III [Everything Starts with WHO U?]

3.2K 79 10
                                        

III. EVERYTHING STARTS WITH WHO U?


Nasa school ako ngayon. Two hours ang vacant namin.

Ang boring.

Wala akong magawa at inaantok pa ako. Wala namang bakanteng room na puwede naming tambayan kaya dito na lang kami ng ilang classmates ko nakasampak sa hallway.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko mula sa bag. Magsa-soundtrip sana ako kaso naiwan ko naman ang headset ko. Yan na nga lang halos ang silbi ng cellphone ko bukod sa alarm. Ugh! Ayoko namang magpatugtog nang naka-loudspeaker.

Dahil wala talaga akong magawa, pinagtiyagaan ko na lang maglaro ng Space Impact. Kaso mabilis din akong nagsawa. Tapos ko na nga lahat ng levels no'n eh.

Kaya ayun, nauwi na naman ako sa pagbabasa ng mga quotes at GM ng mga classmates at friends ko.

What a lazy, boring day.

Nagtiis na lang ulit ako kaysa naman tumunganga. Hindi rin naman ako makarelate sa topic ng mga kaklase ko. Tsismisan sila nang tsismisan tungkol sa mga taga-ibang department. Hindi ko naman kilala ang mga pinag-uusapan nila.

And it's not my cup of tea.

Habang nagba-browse ako ng messages, may nakita akong text mula sa isang unregistered number.

Inopen ko iyon at napasimangot pagkabasa ko.

Si "WHO U?" pala.

Nasave sa SIM memory ko ang text niya noong nakaraan.

Ewan ko ba. Siguro dahil sa sobrang bored ko, hindi ko namalayang nakapag-send na pala ako ng message sa kanya.

Ika-cancel ko pa nga sana kaso naisend na.

Shemay!

At akalain mong may load pa pala ako? Parang last month pa yata ako nagpaload. Hindi pa pala expired.

Hindi naman siya nagreply.

Mabuti naman. Wala rin naman ako sa mood makipag-text. Lalo na rito kay "WHO U?"

Ano nga ulit pangalan nito?

Ay, ewan.

Basta may "sakristan" iyon.

Kaya sinave ko na lang ang number niya bilang "SAKRIS." Just in case na magreply man siya.

Kinagabihan, pagkatapos naming mag-dinner, pumasok na ako sa kwarto ko.

Hay...

Ilang araw na rin akong walang gana. Super bored pa.

Siguro ganito talaga kapag hindi naging maganda ang Sunday ko.

Saklap.

Sana Linggo na ulit.

Maya-maya, narinig kong tumunog ang cellphone ko.

Walang ganang kinapa ko iyon sa ilalim ng unan.

Pagkatingin ko sa screen.

1 MESSAGE RECEIVED FROM SAKRIS

Oh? Himala. Nagreply pa si WHO U?

Akala ko inignore niya na yung text ko kanina.

Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Hindi ko rin alam kung bakit pero pagkakita ko sa text niya, I half smiled and half frowned.

SAKRIS: WHO U?

Wala na ba siyang ibang alam i-type kundi WHO U?

Pero sa bagay... ano nga bang dapat niyang i-reply sa "Hi..." kong text?

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon