VI [Fall For You]

2.7K 86 17
                                        


VI. FALL FOR YOU



Linggo ng Pagkabuhay ngayon, o Easter Sunday. Grabe, nakakapagod... ang sakit ng mga paa ko.  Ang haba kasi ng nilakad namin kanina sa prusisyon, pero sulit naman ang pagod ko dahil nakita ko ulit si Willson.

Nasa bandang harapan kasi kami ni Mama pumuwesto. Nakasunod kami doon sa karong may sakay na santo, at nasa tabi naman noon ang mga sakristan.

At andoon si Will!

Tapos kanina, nakisindi pa siya ng kandila sa kandila ko!

Uwuuaaaaah! Kinikilig talaga ako!

How I wish na tumigil na lang sana ang oras noong moment na 'yon!

Goodness!

Super buo na ang linggo ko for one month!

Haha!

Ang OA, pero basta ang saya-saya ko ngayon!

Once in a blue moon lang naman kasi mangyari 'yon, no!

Wait...

Parang hindi ko yata nakita si Enzo kanina?

Uhm...

Pero nag-text siya sa akin na papunta raw siyang church ngayon eh.

Mai-text nga yung mokong na 'yon.

Pero bago ko pa man ma-send ang text ko sa kanya, nauna na siyang mag-text.

Kaya binasa ko agad.

SAKRIS: Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

So andoon din pala siya kanina?

Hindi ko kasi siya nakita.

Wait, replayan ko nga muna 'to.

AKO: Luma na yan kasabihan mo. Alam mo bang may new version na nyan?

Sa halip na kamustahin o tanungin ko siya, yan ang naitext ko. Masample-an nga ulit 'to ng banat lines.

SAKRIS: Anong new version?

AKO: Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa bahay pa rin ang pahinga! xD

Natawa na lang ako pagkasend ko niyan.

Waley!

SAKRIS: You know what... you made me laugh.

Huh?

Parang hindi naman sarcastic yung text niya pero...

Hindi nga? Natawa siya doon?

Seriously?

Natawa rin tuloy ako.

Hindi doon sa korni kong joke, kundi sa text niya. Meaning, mas mabenta pa yung jokes ko kaysa kay Pader?

AKO: Haha! Waley kaya! But I'm glad na napatawa kita. ^_^

SAKRIS: Actually, you always did. Thanks ha.

Pagkabasa ko niyan, napangiti na lang ako.

Kung totoo mang napapatawa ko siya... not once, but always... mas lalo akong natutuwa.

Ewan ko ba.

Pakiramdam ko kasi, malungkot siya palagi.

At dahil hindi ko siya madalas nakikitang ngumiti, hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang hitsura niya sa mga sandaling napapangiti siya.

..

..

Ngayon, kasama na sa daily routine ko ang pakikipag-text dito kay Sakris. Halos oras-oras na yata kaming magkausap. Lalo na kapag weekend, kahit nga pareho kaming nasa school, nagkukulitan pa rin kami sa text.

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon