V. WHEN EVERYTHING CHANGED
Since that day... everything changed.
Yung dating masungit at supladong sakristan na katext ko, ngayon nakikipagsabayan na rin sa mga banat, jokes, at kwentuhan sa akin.
Haha!
Grabe, feeling ko in love 'to. Bigla-bigla na lang nagbago eh.
Pero in fairness naman, mas okay na siya ngayon. Kung dati-rati para lang akong nakikipagtext sa hangin, ngayon masasabi kong close na kami.
Akalain n'yo 'yon?
We've talked for hours each day and little by little, nag-open up na rin siya sa akin tungkol sa sarili niya, lalo na sa family niya.
Medyo naawa nga ako dahil palagi lang pala siyang mag-isa sa bahay nila. Gabi na raw kasi umuuwi ang parents niya. They have their own family business at iyon ang pinagkakaabalahan ng Mama't Papa niya.
Dalawa lang din silang magkapatid. At malaki ang age gap nila ng ate niya na ngayon ay may asawa na at nakabukod na rin ng bahay.
Kaya ayun...
Yung dalawa nilang aso lang daw ang palagi niyang kasama sa bahay.
Sina Fluffy at Achie.
Ang cute ng names ng mga aso niya!
Pero pakiramdam ko... malungkot ang buhay niya.
Or right to say...
Malungkot siya.
Hindi rin naman kasi siya outgoing na tao. May barkada siya pero madalas nasa bahay lang siya. Kapag hindi naglalaro ng Xbox games, nagne-net surfing lang daw siya.
Tapos member din pala siya ng band sa school nila.
Drummer siya.
Napa-wow nga ako eh.
Although, mas ideal at mas gusto ko pa rin ang guy na marunong maggitara.
Sinabi niya na rin na altar server siya. Active sakristan daw siya kasi commentator ang Mama niya kaya every Sunday ay nagsisimba sila, at gusto raw ng Mama niya na palagi siyang nakikitang nagseserve.
And I didn't even notice na almost three months na rin pala kaming magkatext.
And I admit...
Habang tumatagal, mas nag-eenjoy akong kausap siya.
At parang mas gusto ko pa siyang makilala.
AKO: Kelan ka pala nag-start magsakristan?
SAKRIS: I started when I was in elementary pa. I was 9 years old when my mom asked me to join the new batch of altar servers.
AKO: Matagal na pala. May plan ka bang magpari? Or kahit naisip mo man lang?
SAKRIS: Wala. Although si Mama, gusto niya. But my dad doesn't like the idea, as I am the only son who will carry his name.
AKO: Sa bagay, he has a point. Pero okay din naman magpari as long as yun talaga ang gusto mo.
SAKRIS: Kaso ayoko.
AKO: Bakit naman? You don't want to serve God for the rest of your life?
SAKRIS: Hindi lang naman ang pagpapari ang way para makapagserve sa Kanya. There's a lot of ways to serve God. At para sa akin, enough na yung manatili ang faith ko sa Kanya, na maniwala ako sa Kanya palagi at hindi ko Siya kalilimutan. At hindi ko rin nakikita ang sarili ko doon. Simply because I want to build my own family. Gusto kong pakasalan ang babaeng mamahalin ko at magkaroon ng mga anak.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomanceFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
