XX. MEET HALFWAY - THE LAST CHAPTER
Even though years had passed, I would still feel the same... Mahal ko pa rin siya, at nasasaktan pa rin ako sa tuwing bumabalik sa alaala ko ang tagpong iyon.
Simula noon, sinubukan kong bitawan ang lahat ng alaala ko kasama siya. Lahat ng sinabi niya, lahat ng pangako niya, at lahat ng bagay tungkol sa kanya.
Pagkabalik ko ng Australia, nagpakabusy ako sa trabaho at sa iba pang bagay para hindi ko na siya maisip at para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. I really wanted to forget him, move on, and completely get over him.
Isa sa mga paraan na naisip ko para makalimot ay ang pagsusulat online. Nagsimula iyon sa mga random thoughts hanggang sa hindi ko namalayan na sinusulat ko na pala ang kuwento naming dalawa.
I entitled it Mr. Sakristan and published it under the pen name "Jhassy."
Nagdalawang-isip pa ako kung itutuloy ko ba ang pagsusulat noon dahil pakiramdam ko, para ko na ring pinapahirapan ang sarili ko sa pagmo-move on mula sa kanya. Pero wala eh... I couldn't help it.
Hanggang sa dumami na ang nakabasa ng isinulat ko at unti-unti itong nagustuhan ng mga readers doon. At kalaunan, naipublish din iyon bilang isang libro.
Nakakatawa nga dahil karamihan sa mga comments na natatanggap ko mula sa readers, sinasabi nilang sobrang nakarelate sila sa story. Somehow, it put my heart at ease knowing that there were people who appreciated the story of me and Sakris.
Ayoko ng tragic story, kaya doon sa isinulat kong kwento... ginawa ko itong may happy ending.
At least, kahit doon man lang... nagkaroon ng happy ending ang story namin ni Enzo.
How I wish...
Sana kaya ko ring gawin iyon sa totoong buhay. Sana kaya kong isulat muli ang sarili kong kwento. Baguhin ang mga nangyari. Baguhin ang mga desisyon. At ibalik ang panahon.
Naisip ko pa nga noon na sana totoong nag-eexist na lang si Doraemon. Hahanapin ko talaga siya at hihiramin ang Time Machine mula sa magic pocket niya.
Napangiti ako sa sarili ko.
Julien... your childish and ridiculous thoughts.
Hay...
Nakakalungkot lang isipin na yung "someday" na pinanghahawakan ko noon...
It never came to me.
To us.
Pero hindi na iyon mahalaga ngayon.
Ang mahalaga, alam kong masaya siya sa landas na tinatahak niya. At sigurado akong, tulad ni Willson... isa na siyang ganap na pari.
Pinagmasdan ko ang librong isinulat ko.
I'd smile, but it didn't reach my eyes.
Maybe some stories are not meant to be lived... just remembered beautifully.
"Miss Jhassy, when did you start writing Mr. Sakristan?"
Nabalik ako sa sarili nang marinig ko ang tanong na iyon mula sa isa sa mga miyembro ng press na naroon sa book signing event. May mga kasama rin naman akong ibang writers. Lima kaming writers ng iba't ibang librong kakapublish lang na inimbitahan para sa event na ito.
Inayos ko ang mahaba kong buhok na bahagyang tumatakip sa mukha ko at ngumiti sa babaeng press na nasa harapan ko.
"Two years ago pa. Medyo natagalan ko rin itong matapos dahil busy ako. Besides, pastime ko lang naman ang magsulat online." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomanceFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
