XV. WHATEVER IT TAKES
Mabilis na lumipas ang panahon.
Graduate na ako ng college, at graduate na rin si Enzo... sa high school.
Nakabalik na rin si Ate Katie sa Australia matapos ang one-month vacation niya rito sa Pilipinas.
So far, wala pa namang balita si Ate tungkol sa pagpo-process ng visa ko. Mukhang matagal pa yata bago iyon lumabas, kaya hindi ko na rin muna sinabi kay Enzo. Kahit ako naman, hindi ko muna iniisip 'yon. Ang tanging concern ko ngayon ay ang makahanap ng trabaho.
Ilang buwan na akong tambay—panay apply, interview-exam dito, exam-interview doon. Unti-unti na rin akong napu-frustrate dahil halos lahat ng mga kabatch ko, may trabaho na yata. Ako na lang ang wala.
Sina Mitchie at Franz, pagkatapos ng graduation namin, sabay na tinawagan ng magkaibang kumpanyang pinagpasahan namin ng résumé noon, kaya employed na sila ngayon. Si Eriel naman, tulad ko... nganga pa rin.
Kaming dalawa na lang ang napag-iwanan, kaya kami na lang din ang magkasamang nagjo-job hunt nitong mga nakaraang buwan.
Nagsimula na rin ulit ang school year.
College na si Enzo at nag-aaral na siya sa Ateneo de Manila University, kumukuha ng kursong Computer Engineering.
Medyo mahirap ang course niya. More on math and science kaya para sa'kin, parang torture na agad. Pero sa kanya, mukhang okay lang. Nag-e-enjoy naman daw siya.
At dahil college na siya, naging mas busy na rin siya sa school. Freshman pa lang kaya full units ang subjects niya. Minsan, gabi na rin siya nakakauwi, lalo na kapag whole day ang klase.
Since sa Manila na siya nag-aaral, mahaba rin ang biyahe niya papasok at pauwi. Paminsan-minsan, may gigs pa rin sila ng mga kabanda niya. Kahit graduate na sila ng high school, tumutugtog pa rin sila kapag hindi masyadong busy sa school.
At every Sunday, nagsi-serve pa rin siya sa Mass na ina-attendan namin ni Mama, kaya madalas ko pa rin siyang makita.
Things keep on changing every single day... but one thing still remains the same.
Instant textmates pa rin kami ni Sakris.
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin sinasabi ang totoong nararamdaman ko para sa kanya, kahit madalas siyang magpalipad-hangin sa mga text niya.
Alam kong gusto niya lang i-express ang feelings niya para sa'kin. At aaminin ko... sa bawat palipad-hangin niya, hindi ko maitatangging kinikilig ako.
Hindi ko rin mapigilang ngumiti.
Minsan nga, nahuhuli pa ako nina Mama at ng mga kapatid ko. Ang palusot ko na lang, may nabasa akong nakakatawang quotes.
Palusot mo, Julien.
Ayoko namang isipin nila Mama na may love life na ako.
Oo, in love ako...
Pero walang love life.
Akalain mo, posible pala 'yon?
Hay, buhay.
But seriously...
Wala pa rin talaga iyon sa isip ko ngayon.
There are a lot of things on my mind.
Bata pa ako... at mas bata pa si Enzo.
Willing naman siyang maghintay sa'kin. Kahit alam kong sobrang unfair nito para sa kanya dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagpapakita o nagpapakilala.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomansaFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
