A/N: This is the Finale. THE END! This is Enzo's POV. THANK YOU so much for reading MR. SAKRISTAN. I'm so happy and proud na natapos ko to. Enjoy reading the last page! ^_^
SONG: REALIZE by Colbie Caillat. - You can play the song while reading. - MV on the side >>>>
EPILOGUE - MR. SAKRISTAN
First Sunday. First Mass of Simbang Gabi.
It always reminds me of the first time I became an altar server, or commonly known as SAKRISTAN.
I was nine years old and in the third grade when my mom asked me to join the new batch of altar servers after I received my First Holy Communion. She was a member of the parish committee and a commentator, kaya palagi siyang nasa simbahan at ako ang palagi niyang sinasama tuwing nagpupunta siya roon.
Noong una... aaminin ko, ayoko talaga maging altar boy dahil tamad akong gumising nang maaga, at ayoko rin ma-expose sa maraming tao kapag nasa harap ng altar.
Pero wala na akong nagawa noong pinaregister ni Mama ang pangalan ko para maging Sakristan.
But later on, I started to enjoy it. Serving at the foot of the altar is an incredible privilege. Sa simpleng paraan, I can serve God and feel blessed every time I serve at His sacred altar.
Although, at first... I thought na madali lang ang maging Sakristan, base sa kung paano ko siya nakikita noon. Pero nang nasa altar na ako at madalas humaharap sa maraming tao, doon ko lang na-realize na it was not easy at all.
Ang daming rules, bawal magkamali, palagi din dapat alerto, at higit sa lahat, sobrang limitado lang din ang kilos namin kapag nasa altar.
I remember the incredible anxiety I had the first time I set foot on the altar dahil sa unang assignment ko pa lang, ako agad ang naatasang mag-ring ng sanctus bells.
Sobrang kaba ko noon na baka mapatunog ko iyon nang wala sa timing. Halos punong-puno pa naman ang buong simbahan dahil unang araw ng Simbang Gabi, so I was afraid na magkamali habang nagsisilbi at nasa harap ng altar.
But thank God, natapos ang buong misa na hindi naman ako nagkamali.
Katatapos ko lang mag-serve. Bago kami umuwi ni Mama, inutusan niya akong magsindi ng kandila sa candle room. Pinauna niya na akong magpunta roon dahil hinanap niya pa si Manang, yung suki niyang nagtitinda ng sampaguita.
Pagkapasok ko sa loob, naghanap kaagad ako ng bakanteng mapagsisindihan ng kandila, at doon sa bandang dulo ko napiling magsindi.
Pagkasindi ko sa tatlong kandilang dala-dala ko, I closed my eyes and I prayed with my hands on my chest.
"Papa God... thank you po talaga! Naging perfect na naman ang Sunday ko dahil nasulyapan ko ulit siya. Kahit saglit lang iyon, buo na po ang buong linggo ko. Ang saya! Sana po, next Sunday, ganito ulit... hihihi!"
I raised my eyebrow after I heard it. I glanced to the side with my half-open eyes.
Isang batang babae ang nakita ko sa tabi ko.
Maputi siya, may pagkakulot ang buhok sa ibaba, at medyo mas matangkad lang siya sa akin ng kaunti. Kaya una akong napatingin sa mukha niya, nakapikit ang mga mata at ngiting-ngiti habang nagdarasal siya.
Iminulat ko nang maayos ang mga mata ko just to see her face na nakaside view sa akin.
I don't know why, but at that moment... napatitig lang ako sa kanya hanggang sa unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomanceFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
