XIX. BEAUTIFUL GOODBYE
Dahil sa kakaisip ko sa pinag usapan namin ni Sakris kagabi, hindi ako agad nakatulog. Paulit ulit kong inalala ang bawat sinabi niya, pati ang dahilan kung bakit niya ako gustong makipagkita. Kaya ang ending, napuyat ako at tinanghali pa ng gising!
Napabalikwas agad ako ng upo sa kama nang makita ko ang wall clock. Pasado alas diyes na ng umaga!
Shet!
Naalala ko, magkikita pala kami ngayon ni Enzo sa park ng 10:00 AM sharp! Anong oras na? Kakagising ko lang!
Taranta akong tumayo at mabilis na tinungo ang pinto palabas ng kwarto para maligo.
Ugh! Paano ko nagawang makatulog nang mahimbing gayong iyon ang laman ng isip ko buong magdamag? Huhuhu! Sa kakaisip ko sa dahilan kung bakit niya ako niyayang makipagkita sa park, pati na rin sa lahat ng sinabi niya sa akin kagabi.
Sa totoo lang, hindi ko pa rin gets ang dahilan niya. Galit pa rin ba siya sa akin? Anong gagawin namin sa park? Mag uusap? Or is it for closure?
Nyeak! Closure?
Hindi naman kami at never naging kami para magkaroon ng gano'n.
O baka...
Ito na talaga ang huling pagkikita namin.
Ay, ewan! Hindi ko rin talaga alam. I'm so clueless!
Pero ang importante ngayon, makikita at makakausap ko ulit si Enzo.
After fifteen minutes, nakapag-ready na ako. Mabilisan lang ang ligo at pagbibihis ko. Pagkatapos, umalis na agad ako ng bahay.
Nagtaka pa si Mama nang umalis akong hindi man lang nag-almusal. Sinabi ko na lang sa kanya na may bibilhin akong gamit na dadalhin ko bukas para wala nang masyadong tanong at paliwanagan pa. Late na rin kasi ako sa oras na sinabi sa akin ni Enzo.
Medyo natagalan pa ako sa pagsakay ng tricycle. Nagkataon pa na wala masyadong dumadaang pampasaherong sasakyan sa kanto namin, kaya ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakasakay.
Hayst!
Nandoon na kaya si Enzo sa park?
O baka kanina pa siya naghihintay.
Sana...
Sana hindi pa siya umalis.
Malamang! Ten o'clock sharp ang sinabi niyang oras, pero thirty minutes na akong late!
Hinagilap ko agad ang cellphone ko sa bag para tingnan kung nagtext na ba siya, pero wala pa rin akong natatanggap kahit isang mensahe mula sa kanya. Walang update, at hindi rin siya nagtanong kung bakit wala pa ako o kung bakit late ako.
I sighed.
I-text ko na nga lang siya. Baka akalain niyang hindi ko na siya sisiputin.
AKO: Good morning, Tsong! On the way pa lang ako. Pasensya ka na, medyo tinanghali kasi ako ng gising. Ikaw? Nasa park ka na ba?
Pagkasend ko ng text, hindi siya agad nagreply.
Pababa na ako ng tricycle nang muli kong chineck ang cellphone ko, pero wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kanya.
Naisip ko sanang tawagan na lang siya. Baka hindi pa niya nababasa ang text ko o baka hindi niya lang talaga ito natatanggap. But I changed my mind.
Malapit na rin naman ako sa park. Konting lakad na lang at makakarating na ako roon.
Siguro naman, nandoon pa rin siya at hinihintay ako?
Kilala ko si Enzo. Hindi siya basta-bastang nang-iiwan. Hindi rin siya yung tipong aalis nang walang pasabi.
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN
RomanceFor Julien Gaelle, Sunday is the best day of the week. Not just because she gets to attend Mass, but because it's also the day she gets to see Sakristan Willson-her longtime crush. Seeing his smile is enough to brighten her entire week, and for the...
