XVI [Come A Little Closer]

2.3K 83 32
                                        


XVI. COME A LITTLE CLOSER



Nang sabihin ko kay Enzo na handa na akong makipagkita sa kanya, buo na talaga ang desisyon ko. Wala na akong balak umatras dahil alam kong handa na talaga akong harapin siya.

Pero... si Enzo naman ngayon ang parang ayaw makipagkita sa akin. Hindi naman niya direktang sinabi, pero ganoon ang pakiramdam ko.

At ang mas nakakainis... parang ako pa ngayon ang nagpupumilit.

SAKRIS: Are you really ready, Gaelle?

Tanong niya 'yan sa akin noong sumunod na araw nang magka-text kami para planuhin ang meet-up namin.

AKO: Yes, I'm ready now, tsong. Promise! This time, I won't back out. :)

SAKRIS: No.

Nagulat ako pagkabasa ko sa reply niya.

No?

Ibig sabihin... ayaw niya?

Naguluhan ako sa sagot niya kaya tinanong ko ulit siya.

AKO: Huh? What "no"?

Medyo natagalan bago siya nag-reply.

Siguro, hindi pa rin siya tuluyang nakakabawi sa gulat. Alam kong nabigla ko siya nang sabihin ko iyon sa kanya sa tawag namin noong isang araw. Hindi rin siya agad nakapag-react noon.

Sa bagay, nakakagulat naman talaga na ako pa ngayon ang gustong makipagkita sa kanya.

Bahala na!

Basta, sure na 'ko sa naging desisyon ko.

Kahit ngayon pa lang, sobra-sobra na ang kaba ko but at the same time... nae-excite din ako.

My goodness!

SAKRIS: You're not ready to face me yet. Nadala ka lang sa pagka-overwhelm mo sa ginawa ko.

Napanganga ako.

Binasa ko pa nang ilang beses ang text niya.

Nadala lang ako?

Ibig niya bang sabihin... masyado lang akong masaya kaya ko siya niyayang makipagkita?

Ganon ba 'yon?

Yeah, I admit I was deeply touched nang sabihin niyang ako ang dahilan kaya siya nag-aral tumugtog ng gitara, but I am really sure that I am ready now!

Sa tagal naming magka-text... sobra-sobra na nga ang panahon para sa pagpapalakas ng loob kong harapin siya at magpakilala. Kilala ko na siya... and this is his chance to know and see me in person.

AKO: No, Enzo! Sigurado na talaga ako. This is the time... the right time para magkita tayo at ayoko na ring maging unfair pa sa'yo. We can be best friends for real at mas makikilala pa natin ang isa't isa.

Halos nobela na ang haba ng explanation ko sa text, ma-convince ko lang siyang sigurado na talaga ako.

I already decided, hindi lang ito dala ng bugso ng damdamin. This is the right thing to do because I want him to prove something to me... yung feelings niya para sa'kin.

Kaso...

SAKRIS: No, Gaelle. Think that first, okay?

Pagkabasa ko niyan sa text niya, biglang bumigat ang loob ko.

Pakiramdam ko... he indirectly rejected me!

Hindi ko siya maintindihan. I don't really understand him, and I didn't get his point!

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon