VII. RENDEZVOUS
Sembreak na namin ngayon... pero lutang pa rin ako sa mga kaganapan sa buhay ko nitong mga nakaraang linggo.
At dalawang magkasunod na Linggo na rin na hindi ko nakikita si Sakristan Will dahil sumasabay ako kay Mama magsimba sa umaga.
Kaya no happiness, no inspiration, and no energy ako ngayon.
Simula kasi noong nag-confess sa akin si Enzo, iniiwasan ko muna siyang makita. Naguguluhan din kasi ako.
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.
At sa totoo lang, hindi ko rin alam ang gagawin ko doon sa deal naming dalawa.
Simula pa lang, wala talaga sa plano ko ang magpakilala o magpakita sa kanya. Hindi ko 'to napaghandaan at hindi ko rin in-expect.
Malay ko bang made-develop sa akin yung totoy na 'yon.
I admit, noong una, may hidden agenda ako sa kanya.
Pero habang tumatagal, ginusto ko na rin siyang maging kaibigan at hanggang doon lang 'yon.
Yung makipagkita sa kanya?
Never ko naisip o naimagine man lang 'yan sa isip ko.
Enough na sa akin yung magkatext lang kami at hindi niya ako kilala.
Kahit na alam kong unfair 'yon sa side niya.
Pero anong gagawin ko?
Hindi talaga ako ready.
As in, hindi talaga!
At wala akong planong tumupad sa deal namin.
Huhu.
Sorry, Sakris...
I'm not ready to face you.
Not now...
And I don't know if I really can.
..
..
"Whoa! Franz! Super thank you talaga! Hulog ka ng langit sa 'kin!" tuwang-tuwang bulalas ko dahil napapayag ko rin ang bespren kong si Franchesca.
Nayakap ko pa siya sa sobrang relief ko. Feeling ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang pumayag siya sa napakalaking pabor na hiniling ko sa kanya.
"Naku, Julien! Pasalamat ka at bespren kita, dahil kung hindi... hinding-hindi ako papayag na mag-disguise na ikaw diyan kay Sakris na 'yan," sabi ni Franz.
Alam ko namang nakulitan lang siya sa 'kin kaya napilitan siya, pero alam ko rin namang hindi niya ako matitiis.
Kaya nga siya agad ang naisip kong lapitan para magpanggap bilang ako kay Sakristan Enzo.
Yeah, that's my plan.
Since wala talaga akong balak magpakilala kay Enzo o magpakita, naisip kong imbes na ako, si Franz ang haharap sa kanya.
Let's see kung maramdaman niya pa yung same heartbeat na sinasabi niya.
Alam ko... ang bad nitong naisip ko.
Pero anong gagawin ko?
I'm not ready to face him, and I will never be.
Lalo na ngayon na may feelings na siya sa 'kin.
Mas lalo akong ayokong magpakita sa kanya dahil hindi ko rin alam ang gagawin at sasabihin ko once na magkaharap kami.
Hayst...
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
Storie d'AmoreFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
