II. WRONG SEND
LUMIPAS na naman ang buong linggo.
At syempre, buo na naman ang linggo ko. Nakaka good vibes naman kasi talaga ang nangyari last Sunday.
Well...
Except don sa epal na sakristang nang-irap sa'kin.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin gets kung anong problema niya sa buhay.
Sana nga this Sunday wala siya, o kaya naman, huwag siyang katabi ni Sakristan Will.
Baka kasi iniisip niya na siya ang tinitingnan ko.
Tse!
As if naman.
Si Sakrsitan Will lang ang crush ko, hello?
Anyway, Sunday na ulit.
At gaya ng nakasanayan, excited na naman akong magsimba.
Si Mama naman, umaga pa lang nagsimba na. Nadala yata noong nakaraang linggo nang muntikan na naming hindi maabutan ang homily. Kaya wala tuloy akong kasama mamaya.
Hindi rin naman ako puwedeng sumabay kay Kuya dahil maaga iyong umaalis para mag-prepare sa simbahan.
So mag-isa lang talaga akong magsisimba mamaya.
Napaisip ako.
What if magyaya nalang kaya ako ng kasama?
Tama!
Good idea, Julien!
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko mula sa ibabaw ng study table.
Plano kong i-text ang mga friends ko. Siguro naman may isa sa kanila ang available mamaya.
Kaso pagtingin ko sa screen... lowbat. One bar nalang.
Isinaksak ko agad ang charger.
Wala.
Hindi man lang lumabas yung charging icon.
Tinanggal ko ulit. Tapos isinaksak nang mas madiin.
Wala pa rin.
Sinubukan kong galawin nang kaunti yung wire.
Wala.
Sinubukan kong isaksak sa ibang outlet.
Wala talaga.
"Ano ba naman 'to?"
Nainis na ako ng tuluyan. Sinubukan ko pang hipan yung charging port ng phone na parang technician.
Wala.
Deadma.
Nanlumo ako. Kapag minamalas ka nga naman talaga.
Minsan ka nalang ganahan magtext, saka pa masisira ang charger. At take note, kakabili ko lang nito nong nakaraan sa bangketa. Lokal pala. Original daw sabi nung tindero, nascam pa yata ako.
Napabuntong-hininga nalang ako.
Mukhang wala na akong choice kundi humanap ng charger sa kwarto ng mga kapatid ko.
"Kuya, may charger ka ba ng sony ericsson?" tanong ko nang sumilip ako sa kwarto niya.
Naglalaro siya ng computer games.
Graduating nasa college 'tong kapatid ko pero adik pa rin sa computer games. Minsan nga napapaisip ako kung paano ito naging sakristan. Sa simbahan, akala mo napakaseryoso at napakabait, samantalang sa bahay, parang isip bata pa din.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomansaFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
