IX [Ordinary Day]

2.7K 84 5
                                        

IX. ORDINARY DAY



It's been a month since that day... na huli kaming nagkausap ni Sakris Enzo.

Pagkatapos non, tuluyan nang nawala ang communication naming dalawa. He didn't even text me, at hindi ko na rin siya tinext. Kahit minsan, kating-kati na yung mga kamay kong magtype ng message para sa kanya, pero sa huli, hindi ko naman mai-send.

Ang dami na ngang nakaimbak sa draft ko. Lahat, mga text na para sana sa kanya.

Ewan... nasanay na rin siguro ako na halos araw-araw kaming magkausap at nagpapalitan ng text messages.

Last time nga, kamuntikan ko na naman siyang mai-text. I-update ko sana siya tungkol sa upcoming U-Week o University Week namin sa school. Sa sobrang excited ko, nakalimutan ko na...

Oo nga pala.

Hindi na kami magkatext ngayon.

Kinansela ko kaagad. Buti na lang din at wala akong load that time, dahil kung hindi, for sure, naisend na yun sa kanya.

Kaya simula non, hindi na rin ako nagpapaload. Mahirap na, at least kung ma-text ko man siya dahil nakalimot na naman ako, hindi rin mase-send dahil wala akong load.

Linggo na naman ngayon.

Syempre, excited ulit ako dahil maya-maya lang, makikita ko na naman si Sakristan Willson!

Normal na sa'kin yan. Siya naman talaga yung isa sa mga dahilan kung bakit nabubuo ang buong linggo ko. Kahit umulan o bumagyo, magsisimba at magsisimba pa rin ako para masilayan siya.

He's my inspiration, my happiness, and the reason why my Sundays always feel perfect.

Sa ngiti pa lang niya, buo na agad ang seven days a week ko.

Mag-isa lang akong nagsimba ngayon.

As usual, doon ako naupo sa pwesto namin ni Mama sa gitna, bandang unahan.

Napangiti agad ako nang marinig ko ang tunog ng kampana, hudyat na magsisimula na ang misa. Kasabay non, nagsimula na ring umawit ang choir.

Isa-isa nang naglakad papunta sa altar sila Pader.

Nangunguna ang commentator na may hawak ng Bible, kasunod ang mga lay ministers, tapos ang grupo ng mga sakristan.

I secretly smiled nang tumapat sa pwesto ko si Will.

Sumimple ako ng sulyap sa kanya. Magkalinya sila ni Kuya kaya hindi halatang siya talaga ang tinitingnan ko.

Pagkalagpas nila, yung ibang sakristan naman ang sumunod, at si Pader na ang pinakahuli hanggang makarating silang lahat sa altar.

Yung ngiti ko, bahagyang nabawasan.

Wala na naman siya...

There's a part of me na nalulungkot kasi hindi ko na masyadong nakikitang nagseserve si Enzo.

Ilang linggo ko na rin siyang hindi nakikita sa misa na ina-attend namin ni Mama dati, yung 6 PM mass.

I'm not sure kung hindi na ba siya nagseserve o baka nagpalit lang siya ng schedule. Baka morning o afternoon mass na siya ngayon.

Nasa kanila naman kung anong oras nila gustong magserve.

Tulad ni Kuya, minsan sumasabay siya kay Mama magsimba sa umaga. Kaya minsan, mag-isa na lang din akong nagsisimba sa evening mass.

Wala naman na si Enzo, at hindi na rin kami magkatext kaya hindi na rin ako naiilang.

Although, I admit...

Mr. SAKRISTANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon