IV. CROSSROAD
Days had passed... naging instant textmate na kami ni Sakris Enzo a.k.a. WHO U. Ewan ko ba, habang tumatagal, parang nag-eenjoy na akong kausap siya kahit ang tipid-tipid niyang mag-text.
Palagi ko siyang kinukulit. In fairness naman, medyo humahaba na ang mga reply niya at sumasagot na rin siya nang maayos kahit medyo masungit pa rin. Ang dami ko na yatang naikuwento sa kanya, pero siya, hindi pa rin nag-o-open up tungkol sa sarili niya.
Hindi ko tuloy matanong si Sakristan Will tungkol sa kanya. Mas lamang kasi ang curiosity ko sa pagkatao niya... to think na pwede ko siyang makilala o makita nang hindi niya nalalaman.
Until one day, hindi ko inakalang malalaman ko kung sino talaga siya.
I was sitting on the bench. Katatapos lang ng misa at hinihintay ko si Mama dahil pinuntahan niya si Kuya doon sa tambayan ng mga sakristan. Hindi ako sumama kasi nahihiya ako. For sure, nandoon si Will. Tama na yung nasulyapan ko siya kanina... buo na ulit ang buong linggo ko.
Pero habang naghihintay ako, nakita ko si Will.
Hala!
Tumatakbo siya papunta sa direksyon ko.
Napayuko tuloy ako nang wala sa oras. To think na malapit lang si Will sa akin... uwuaah!
"Enzo!"
Natigilan ako nang marinig ko ang pangalang tinatawag ni Will.
Tinatawag niya si Enzo? Si Sakris 'yon ah?
At dahil sa kagustuhan kong makita at makilala ang Enzo na katext ko, dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at bumaling sa direksyong pinuntahan ni Will.
Nasa gate na sila kasama ang isa pang sakristan. Hindi ko pa gaanong maaninag ang mukha nito dahil sa nag-aagaw na dilim at liwanag sa labas ng simbahan. Second to the last mass kasi ang inattendan namin ni Mama para sa panggabing misa. Dahil medyo malayo naman ako, hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanila.
Napansin kong pabalik sila sa loob ng simbahan kaya kunwari ay tumingin-tingin na lang ako sa paligid. Sakto namang nakita ko si Mama na papalapit na sa akin.
"Hi, Tita!"
Nagulat pa ako nang batiin ni Will si Mama. Ngumiti naman si Mama sa kanya.
Napatingin din tuloy ako kay Will at sa kasama niya.
At mas nagulat ako nang makita ko ang mukha ng isa pang sakristan.
Sumulyap lang siya sa gawi ko bago muling naglakad pabalik sa simbahan.
Ako naman, napatitig lang.
Sandali...
Siya?
Siya si Enzo?
As in... siya talaga?
..
..
Nakatitig lang ako sa phone ko. Hindi ko alam kung ite-text ko pa ba itong si Sakris. To think na si Irap Boy at siya ay iisa lang.
Naku, paano kaya kapag nalaman niyang ako yung katext niya? Iisipin na talaga noon na admirer niya ako.
Duh!
Hindi ko naman inakalang siya 'yon eh. Sa dinami-dami naman kasi ng nawrong send-an ko, sa kanya pa. Sana kay Willson na lang! Ayst!
Pero para sure na hindi niya ako makikilala, dapat i-delete ko ang number ko sa phone ni Kuya. Baka kasi accidentally or intentionally makita niya pa yung number ko sa phone ni Kuya. O kaya si Kuya ang makakita.
Hindi imposible 'yon dahil magkasakristan sila. Naghihiraman sila ng phone.
Uwuhaaaaa!
No! No! Hindi pwede!
Hindi ko pa nga nagagawa ang hidden agenda ko!
Isa sa naisip kong solusyon ay hiramin ulit ang phone ni Kuya at i-delete ang number ko roon. Bahala na. Hindi naman kami madalas mag-text ni Kuya. Memorize din naman niya ang number ko.
So okay lang.
Bwahahaha!
Pagkatapos kong malaman kung sino talaga si Sakris Enzo, wala naman nagbago. Maliban lamang doon na alam ko na kung sino siya. Everyday pa rin kaming magkatext. Usual, tipid at masungit pa rin siya.
Well, actually... pamilyar naman talaga sa akin ang totoy na 'yon. Kasi yung subdivision na sa tingin ko ay doon siya nakatira, katabi lang ng terminal ng jeep papunta sa school ko. Kaya madalas, nakakasalubong ko siya kapag papasok siya sa school.
Oo, alam ko ang school niya dahil yung uniform niya ay kapareho ng sa Catholic School kung saan kami nagsisimba. Walking distance iyon mula sa terminal kung saan ako sumasakay.
At ewan ko... kung pamilyar man ako sa kanya, mas mabuti nang hindi para clueless siya na ako ang katext niya.
The next day, nagkasalubong na naman kami.
Nakita ko siya nang palabas na siya ng subdivision nila habang ako naman ay naglalakad papunta sa terminal.
This time, nag-chin up ako at diretso lang ang tingin hanggang sa magkrus ang mga landas namin.
Yung totoo?
Kahit noon pa, ayoko talagang napapatingin sa mga mata niya kasi ang sama niya talagang makatingin. Nakakatakot.
He has deep, rounded eyes.
Although hindi ko naman talaga iyon natitigan nang matagal, kakaiba talaga siya makatingin. Tapos palagi pang seryoso ang mukha niya.
Galit ba siya sa mundo?
Tsk.
Nadagdagan na naman tuloy ang curiosity ko sa kanya.
Ang hirap niya kasing basahin. Sobrang misteryoso at napakasuplado. Kahit nga sa paraan ng pagte-text niya, napakatipid at pormal.
Minsan nga, naiisip ko na baka naiinis na rin siya sa akin.
And I don't know...
Silent type naman ako, pero kapag siya ang katext ko, nagiging madaldal ako. Kahit hindi siya nagtatanong, ako pa ang kusang nagbubukas ng topic.
In fairness naman sa totoy na 'yon, kahit ang tipid niyang kausap, nagrereply pa rin siya sa walang katapusan kong mensahe.
Hahah!
AKO: Good morning, Enzo!
Tinext ko kaagad siya pagkasakay ko ng jeep. Wala pang dalawang minuto, nagreply na siya.
SAKRIS: Good morning too, Jhassy. :)
Napakurap ako at binasa ulit ang text niya.
What the?
Himala?
Hindi na siya naka-caps lock ngayon ah. At take note! May smiley pang kasama!
Hahah!
Akalain mo?
Marunong naman pala siyang gumamit ng emoticon.
AKO: Wow! Good mood yata tayo ngayon, tsong ah? Anong meron? ^_^
Hekz!
Sinimulan ko siyang tawaging "tsong" dahil trip ko lang noong una, pero hindi naman siya nag-react kaya nakasanayan ko na.
That means tropa na kami.
SAKRIS: Nakita ko kasi yung crush ko kanina.
AKO: Ah, kaya naman pala. Uy, binata na ah. Haha. Ayos 'yan, tsong! Sana pala palagi mo na lang nakikita crush mo para good mood ka palagi. ^_^
SAKRIS: Yeah, 'yan din wish ko. Haha.
Uy.
May "Haha" pa?
Good mood talaga siya ah.
Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Napatingin pa sa akin yung katapat kong pasahero sa jeep.
Kahiya tuloy!
Naramdaman kong nag-vibrate ulit ang phone ko.
Nagtext ulit siya.
Maganda yata talaga ang gising niya.
Ano kayang inalmusal nito?
In fairness naman, medyo improving na siya ngayon, huh?
SAKRIS: Do you believe in love at first sight?
Huh?
Ano daw?
AKO: Ha? Bakit?
SAKRIS: Oh gusto mong dumaan ulit ako?
Binasa ko ulit ang text niya habang naglalakad papasok ng campus namin.
Ang weird nito ah.
Hindi kaya nawrong send lang siya?
Maya-maya, nagtext ulit.
Grabe... himala talaga 'to!
SAKRIS: Okay ba? Banat line ko 'yan para doon sa crush ko. ^_^
AKO: Ah, okay. Haha! Ang corny, tsong, pero pwede na. ^_^v
SAKRIS: Tss... ge na, simula na first class ko.
Tingnan mo tong batang 'to.
Ang pikon!
Todo pigil ako para hindi matawa.
Ang weirdo rin pala ng isang 'yon.
Haha.
AKO: Okay, nasa school na rin ako. Aral mabuti. ^_^
Hindi na siya nagreply.
Pero parang nakakakita na ako ng liwanag!
Unti na lang, Julien!
Maisasakatuparan mo rin ang hidden agenda mo sa kanya!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Sakristan Will on the media box🔝
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomanceFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
