro. The Fault In Our Stars. Naisip kong bilhin ang libro, pero parang hindi maganda ang naging sigaw nito sa utak ko. Hindi ko naramdaman na kailangan ko itong basahin. Naghanap pa ako. Parang gusto kong iligaw muna ang isip. Kahit sa pinakamalayong daigdig, makalimutan ko lang sitwasyon kahit sa isang upuan man lang. Natuwa ako sa aking napili.

At heto't hawak ko nanaman ang libro. Paulit-ulit na pinagmamasdan ang pabalat. Alam kong matagal na itong inilimbag at nagkaroon na rin ito ng pelikula. Pero ito ang transportasyon ko patungo sa kailaliman ng imahinasyon ko. Percy Jackson and The Lightning Thief.

Habang naglalakad ako, may mga bagay na hindi ko maiwasan ang pagpasok sa utak ko. Gaya na lamang ng gawain ko. Alam kong mamamatay na ako. Pero hindi naman ibig sabihin na babaliwalain ko ang pamumuhay na normal. Minsan kailangan lang baguhin ang mga bagay na nakasanayan na.

Napabilis ang paglalakad. Hindi ko na napansin ang dinadaanan ko. Nakadikit pa rin ang paningin ko sa libro, ngunit ramdam ko ang presensya ng isang tao, isang nilalang. Hindi ko alam kung saang direksyon.

Pero nang maramdaman ko na nasa harapan ko na pala, matapang kong inangat ang ulo sa tunog ng isang pamilyar na boses...

"Ikaw?"

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon