XVII [For The First Time]

2.8K 80 16
                                        


XVII.  FOR THE FIRST TIME






It's just another Sunday... pero ito ang FIRST SUNDAY na magsisimba ako...

with SAKRIS!

OMG!!!!!! Is this for real?

I mean... is this really happening? As in, for the first time... magkasama kaming magsisimba?

Thinking that makes me...

Kayaaaaaah!

Nakakahiya, pero kinikilig talaga ako. Lalo na kapag ini-imagine kong magkikita kami mamaya, tapos... tapos... ngingitian niya ako doon sa harapan!

Hindi ko na sinabi kay Enzo na madalas akong magsimba tuwing Linggo. Hindi rin naman siya nagtanong noong meet-up namin last time. Feeling ko nga... pamilyar na talaga ako sa kanya dati pa. Sa tagal kong nagsisimba, imposible namang ni minsan o kahit isang beses hindi niya ako nakita.

Eh inirapan niya pa nga ako dati, 'di ba?

Hahah!

After that day... wala naman talagang nagbago sa aming dalawa, especially sa kanya.

Akala ko noon, once na magkaharap na kami... once na makilala niya na ako, maraming magbabago. Pero normal pa rin ang lahat. Magka-text pa rin kami palagi, asaran, kulitan, batuhan ng pick-up lines, at kwentuhang walang katapusan.

Kapag pareho kaming hindi busy, siya pa ang laging tumatawag sa akin. Tinawagan ko rin naman siya minsan, kaso kino-cancel ng mokong! Tapos siya rin ang tatawag sa akin pagkatapos, para raw hindi masayang ang load ko.

He's so stubborn. May ganito pala siyang side.

Sa tingin ba niya, sa ginagawa niyang pagkansela ng calls ko, hindi rin nasasayang ang load niya? Ang tagal pa naman naming mag-usap. Baka mamulubi siya kakatawag, kahit alam ko namang may network subscription plan siya.

But still...

Ayoko pa rin na sobra siyang gumastos sa load. Nag-aaral pa siya at umaasa pa rin sa allowance na binibigay ng parents niya. Isa pa... hindi naman 'kami' para pag-aksayahan niya ng load.

"Julien!"

Nagbalik ako sa ulirat no'ng marinig ko ang pagsigaw, este, pagtawag ni Mama mula sa ibaba ng bahay namin.

Lumabas ako ng kuwarto at sumilip sa may hagdan para magkarinigan kami nang maayos.

"Po?" sagot ko.

"Magsisimba ka ba?" tanong niya habang nakatingala sa akin.

Nasa mesa siya at naghihiwa ng mga gulay para sa hapunan namin mamaya.

"O-opo, Ma. Bakit po? Magsisimba ka rin ba... ulit?" kabado kong tanong.

Nakapagsimba na si Mama kaninang umaga. Baka maisipan niyang samahan ako dahil mag-isa lang ako.

OMO!

Kapag nagkataon... mauudlot ang 'FOR THE FIRST TIME' ko!

Hoy, Julien! Ilusyonada ka na naman! Anong mauudlot? Anong magkasamang magsisimba? Nakalimutan mo na bang sakristan si Enzo? Syempre magsi-serve 'yon. At doon siya sa harap ng altar. Hindi siya uupo sa tabi mo. Kaya huwag kang assumera dyan! Mag-isa ka lang magsisimba! my mind said.

Napasimangot ako.

Sabi ko nga.

"Hindi. Nakapagsimba na ako kanina. Ikaw? Ano ba talaga ang balak mo? Magsisimba ka ba o hindi?" tanong ulit ni Mama.

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon