Chapter 5 - Peter Pan Knows

120 3 0
                                    

Luhan's P.O.V.

Ilang araw na ang nakakalipas. Ilang araw na simula nang mag-away kami ni Aliyah. Ilang araw na di kami nag-uusap. At ilang araw rin na pinili ni Sapphire maging isang stranger.

She told me everything will be fine. But after that, wala na kong narinig sa kanya. Wala akong natanggap na kahit ano mula sa kanya. Ni isang text message, wala. Ni isang ngiting magpapagaan ng loob ko, wala.

I hate you, Sapphire. Where are you when I need you?

Bakit nga ba ako umasa sa taong siyang dahilan ng aming pag-aaway? Mali. Dahil hindi nga pala siya ang tunay na dahilan.

Luhan, stop thinking about Sapphire. Si Aliyah ang mahal mo pero mahal ka pa rin ba niya hanggang ngayon?

From: Aliyah

Meet me at the coffee shop. 3pm.

---------

"Panahon na ba para sabihin mo sakin?," agad kong tanong nang maupo siya sa tapat ko. As much as possible, gusto kong matapos na ito kaagad. Ayokong patagalin pa ang paghihirap ko. Ayokong masaktan nang mas matagal. Hindi pa naman ako ganun katanga para hayaan lang yun.

"Ah... Umorder na muna tayo," sagot niya sakin at napatingin siya sa waitress na nagdala ng inorder ko kanina pa.

"Cappuccino, ma'am. And sir, your black coffee."

"Naka-order ka na pala." Nagawa niya pang ngumiti sakin. Aliyah, please don't make this any harder for me. "Kilala mo talaga ako. Thanks for the cappuccino!" And she took a sip from it.

Nakatingin lang ako sa kanya nang diretso at hindi nagsasalita. Ayoko siyang pangunahan. Gusto kong sa kanya manggaling ang lahat.

Aliyah's P.O.V.

Tahimik lang si Luhan. Napabuntong-hininga ako. Kailangan na niya itong malaman dahil bukas na ang alis ko.

Bakit ko pa pinatagal? Dahil hindi ko kayang makipaghiwalay sa kanya. Minahal ko nang sobra si Luhan at di ko kayang makita siyang nasasaktan.

Ilang araw kong pinag-isipan kung pano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Pero hanggang sa ngayong kaharap ko na siya, hindi ko pa rin alam kung pano ko ito gagawin.

Kaharap ko si Luhan. Kaharap ko ang taong mahal ako nang sobra at minahal ko nang sobra. Mas lalo lang akong nahihirapan kapag nakikita ko siya.

I bowed my head and released a heavy sigh. "Luhan, I'm leaving."

Hindi ako nakatanggap ng response sa kanya kaya napagdesisyunan kong iangat ang ulo ko para makita siya.

Pero sana hindi ko na lang ginawa. Lalo lang akong nakaramdam ng guilt nang makita ko siyang lumuluha.

He released a heavy sigh and tried his best to prevent himself from crying even more. "Tapusin na natin 'to," sabi niya sakin. "Ito naman ang gusto mo diba? Ang ako ang makipaghiwalay sayo." He smiled at me. It was a bitter one, as bitter as his black coffee. "Pero bago natin tuluyang tapusin ang lahat, may gusto lang akong malaman."

Hindi ko gusto kung san papunta ang usapang ito. "Alam mo na pala. So, narinig mo ang usapan namin ni Sapphire? Sana sinabi mo na lang agad para di na ko nahirapan diba?," pag-iiba ko ng usapan. Kainis na mga mata 'to! Hindi ba sila nagsasawang mag-produce ng luha?

Pinunasan niya ang mga luha ko. Luhan, don't. Hindi ko deserve ang matrato mo ng ganito. Palaki lang nang palaki ang guilt na nararamdaman ko. Napapikit ako sa mga naisip ko.

"Katotohanan lang ang gusto ko, Aliyah." He paused for a moment. "Ang pamilya mo. Ang long distance relationship. Yun lang ba talaga ang dahilan o..."

Tiningnan niya ko diretso sa aking mga mata. "O m-may m-mahal ka nang iba?"

Luhan's P.O.V.

Silence filled the atmosphere. Aliyah looked straight to my eyes. Kagat-kagat niya ang labi niya habang hindi tumitigil ang pagpatak ng mga luha niya. I knew it.

Weeks before kami mag-away nang magsimula ang nakakapanibagong pakikitungo sakin ni Aliyah. Noon pa lang, alam ko nang may mali. Alam ko nang may nagbago.

Hindi ko yun pinansin dahil ayokong mag-conclude. Umasa akong mali ang nararamdaman ko sa mga kilos niya. Umasa akong ako pa rin.

"Thanks for being honest, Aliyah!" Inilapag ko ang panyo ko sa harap niya. "Don't waste your tears for me. I'm not worth it. Remember that I'm the jerk here. Ako ang tumapos ng relasyon natin at hindi ikaw. Hangad ko ang kaligayahan niyo."

Pinilit kong ngitian siya sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Tumayo ako para umalis na sa coffee shop na iyon. Hindi ko kayang makita pa siya. Lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Lalo lang akong nasasaktan.

Nagsimula na kong lumakad pero tumigil ako sa tabi niya. Kailangan ko pa ring magpasalamat. "Thanks for the three wonderful years!"

And I left the coffee shop. At sa tingin ko ay di na ko muli pang babalik doon. Pumasok ako sa kotse ko. Hawak ko ang manibela habang tuluyan nang kumawala ang lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela

Hindi na niya ko mahal. San ba ko nagkamali? San ba ko nagkulang?

Pero sa kabila ng lahat ay nakaramdam ako ng konting saya nang malaman kong may mahal na siyang iba. Ibig sabihin nito ay minahal niya kong tunay. Dahil kung ang long distance relationship lang ang dahilan niya para itigil kung ano man ang meron kami, hindi ko iyon matatanggap.

Kung long distance relationship lang din, nararapat lang na ipagpatuloy namin. Mahirap man, nandito naman kami para sa isa't isa.

Pero hindi lang yun ang dahilan. May mahal na siyang iba.

Siguro nga ay panahon na. Panahon na para kalimutan ka, Aliyah.

"Sapphire..."

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon