X [Confession]

2.7K 79 10
                                        

X. CONFESSION



Last day na ng U-Week namin ngayon, at pagkatapos ng araw na 'to, back to normal na naman sa school. Kaya yung iba, sobrang sinusulit ang isang linggong petiks dahil next week, final exams na rin namin. Then after that... bakasyon na!

Sa wakas!

Anyway, nandito nga pala ako ngayon sa Function Hall ng school namin para sa Reflection. Every year ginagawa 'yan sa school, at by batch ang schedule ng mga estudyante. Kami ang last batch na naka-schedule ngayon.

It's a spiritual reflection—a time to reflect and reconnect with God.

Ang saya nga kasi yung paring inimbitahan ng school namin bilang guest speaker ay si Pader Luis. Siya yung paring komedyante na gustong-gusto kong pakinggan kapag nagmimisa sa simbahan.

Kaya buong program namin, tawa kami nang tawa. Simpleng comedian talaga si Pader. Mapa-loob man o labas ng simbahan, he never fails to make us laugh with his jokes and punchlines.

Kahit nga si Sakristan Will, palaging natatawa sa kanya eh.

Puwera lang kay Enzo.

Hayst.

Naalala ko naman yung totoy na 'yon.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong araw na muling nagkrus ang landas naming dalawa. At noong araw na 'yon, first time ko siyang nakita nang malapitan. Unang beses din kaming nag-usap nang personal...

Without knowing na yung "Jhassy" na katext niya noon at ako ay iisa lang.

Julien, paano pa siya magkakaroon ng idea na ikaw si Jhassy? Eh si Franz ang ipinakilala mo sa kanya bilang "Jhassy" na katext niya!

In short, niloko mo siya!

Napabuntong-hininga ako.

Heto na naman ang konsensyang walang sawang nang-uusig sa akin.

Oo na. Alam kong salbahe ako.

Niloko ko siya dahil ibang tao ang ipinakilala at iniharap ko sa kanya. Pati best friend ko, dinamay ko pa sa kalokohan ko dahil kinuntsaba ko siya sa plano ko.

And I almost regret it.

Gusto kong itama yung maling nagawa ko sa kanya.

Kaya pagkatapos ng reflection namin, hindi muna ako lumabas ng Function Hall. Nagpahuli ako para hintayin si Pader Luis.

At nang paalis na siya, hinabol ko siya sa hallway.

"Pader, sandali po!" tawag ko.

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Yes, hija?" tanong niya nang makalapit ako.

Mabuti na lang at wala nang masyadong estudyante sa hallway dahil hapon na. Yung iba, nagsiuwian na pagkatapos ng awarding ceremony kanina sa Quadrangle. Yung mga kasama ko naman sa reflection, halos lahat nakababa na papuntang lobby.

Kaya sinamantala ko na ang pagkakataong ito para makausap si Pader nang kami lang dalawa.

Humugot muna ako ng malalim na hininga.

At kahit nahihiya ako, nilakasan ko na lang ang loob ko para masabi ang pakay ko.

"Pader... pwede po ba akong magkumpisal sa inyo?" diretsahan kong tanong.

Wala nang atrasan 'to.

Di ba sabi ko nga, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, talagang ikukumpisal ko yung ginawa ko kay Sakris para mapanatag na rin ang loob ko.

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon