XIV [Unexpected Things]

2.5K 68 14
                                        

XIV.  UNEXPECTED THINGS



Free cut namin ngayon. Nakasalampak akong nakaupo sa hallway kasama ang mga kaklase ko. May group study kami para sa susunod naming exam sa isa naming major subject.

Kanina ko pa nararamdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa loob ng bag ko, pero dahil abala kami sa pagre-review, hindi ko muna pinansin. Sigurado akong si Enzo na naman ang nagte-text. Wala na sigurong magawa ang totoy na 'yon kaya panay na naman ang pagfa-flood ng messages sa akin. Palibhasa kasi, wala na silang klase ngayon at graduation march na lang ang pinagkakaabalahan niya.

Habang ako...

Heto, dinudugo pa ang utak sa kakaaral.

This week is our final hell week in school.

Final exams namin ngayon kaya kailangan kong mag-focus dahil dito nakasalalay ang scholarship ko.

Yes, consistent scholar ako.

When I entered the university, I got the chance to qualify for a scholarship. I'm not totally active in class, and I'm not that smart... masipag lang talaga akong mag-aral dahil kailangan.

Malaking tulong din kina Mama at Papa ang scholarship ko, lalo na't nagkasabay-sabay ang gastusin sa pag-aaral naming magkakapatid. Kaya sobrang saya nila nang malaman nilang naging iskolar ako.

Yun nga lang, every end of the semester, palagi akong kinakabahan tuwing releasing na ng grades. Pero sa awa ng Diyos, sa apat na taon ko sa kolehiyo, nagawa kong i-maintain ang grades ko.

Hindi ko na pinangarap magkaroon ng Latin honors.

All I need to do is keep my scholarship until I finish college.

Kailangan ko lang talagang magsunog ng kilay.

The more I studied and worked hard to maintain my grades, the more they improved. 

And I'll always be grateful to God for that.

Hindi man ako kasing talino ng iba, pero nairaos ko ang apat na taon ko sa kolehiyo na magaganda ang mga marka.

Yung totoo?

Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit palagi akong nagsisimba tuwing Linggo.

Palagi kong ipinagdarasal na bigyan Niya ako ng sipag at tiyaga sa pag-aaral.

At si Sakristan Will?

He's my inspiration.

Seeing him every Sunday always brightens my entire week. Nakaka-good vibes kasi ang smile niya.

Eh, how about Enzo, Julien? my mind suddenly asked.

Napangiti ako.

Ewan ko ba... sa tuwing naiisip ko si Willson, bigla na lang sisingit si Enzo. Then my mind would always ask me the same question.

And honestly...

Hindi ko sila mapagkumpara.

Pareho silang sakristan, pero magkaiba ang epekto nila sa akin.

Kung si Will, he makes my Sundays perfect and inspires me for the entire week.

Si Enzo naman...

He always makes my day.

It never feels complete without talking to him or receiving even just one text from him.

Siguro dahil palagi kaming magkausap, nasanay na ako na sa tuwing magri-ring o magvi-vibrate ang cellphone ko, alam ko nang siya 'yon.

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon