XI [Stalker]

2.8K 95 8
                                        

XI. STALKER





Parang hangin lang na dumaan ang bawat araw.

I didn't even notice how time passed from day to night. Kahit wala naman akong masyadong pinagkaabalahan noong bakasyon, pakiramdam ko sobrang bilis tumakbo ng oras.

Buong bakasyon nga nasa bahay lang ako nakatambay.

Kain. Tulog. Simba. Text.

Paulit-ulit lang.

Simula kasi noong nag-confess ako kay Enzo at naging okay na ang lahat, naging instant textmate na ulit kami. Kaya hindi ako masyadong na-bored noong bakasyon.

Hindi tulad dati na parang ang tagal-tagal kong hinihintay ang pagdating ng Linggo para makita ulit si Sakristan Will.

Dati nga mas gugustuhin ko pang may pasok sa school dahil busy ako at hindi ko namamalayan ang pagdaan ng mga araw.

Pero ngayon, nanibago ako. Siguro dahil naging busy ako kakatext kay Sakris.

Just like before...

We've talked for hours each day.

At kahit pasukan na, we still find time to talk about so many things kapag pareho kaming may free cut class.

Update-update.

Kulitan.

Asaran.

Batuhan ng banat at pick-up lines.

Minsan naman, kwentuhan at kamustahan tungkol sa buong araw namin.

But so far...

Hindi na niya ulit binubuksan ang tungkol sa feelings niya sa akin. Kaya naging kampante na ako.

Siguro na-realize niyang infatuation lang talaga ang naramdaman niya noon, at parang bumalik lang kami sa dati.

Ewan ko ba...

Feeling ko hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan. Kahit minsan nonsense na lang, but I never feel bored kapag kausap ko siya.

Ang sarap lang kasing asarin ng totoy na 'yon.

Hahaha!

Parang hindi yata kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya naaasar.

In fairness naman, kahit paano nakikisakay na rin siya sa mga trip ko. Kahit minsan, nagsusungit siya kapag napipikon.

Minsan, hindi talaga maiiwasan...

Nagkakasalubong pa rin kami sa daan.

Nakikita ko rin siya palagi sa simbahan tuwing Linggo. Nagseserve na kasi ulit siya sa evening mass na ina-attend namin ni Mama.

At ayun... ganoon pa rin siya. Mukhang palaging seryoso at suplado sa harap ng altar.

Palaging nakayuko.

One time nga, muntik niya pa akong mahuling nakatingin sa pwesto nila.

Sakto pa na sa kanya talaga napunta ang tingin ko.

Goodness!

Napayuko agad ako noon. Feeling ko nga nag-init pa ang mukha ko sa sobrang kaba.

Paano kung nahuli niya talaga ako?

Baka isipin niyang tinititigan ko siya.

Actually, kay Sakristan Will naman talaga ako nakatingin. Kaso hindi ko rin maiwasang masulyapan siya dahil magkatabi lang naman sila palagi.

At bakit ba kasi tuwing mag-aangat siya ng tingin, parang laging sa pwesto ko napapatingin ang mga mata niya?

Palagi na lang niya akong nahuhuli.

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon