VIII [Messed Up]

2.4K 69 8
                                        


VIII. MESSED UP






"Oh, Julien anak.. nandyan ka na pala. Halika't kumain ka na, nakapaghanda na ako ng hapunan natin," bungad na sabi sa akin ni Mama pag-uwi ko sa bahay.

"Sige po, Ma. Susunod na lang po ako," walang ganang sagot ko. Nagmano muna ako bago nagtuloy-tuloy papasok sa kwarto ko.

When I entered my room, hindi muna ako nagpalit ng damit. Naupo lang ako sa gilid ng kama ko.

Tapos tinitigan ko ang cellphone ko.

Napabuntong-hininga ako.

Hindi pa rin nagte-text si Enzo.

Nakailang text na ako sa kanya bago kami umalis ni Franz doon sa mall at habang nasa biyahe ako pauwi. I was really worried, and I felt guilty at the same time...

After ng meet-up namin ni Enzo, ay mali, nila pala ng bespren ko... I really messed up.

And I felt really bad about myself.

Feeling ko ang sama-sama ko. Feeling ko sobrang unfair ko sa kanya.

Nope. I should say I'm being so mean to him.

Alam ko naman 'yon eh, pero anong gagawin ko? 

Hindi ko talaga kayang makipagkita at magpakilala sa kanya. Hindi ako ready at wala talaga sa plano ko ang gawin 'yon.

Hayst...

Julien, ang bad mo!

Kanina, sobrang takot at kaba talaga ang naramdaman ko. To think na baka nabisto niya kami sa kalokohang ginawa namin ni Franz. Na baka nagkaroon siya ng hint o idea na hindi ako ang nakaharap niya.

Pero wala namang nangyaring ganoon.

Natapos ang "deal" namin ni Sakris nang walang aberya o kapalpakan sa plano ko.

Pero imbes na magpasalamat at kahit paano'y mabawasan man lang ang worries ko, pakiramdam ko mas nadagdagan lang.

Yung nangyari sa meet-up nila Enzo at ng bespren kong si Franz, sandali lang. Siguro wala pang twenty minutes, nagkahiwalay na silang dalawa sa Timezone.

Nagkuwentuhan lang daw sila sandali at pagkatapos noon, nagpaalam na agad si Enzo sa kanya. Wala naman daw itong sinabi na dahilan.

Hindi na lang siya tinanong ni Franz kasi pabor naman iyon sa kanya. After all, there was no need for her to keep pretending to be me.

Kaso, nagtataka talaga ako.

Hindi naman ganoon ang napag-usapan namin sa phone kahapon.

Nagplano pa kami na magkukuwentuhan habang umiikot sa mall. Tapos kakain kami sa fast food dahil pareho naming gusto ang fries at float doon.

Napapaisip tuloy ako...

Ano bang posibleng dahilan kung bakit umalis siya agad?

Noong di sinasadyang nagkabanggaan kami kanina, iyon daw ang mismong oras na nagpaalam na si Enzo sa kanya.

Tapos si Franz naman, tulad ng napag-usapan namin, dumiretso na sa food court.

At ang dahilan kung bakit hindi ko siya ma-contact kanina?

Nalowbat pala ang phone ko.

Wrong timing naman talaga!

Halos mamatay na ako sa takot at kaba noong hindi ko ma-contact si Franz. Mabuti na lang at nagkita rin kami.

Nakitawag siya sa e-load booth sa mall tapos pinacharge na rin niya ang cellphone ko doon sa shop.

Grabe lang...

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon