XII. HEARTBEAT
Anong oras na, nandito pa rin ako sa terminal ng jeep.
Pakiramdam ko nga, inalikabok at tinubuan na yata ako ng ugat sa kakahintay ng masasakyan.
Hay naku...
Kung kailan pa talaga Lunes, saka pa napiling mag-strike ng mga jeepney drivers.
Sinipat ko ang suot kong relo.
Mag-aalas otso na.
Trenta minutos ang biyahe papunta sa On-the-Job Training ko, at dapat saktong 8:30 nandoon na ako. Kaso hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako ng masasakyan.
Marami na rin kaming naghihintay rito, pero halos lahat ng dumadaang jeep ay punuan na.
Mukhang malalate na talaga ako. Kung kailan pa naman naghahabol ako ng hours of duty para matapos ko nang mas maaga ang OJT ko.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Naglakad ako paalis ng terminal. Mukhang wala na talaga akong pag-asang makasakay roon. Wala namang pumipilang jeep dahil strike nga, 'di ba?
Tsk.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating sa tapat ng simbahan. Baka sakaling mas madaling makasakay roon, kaya doon na lang ako naghintay.
Habang naghihintay, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng uniform blouse ko.
Walang nag-text.
Walang text si Enzo.
Nag-good morning lang siya kanina, tapos nang mag-reply ako, hindi na siya ulit nag-text. Usually kasi, bago siya umalis ng bahay papuntang school, ina-update niya pa ako na paalis na siya o kaya nasa school na.
Pero ngayon...
Wala.
Yung mokong na 'yon talaga. Nagmamadali na naman siguro dahil late na siya.
Huli kong text sa kanya, "OTW to OJT na 'ko," habang nasa tricycle pa ako palabas ng compound namin. Thirty minutes ago pa 'yon.
Naku, kung alam mo lang, Enzo... inabot na ako ng siyam-siyam dito sa kalsada kakahintay ng jeep na masasakyan.
Imbes na mainip sa kakahintay, tinext ko na lang siya.
Wala talagang update ang mokong, huh?
Sumulyap ako sa loob ng gate na pinapasukan ng mga estudyante sa school nila.
Nandoon na kaya siya?
Panay ang lingon ko sa kalsada, baka sakaling may dumaan na jeep.
Sana naman... meron na. Super late na talaga ako.
AKO: Good morning ulit. Uy, Tsong, nasa school ka na ba? Ako heto... hindi pa rin nakakasakay. Mukhang mas nauna ka pang makarating sa school kaysa makasakay ako ng jeep. xD
Pagka-send ko pa lang ng message, napalingon ulit ako sa gate ng school nila.
At doon ako natigilan.
Kasi...
Pagtingin ko sa unahan, nakita ko si Enzo.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Uwuaaaaaaah!
Oo, siya nga.
Medyo malayo pa siya nang una ko siyang maaninag na naglalakad papunta sa direksiyong kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomanceFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
