I. PERFECT SUNDAY
LINGGO na naman.
Kung ang iba ay ayaw sa araw na ito dahil kasunod nito ang araw na kinaiinisan at kinaayawan ng karamihan, ang araw ng lunes!
Well, who would actually love Mondays, right?
The day everyone dreads.
The most hated day of the week.
At aaminin ko, hindi rin naman ako fan ng Lunes. To think na may pasok na naman. Panibagong linggo na naman ng pakikibaka sa iskul, sa trabaho, sa deadlines, sa trapik sa kalsada, at sa kung anu-anong responsibilidad na pilit nating tinatakasan tuwing weekend.
Pero hindi naman 'yan ang dahilan kaya ayaw ko ng Lunes.
I hate Monday because that means my perfect Sunday is over.
Matagal na naman ako maghihintay na dumating ang araw ng linggo, ang pinaka 'paborito' kong araw sa 7 days a week!
Bakit?
Tinatanong pa ba 'yan?
Sunday is literally the day that completes my entire week.
Ito ang araw na lagi kong hinihintay. Ang araw na pinahahalagahan ko. Ang araw na sobrang nagpapasaya sa akin. At ang araw na hindi ko ipagpapalit sa kahit na anong araw.
Bukod sa family day at engrandeng kainan sa bahay, ito din ang araw na nababawasan ang mga kasalanan ko.
Oo! Every Sunday laman ako ng simbahan at excited pa ako magsimba! Eh kasi makikita ko na naman siya.
"Ma, nag-start na yata ang misa, late na tayo!" nadidismaya kong sabi kay Mama. Naririnig ko na kasi ang tunog ng kampana.
"Hay naku, kaya ayoko talaga magsimba ng hapon. Sabi ko naman kasi sa'yo nak, umaga nalang tayo magsimba. Wala pang trapik." sabi naman ni Mama.
Napasimangot ako. Nasisi pa tuloy ako ng nanay ko. Hindi nalang ako umimik.
Umaga ang usual na simba ni Mama, first mass pa nga. Pero ako, ayoko ng umaga.
Hindi dahil tamad akong gumising.
Kundi dahil hindi ko siya makikita roon.
Saklap.
Ang tagal-tagal kong hinintay mag linggo tapos hindi ko lang din pala siya makikita.
Nagagalit naman 'tong si Mama kapag hindi ako magsimba, ang sabi ko nalang magsisimba ako pero sa hapon kaya sinabayan niya ako para raw may kasama ako.
Muli kong sinipat ang suot kong relo. Mag-aalas sais na.
Ilang minuto nalang, magsisimula na ang misa pero nakasakay pa rin kami sa tricycle dahil sa usad-pagong na takbo ng mga sasakyan palabas ng compound namin.
Nakisama pa talaga ang trapik sa problema ko.
Linggo kasi.
Parang lahat ng tao sabay-sabay lumabas ng bahay ngayong hapon.
Paglabas pa lang namin ng compound, andoon na naman ang mga tsismosa, tambay, at manginginom sa labas.
Ewan ko ba sa mga taong 'yan, mas lalo lang nilang dinadagdagan ang mga kasalanan nila. Kung nagsisimba nalang sila, di nababawasan pa ang kasalanan nila.
Tsk.
Teka, ba't ko ba sila pinoproblema?
Ayst! Late na kami ni Mama!
After 15 minutes, sa wakas nakarating na kami ng simbahan.
Ang daming tao!
Wala na yatang vacant seats. Late na talaga kami ni Mama.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomanceFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
