Chapter 16 - Family Bonding

101 3 0
                                    

Sapphire's P.O.V.

Nakaupo lang ako sa swing habang nakikinig ng music. Hinihintay ko pa rin sina Kyung Soo. Time check: 12:34pm. Hay... Almost one hour na rin. Gutom na ko! Tiningnan ko si Luhan. Nakikipaglaro siya dun sa batang nagngangalang Ella. Yun daw yung batang binasahan niya ng Peter Pan sa library.

Nilapitan ko sila. "Kuya Luhan, I like you po. Crush po kita," rinig kong sabi ni Ella habang ngumingiti nang matamis. Aba! Karibal ko pala ang batang 'to. Tinawanan lang siya ni Luhan. Tss. Sinasabi ko sayo, Ella. Hindi tayo bati. Hindi ka nakasuot ng Hello Kitty ngayon gaya ng pagkakalarawan sakin ni Luhan noon sayo.

"They're not coming back, are they?," pagsingit ko sa kanila. Oo, nagseselos ako sa batang 'to. Bakit ba?

Napatigil sa pakikipaglaro si Luhan. Napatingin naman sakin si Ella. "Sino po, ate?," tanong sakin ni Ella.

Lumuhod ako gaya ni Luhan para ka-level ko lang si Ella. Nginitian ko siya. "Our friends." Hindi ko pinaplastik 'tong bata ha. Alangan namang malditahan ko 'to dahil lang sa crush niya rin si Luhan. Puh-lease. I'm not immature saka cute naman si Ella.

"Date," rinig kong bulong ni Luhan.

 Mag-date muna kayo ha. Kami na lang ang maggo-grocery!

Tama. Yun ang sabi kanina ni Xiu. Tss. Don't tell me pinlano nila 'to?! Argh! Lagot silang lahat sakin mamaya!

"Gutom na ba kayo?," tanong samin ni Luhan habang nakatingin sa wrist watch niya.

Sasagot na sana ako pero nakuha ng babaeng papalapit samin ang atensyon ko. Napatayo kami ni Luhan. "Ella, say goodbye to Kuya Luhan na. We're going home," sabi nung babae. Oh... She's Ella's mom? I can see the resemblance. Nabaling naman sakin ang tingin niya. "And you are?"

"Ah... Ako nga po pala si Sapphire. Luhan's friend," pagpapakilala ko. Yeah right. I'm Luhan's friend.

Nginitian ako ng mama ni Ella. "I thought you were his girlfiend." Tumawa ako nang konti as a reply. Nakita ko namang ngumiti lang si Luhan. How I wish, tita! Pakisabi nga po sa gwapo pero maganda at the same time na nilalang na 'to kung gano ko siya kamahal.

"Mom! I'm Kuya Luhan's girlfriend. Not her! And I don't want to go home yet," angal ni Ella. Aba! Kelan pa naging ikaw ang naging girlfriend ni Luhan? Binasahan ka lang niya ng libro, girlfriend ka na niya?! Pagkarating na pagkarating namin sa dorm mamaya, magpapabasa rin ako kay Luhan ng Peter Pan para ako na ang girlfriend niya.

Hindi naman pinansin ng mama ni Ella yung girlfriend thingy na pinagsasabi ng batang ito. "But Ella, it's lunch time already. Hindi ka pa ba nagugu -" Naputol ang pagsasalita ng mama ni Ella dahil nag-ring ang kanyang phone at agad niya itong sinagot.

"Hello, sir! Sa division office po? Right now? Okay sir, I'll be on my way." Yan ang mga narinig namin sa pakikipag-usap niya sa phone.

"Come on, Ella. Let's go. Mom has something important to do," sabi nung mama ni Ella.

"You'll leave me with the maids again? I don't wanna. I'll stay with Kuya Luhan," pagdadabog ni Ella at humawak sa kamay ni Luhan.

"Ah... Tita, kami na lang po muna ang bahala kay Ella. Ihahatid na lang po namin siya sa inyo mamaya," pagsa-suggest ni Luhan.

"Sure kayo?," paninigurado ng mama ni Ella.

Even When You Hate Me, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon