XVIII. ONE STEP AWAY
Isang buwan... isang buwan na lang ang natitira para maihanda ko ang lahat ng kailangan ko bago ako umalis.
Kumpleto na ang lahat ng credentials ko, at nakuha ko na rin ang passport ko. Mga personal na gamit ko na lang ang kailangan kong ihanda, at unti-unti ko na ring iniimpake ang mga dadalhin ko.
Isang taon din kasi ang kontrata ko roon. Hindi ko rin alam kung kailan ulit ako makakabalik ng Pilipinas dahil, ayon kay Ate Katie, kapag nakalipad na ako at nagsimula nang magtrabaho, hindi na raw ako basta-basta makakauwi.
Kailangan ko munang tapusin ang kontratang pipirmahan ko.
Napabuntong-hininga ako nang malalim.
Gaano kaya katagal 'yon?
One year? Two years? Three years?
Hayst! Iniisip ko pa lang... pakiramdam ko sobrang tagal na. One month nga lang, matagal na para sa'kin. Years pa kaya?
At hanggang ngayon... wala pa rin akong sinasabi kay Enzo tungkol sa pag-alis ko.
Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Nalulungkot na agad ako kapag naiisip ko pa lang. Ilang beses ko na ring binalak sabihin 'yon sa kanya kapag nagkikita kami sa simbahan o nagkakasabay umuwi, pero palagi akong pinanghihinaan ng loob.
Natatakot ako na... magalit siya sa akin dahil kung kailan malapit na akong umalis, doon ko lang sasabihin sa kanya.
Yun na nga, Julien! Palapit nang palapit ang araw ng pag-alis mo. Tumatakbo ang oras at lumilipas ang bawat araw. Hanggang kailan mo itatago sa kanya? Minsan mo na siyang pinaghintay nang halos dalawang taon bago mo siya hinarap. Tapos ngayon, sa maikling panahong nakilala at nakasama ka niya, aalis ka na naman. Ano? Sasabihin mo na lang ba sa mismong araw ng pag-alis mo? For Pete's sake! You're so unfair, Julien... you're so unfair to Enzo. my mind said.
I let out a heavy sigh.
I know... I'm so unfair to him.
Pero anong gagawin ko?
When it comes to him, palagi akong pinanghihinaan ng loob.
Nalulungkot din naman ako. To think na may maiiwan ako rito... hindi lang ang pamilya at mga kaibigan ko, kundi pati na rin siya.
But I really need to go.
Ayokong masayang ang lahat ng pagod at hirap ni Ate Katie sa pag-aasikaso ng mga papeles ko para lang makuha niya ako roon. Ayoko ring biguin sina Mama at Papa na naniniwalang nasa ibang bansa ang suwerte ko. Higit sa lahat, ayokong mawala ang pagkakataong mas makatulong sa kanila.
But... there's a part of me na nagsasabing ayoko ring iwan at saktan si Enzo.
He's important to me. Bilang pinakamalapit kong kaibigan... 'yung tsong ko. At ang lalaking mahal ko.
I think... he feels it too.
Napatingin ako sa kuwintas ko at napabuntong-hininga.
Paano ko sasabihin sa kanyang mahal ko siya kung aalis din naman ako kalaunan?
He doesn't deserve that.
"Uy, Girl! Sureness na ba 'yan? As in gogora ka na?" tanong sa akin ni Japeth.
Nagpasa na kasi ako ng resignation letter ngayong araw. Effective after one month ang notice period ko, kaya nandito ako ngayon sa HR Department para i-submit iyon pagkatapos ko itong papirmahan sa Division Head namin kanina.
Bahagya akong ngumiti sa kanya.
"Oo, Japs. Sure na 'to. Naipasa ko na sa HR Head ang resignation letter ko."
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomanceFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
