Chapter 4 - A Conversation Between Wendy and Tink

142 4 0
                                    

Aliyah's P.O.V.

"Aliyah, pwede ba tayong mag-usap?," tanong sakin ng isang pamilyar na boses.

Inayos ko muna yung mga gamit ko sa locker. Pagkasara ko ng pinto nito ay hinarap ko si Sapphire. "Of course."

Pumunta kami sa Bubble Town para doon mag-usap. Isa itong masakit at mahabang usapan. She ordered Choco Milk Tea while I ordered a taro-flavored one. Luhan.

"I really am sorry, Aliyah. Alam kong boyfriend mo na si Luhan pero... M-mahal ko talaga siya. I want him by my side. But don't worry, Aliyah. The feeling is not mutual. Peter Pan can never love Tink. He loves Wendy. He loves you, Aliyah. You don't have to worry about me. I won't steal Luhan from you. Sayo siya masaya kaya masaya na rin ako para sa kanya. Please makipagbati ka na sa kanya," pakikiusap niya sakin. Luhan is very lucky to have someone like Sapphire by her side.

"Sa tingin mo, may pag-asa ba si Tinker Bell kay Peter Pan?," tanong ko kay Sapphire.

Sapphire's P.O.V.

Narinig ko kay Aliyah ang salitang pag-asa. Ang sakit! Sa tanong niya, parang sinasabi niya saking hindi pwedeng maging si Tinker Bell at Peter Pan. Hindi pwedeng maging kami ni Luhan. Tanggap ko naman yun noon pa. Pero ang sakit palang marinig yun mula sa iba. Mula sa taong minamahal ng taong mahal mo.

"W-wala," mahina at nakatungo kong sagot.

Umiling siya. "Sa tingin ko, meron."

"P-pinagseselosan mo ba ko, Aliyah? Magtiwala ka naman sana kay Luhan oh. Alam kong wala akong karapatang magsalita sayo ng ganito. But believe me, Luhan really loves you. There's no doubt in that. Ako ang naging saksi ng lahat ng paghihirap niya para sayo simula nung ligawan ka niya hanggang sa naging kayo. Mahal na mahal na mahal ka niya, Aliyah. Kaya please, wag mo naman siyang saktan ng ganto dahil hindi niya deserve." Nararamdaman kong malapit nang tumulo ang mga luha ko pero nagulat ako nang siya ang makita kong lumuluha.

Pinahid niya ang kanyang mga luha at sinubukang pigilan ang sarili sa pag-iyak. "Tama ka. Hindi nga deserve ni Luhan ang masaktan. It was a wrong move. I'm sorry. I'm awfully sorry especially to you, Sapphire."

Naguluhan naman ako sa mga sinabi niya at napailing. "Hindi ka naman dapat humingi sakin ng sorry."

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon