XIII [Can This Be Love]

2.7K 75 18
                                        


XIII. CAN THIS BE LOVE




Naalimpungatan ako nang marinig ang sunod-sunod at walang tigil na malalakas na katok sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"JULIEN! Gising na!"

Kahit sobrang inaantok pa ako, sinikap kong imulat ang mga mata ko para sulyapan ang wall clock na nasa harap ng kama ko. Mag-aalas siyete y medya pa lang ng umaga.

"Julien! Ano ba! Gumising ka na nga diyan!"

Ano bang problema nitong si Kuya? Kay aga-aga, nanggugulo! Sabado naman ngayon, ah? Wala akong pasok sa school, kaya puwede akong gumising kahit anong oras ko gusto.

Bahala siya. Hindi ko alam ang problema niya. Hinila ko ang unan at itinakip sa mukha ko.

"Julien! Gumising ka na nga! Hindi talaga ako titigil sa kakakatok dito hangga't hindi ka bumabangon at lumalabas ng lungga mo!"

Mas nilakasan pa niya ang pagkatok at hindi talaga siya tumigil.

I rolled over at mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa unan. Kaso sa sobrang lakas ng mga katok niya, tuluyan nang nagising ang diwa ko at hindi ko na magawang makabalik sa pagtulog.

Balak niya bang sirain ang pinto ng kwarto ko?!

"Urgh! Bwisit naman!" Napaupo ako sa kama at nagmartsa papunta sa pinto para labasin ang Kuya kong panira ng tulog.

"Kuya! Inaantok pa ako! Nangbubulahaw ka naman! Nakalimutan mo na bang Sabado ngayon? Wala akong pasok. Ano bang meron?" pasinghal kong bungad sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

Kainis. Tuwing ganitong araw na nga lang ako nakakabawi ng mahabang tulog, bubulabugin pa niya ako nang ganito kaaga.

"See? Sabi ko na nga ba, nakalimutan mo na." Nag-cross arms pa siya at tinaasan ako ng kilay. "Tsk. Oo, alam kong Sabado ngayon. Kaya nga kita ginigising dahil ngayon 'yung Outreach Program na sinabi ko sa'yo no'ng nakaraan."

Napakusot ako ng mata habang humihikab.

"Huh? Anong Outreach Program?"

"Di ba tinanong kita last time kung gusto mong sumama? Nag-oo ka, kaya pinalista ko ang pangalan mo sa Outreach Program ni Pader. Ngayon na 'yon... Sabado." Sabay tapik pa niya sa noo ko.

Napakunot-noo ako.

Outreach Program?

Saglit akong nag-isip. Naalala ko ngang may binanggit siya sa akin na gano'n. Pero hindi ko naman maalalang nagsabi akong sasama ako?

Ah... iyon yata 'yung gabing windang ako dahil sa biglaang pagsulpot niya sa kwarto ko habang tumatawag si Sakris.

"Wag ka nang tumunganga diyan. Bilisan mo. Maligo at magbihis ka na, maiiwan na tayo ng shuttle." Pautos niya akong tinalikuran at bumalik sa kwarto niya.

"K-Kuya, sandali!" pahabol kong tawag. "Sino-sino bang kasama doon sa Outreach Program ni Pader?"

Ngayon lang yata talaga nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya last time. Obviously, nakalimutan ko na dahil hindi ko naman gaanong pinansin ang sinabi niya noon.

Bigla akong sinalakay ng kaba.

Shocks...

Outreach Program... ni Pader?

So ibig sabihin...

"Mga sakristan, choir, at ibang staff ng simbahan. Bilisan mo na. Magre-ready na rin ako," sagot ni Kuya bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon